I

3.2K 125 9
                                    

IiI...

Nakapagtatakang hindi nagpaparamdam si Glaiza sa akin simula noong tinanggihan ko siyang lumabas kami. Hindi lang pala pakipot at presko ang babaeng yon may pagkachildish din pala. Sinubukan kong tawagan ang number niya pero cannot be reach ito.

Puntahan ko nalang sa store nila para suyuin. Kailangang magkunwari akong sweet at mabait sa kanya ngayon para makuha ko ang loob niya at kapag nangyari yon, gagawin ko na ang mga plano ko. Misyon kong wasakin ang puso ni Glaiza at kapag naging successful ako siya na ang pinakahuli kong biktama. Ginagawa ko ito para sayo Uno kaya sana lang maintindihan mo  ako, ito lang ang tanging paraan na alam ko para mawala ang guilt na nararamdaman ko.

Nasa gitna ako ng aking pag iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at napangiti ako dahil ang target ko ang tumatawag si Glaiza.

"Hello Glai, buti naman at tumawag ka." Paglalambing ko.

"Bakit Rhi, namimiss mo ba ako?" Tanong niya na medyo mapang akit ang boses.

"Kung sasabihin ko ba sayong namiss kita, maniwala ka kaya?" Nakangiti kong sagot.

"Depende Rhi kung paano mo mapapatunayan sa akin na namimiss mo nga ako." Sagot niya.

Bigla akong kinabahan. Parang ibang Glaiza ang kausap ko ngayon.

"Paano ko ba mapapatunayan sayong namimiss nga kita?" Tanong ko na medyo kinabahan.

"Simple lang Rhi, be my date today." Sagot niya na medyo sexy ang boses.

Napalunok ako. Inaakit ba ako ng babaeng to. Tanong ko sa sarili ko.

"Yun lang ba? Sure..sabihin mo lang kung saan tayo magkikita." Sagot ko.

"Okay, punta ka sa place ko itetext ko sayo ang address." Sabi niya at pinatay na niya ang tawag.

Napaisip ako bakit parang may iba kay Glaiza ngayon. Parang ibang Glaiza ang kausap ko kanina. May tinatago talaga sa akin ang babaeng ito at yan ang aalamin ko.

Pagkarecieve ko ng text niya ay agad akong nagbihis at inayos kong mabuti ang sarili ko dapat maakit ko siya this time at dapat mag level up ang gagawin kong paglalaro sa kanya. Kaya naman nagsuot ako ng sexy na damit. Tingnan ko lang kong hindi ka ba maglalaway sa akin ngayon Glai.

Pagkatapos ng preparation ko ay umalis na ako. Isang apartment ang nakikita ko pagdating ko sa lugar na tinitext niya. Pinagmasdan ko muna ito ng mabuti saka ako bumaba sa kotse.

Tinawagan ko siya para ipaalam sa kanya na nandito na ako at agad naman niya akong sinalubong.

Isang napakagandang pogi ang sumalubong sa akin ngayon. Ang sarap ng mga ngiting nakapinta sa mukha niya. Para yatang ako yong naakit sa kanya ngayon. Sinaway ko ang sarili ko. Umayos ka Rhian, hindi siya ang magpapabagsak sayo sabi ko sa sarili ko.

"Hi beautiful." Bati niya sa akin sabay halik sa labi ko.

Hindi ako nakagalaw pero bumawi ako agad.

"Aba, mukhang natuto kana sa akin ah." Sabi ko sa kanya.

Pero ngumiti lang siya at inalalayan niya akong maglakad papasok sa loob ng tinitirhan niya.

Pagdating namin ay pina upo niya ako sa living room at may kinuha siyang bote ng drinks.

"Di ba napaka aga pa para sa ganyan?" Tanong ko.

"Mas maaga mas masaya." Sagot niya habang nakangiti.

"Here" abot niya sa akin ng Smirnoff.

"Thanks." Sagot ko habang kinuha ko sa kanya ang bote.

"Wait here kukunin ko lang ang foods." Sabi niya sabay lakad patungo sa kitchen.

