G

3.6K 146 14
                                    

GgG...

Isang linggo na ang lumipas pero hindi pa din tumawag si Glaiza sa akin. Pakipot yata ang babaeng yon ah. Kaya naman mas lalo akong nagkaroon ng lakas na loob para ipagpatuloy ko ang plano ko sa kanya. Wala pang nakaligtas sa kamandag ni Rhian sabi ko sa isip ko. Dahil sa nasira ang araw ko kakaisip sa babaeng iyon, kailangan ko muna ng pampawala ng stress. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Max.

Ilang ring palang ay sinagot na niya ito.

"Yes baby, napatawag ka?" Sagot niya sa kabilang linya na medyo sexy ang boses.

"Babe, I miss you. Are you free today?" Sagot ko naman na nang aakit ang boses.

Hindi mo na siya nakasagot alam kong napalunok siya ng laway dahil sa kaseksihan ng boses ko.

"Babe are you there?" Tanong ko.

"Yes babe, hmmm. Can we not meet today babe? Nandito kasi si Dad eh." Sagot niya.

Lalo akong naiinis. Pati ba naman si Max tatanggihan ako this time.

"Babe, please huwag ka namang magalit." Paki usap niya sa kabilang linya.

"Kilala mo ako Max, ayoko ng tinatanggihan." Sagot ko in a cold tone.

"Babe, wrong timing ka naman kasi eh." Sabi niya na medyo crack na ang boses.

"Last chance Max, are you free today or not?" Tanong ko.

"I'm sorry babe but hindi talaga ako pwedi today." Sagot niya.

"Okay then. I guess ito na ang huli nating pag uusap. And huwag mo ng asahan na may tayo pa because I'm breaking up with you." Sagot ko.

"Rhian please don't do this to me." Paki usap niya.

Pero pinatay ko ang tawag at hindi ko na sinagot ang call ni Max sa akin.

Si Max ay isa sa mga toys ko. Kapag frustrated ako ay sa kanya ako pumupunta but I guess kailangan ko na siyang palitan. Tapos na siya sa serbisyo niya sa akin. Tama si Glaiza. Wala akong choice kundi puntahan siya sa store nila.

Pagkatapos ng pagbibihis ko ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Dapat maganda ako ngayon para maisakatuparan ko na ang plan B ko. Pagkatapos ng ilang beses kong tingin sa sarili ko ay saka ako umalis.

Nasa gitna na ako ng daan nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito pero hindi pamilyar ang numero, hindi rin nakahistro sa phonebook ko. Hinayaan ko nalang na magring iyon dahil hindi ko ugali ang sumagot ng tawag kapag hindi nakarehistro ang numero.

Patuloy pa din ito sa pagtawag ng bigla kong naisip baka si Glaiza ang tumatawag kaya naman sinagot ko ito.

"Hello, sino to?" Tanong ko.

"Having a bad day Rhian?" Sabi niya sa kabilang linya at kilala ko ang boses na to.

"Yeah kanina pero nawala na ngayon dahil narinig ko ang boses mo." Sagot ko in a sweetest tone.

"Wow, ang sweet mo naman. So free ka ba today?" Tanong niya.

"I'm always free para sayo Glai." Sagot ko.

Narinig kong tumawa siya. Ang sexy ng pagtawa niya nakakaturn on. Sabi ko sa sarili ko.

"So, kita tayo. Itetext ko sayo kong saan." Sabi niya.

"Okay," sagot ko habang nakangiti.

At pinatay na niya ang tawag. Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko dahil pakiramdam ko umaayon ang tadhana sa mga plano ko this time. Mukhang malapit ng mahulog sa bitag ko si Glaiza at kapag ngyari yon. Siya na ang panghuli kong biktima.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora