L

3.3K 133 7
                                    

LlL...

Pagkatapos ng nangyari sa bar ay hindi muna ako nagparamdam kay Rhian. Ni tawag ay hindi ko ginawa. Masakit para sa akin ang saktan siya pero gusto ko lang ipamukha sa kanya na kaya ko rin ang mga ginagawa niya. Nasa loob lang ako ng stock room ng biglang pumasok si Kylie.

"Glai, may naghihintay sayo sa labas." Sabi niya.

"Sino?" Tanong ko.

"Yung tisay na nakausap mo dati." Sagot niya.

Alam kong si Rhian ang  tinutukoy niya.

"Pakisabi Ky wala ako dito." Sabi ko.

"Naku Glai, nasabihan ko na na nasa stock room ka eh." Nakangiti niyang sagot.

"Teka nga, bakit ba ayaw mong harapin? Hmmm." Dagdag niya.

Hindi ko siya sinagot. Naglakad ako palabas ng stock room at hinanap ko si Rhian. Naka upo siya sa mesa na malapit lang sa front door. Nilapitan ko siya. Sa totoo lang diko alam kong paano ko siya haharapin ngayon. Bahala na, tatanggapin ko nalang ang galit niya.

Nagtapat ang mga mata namin. At kita ko sa mga mata niya ang lungkot at sakit. Nakokonsensya ako sa mga oras na to pero hindi ko iyon pinapahalata sa kanya.

"Hi, bakit ka nandito?" Tanong ko habang nakatayo sa harapan niya.

"Pwedi bang umupo ka muna Glai at mag usap tayo." Plain niyang sagot.

Umupo ako at tiningnan ko siya. Pareho kaming tahimik, kapwa nakiramdam kong sino sa amin ang unang magsasalita.

"Sabihin mo na kung anong sadya mo." Pambasag ko sa katahimikan.

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.

"Alam mong may kasalanan ka sa akin." Panimula niya.

Yumuko ako.

"Sorry, I was just drunk that night." Sagot ko.

"Drunk?, hindi ka naman lasing noon Glai, pwedi ba huwag kang magsinungaling sa akin." Sabi niya, na pinipigilan ang galit.

"Rhian, lasing ako that night, kung ano man ang nagawa ko sayo noon, maniwala ka pinagsisihan ko yun." Paliwanag ko.

"Paano mo nagawa sa akin ang ganun Glai? Of all people ikaw pa ang nambaboy sa akin?" Sumbat niya.

Hindi ako sumagot dahil wala akong tamang salita na mabigkas para sa kanya.

"I never been humiliated in my whole life." Sabi niya habang tinititigan ako.

"Rhian, I'm sorry okay? Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?" Paki usap ko.

"Kung gusto mong mapatawad kita, then magpanggap ka as my girlfriend." Sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Alam kong may binabalak siya.

"Rhian no!" Sagot ko.

"Gusto mong mapatawad kita diba?" Sagot niya.

Tumingin ako sa kanya. Yung mga mata niya ay kita kong nakiki usap sa akin. Ito na naman siya, dinadaan niya nanaman ako sa kahinaan ko.

"Just one week Glai, magpanggap kang girlfriend ko." Paki usap niya.

"Bakit Rhi, bakit ako ang naisip mo?" Tanong ko.

"Dahil wala akong ibang makita na pweding tumalbog sa girlfriend ng lalaking naging sanhi ng pagkamatay ni Uno." Sagot niya.

"Uno?" Sino siya?" Tanong ko.

"Kakambal ko si Uno Glai, at siya yung nakita mo dati." Sabi niya.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now