Hindi ko alam kong bakit bigla akong kinabahan, ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Bakit parang naramdaman kong nagkamali ako sa target ko ngayon. Bakit parang naramdaman kong magkapareho kami ng babaeng ito. Napailing nalang ako sa mga iniisip ko. Relax Rhian, huwag kang masyadong mag isip ng ganyan. Hindi ka nagkamali sa pinili mong target. Tandaan mo hindi kapa natatalo sa mga laro mo at hinding hindi mangyayari yon. Sabi ko sa sarili ko.

Bumalik si Glaiza na may dalang pagkain.

"Sorry medyo natagalan ha, nagbihis pa kasi ako eh ang init kasi." Sabi niya.

Pinagmasdan ko siyang mabuti ngayon at mas lalo akong kinabahan dahil halos kita ko na ang dibdib niya. Ano bang problema ng babaeng ito at alam niya ang kahinaan ko. Sabi ko sa sarili ko.

"Rhian, okay ka lang?" Tanong niya.

"Yeah, medyo nahilo lang ako." Sagot ko.

"So Rhi, about doon sa sinasabi ko sayo dati. Ano na pala ang sagot mo tungkol doon?" Tanong niya habang nakatitig sa akin.

"Glai to be honest, hindi ko pa napag isipan ang tungkol dun, gusto ko kasing kilalanin ka muna bago ako magbigay ng sagot." Paliwanag ko sa kanya.

Ngumiti siya at lumapit siya sa kinaupuan ko.

"Ano bang gusto mong patunayan ko sayo Rhi para makuha ko ang matamis mong oo." Sabi niya habang inikot ikot niya ang hintuturo niya sa bandang dibdib ko.

Hindi ako nakagalaw at mas lalong hindi ako nakasagot. Hindi ako handa sa mga ginagawa niya ngayon. Pero pinipilit kong kumalma at hindi ko pinapahalatang apektado ako sa mga ginagawa niya.

Tinulak ko siya ng mahina at ako naman ngayon ang mang aakit sa kanya. Nabigla siya at nanlaki ang mga mata niya dahil naka upo na ako ngayon sa mga hita niya habang siya ay nakasandal sa sandalan ng sofa.

"Wala kang dapat gawin Glai kundi patunayan mo lang na karapat dapat ka sa matamis kong uo." Bulong ko sa kanya sabay halik sa leeg niya.

Kitang kita ko kong paano siya napapikit at kung paano tumayo ang mga balahibo niya sa kanyang leeg kaya naman mas nag eenjoy ako sa ginagawa ko.

Hinalikan ko siya sa ilong, sa noo at sa chin.

"Nagustuhan mo ba?" Bulong ko ulit sa kanya.

Tumango lang siya kaya naman ang ginawa ko ay dinampian ko ng halik ang leeg niya. Saka ako tumayo.

"Kain na tayo. Nagutom ako bigla eh." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.

Dumilat siya at kita kong frustrated siya dahil sa ginawa ko pero agad itong nawala at napalitan ito ng ngiti.

"Alam mo Rhi, sa susunod na bibitinin mo pa ako. Sisiguraduhin kong pagsisihan mo ang ginawa mo." Sabi niya habang nakangiti.

"Bakit Glai? Nabitin ka ba?" Tanong ko habang nakangiti din.

"Kain na lang tayo." Sagot niya.

At kumain kaming dalawa. In fairness maalaga siya sa akin. Sinusubuan niya ako at tinuring niya akong parang reyna. Masaya ako dahil sa buong buhay ako may isang taong nagturing sa akin ng ganito,yung iparamdam sayong special ka para sa kanila. Yung aalagaan ka. Pero nalungkot ako ng isipin kong darating ang panahon na kailangan kong wasakin ang puso niya. Nanghihinayang ako sa kanya sa totoo lang kasi, mabait siya at parang ang inosente niya para saktan ko lang. Pero dapat hindi ako magpapadala sa damdamin ko dapat stick ako sa misyon ko ang mahulog siya sa patibong ko.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora