E5

2.8K 118 8
                                    

E5..

Hindi ko akalaing ganun ang maririnig ko mula sa bibig ni Glaiza kahapon. Siguro kaya niya nasabi yon dahil nasasakal na siya sa akin o baka naman dahil sa Solen na yon. Mas matatanggap ko pa kung sasabihin niyang nasasakal na siya kesa naman sasabihin niyang mas pinapaburan niya si Solen. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nakakausap si Glaiza, kailangan ko siyang makausap bago siya bumalik sa Paris.

Nagbihis ako at umalis ako ng bahay. Siguro naman nasa unit niya si Glaiza ngayon. Mabilis kong pinatakbo ang aking sasakyan. Ilang minuto pa ay narating ko na ang lugar na sadya ko. Agad akong bumaba at pumasok sa elevator. Salamat nalang at nakiki ayon sa akin ang panahon ngayon.

Nasa harapan na ako ng unit ni Glaiza. Kumatok ako sa pintuan ngunit hindi ako pinagbuksan. Ilang katok pa ang ginawa ko bago nagbukas ang pintuan niya at nakita ko si Glaiza na bihis na bihis na.

Nagulat siya nang makita niya kong sino ang nasa harapan niya.

"Pwe..pwedi ba tayong mag usap Glai?" Paki usap ko sa kanya.

"Gustuhin ko man Rhi pero wala na akong oras baka maiwan ako ng eroplano." Sagot niya.

"Please, bibilhan kita ulit ng ticket, kausapin mo lang ako ngayon." Pagmamakaawa ko.

"Tungkol saan ang pag uusapan natin?" Tanong niya na medyo nairita na ang boses.

"Tungkol sa atin." Sagot ko.

Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Tungkol sa atin? Bakit may tayo pa ba Rhi?" Tanong niya na medyo nakataas ang kilay.

"Look, tatanggapin ko lahat ng galit mo ngayon, murahin mo ako gawin mo lahat lahat, tatanggapin ko yon basta kausapin mo lang ako." Pagmamakaawa ko sa kanya ulit.

"Ano pa ba itong ginagawa natin? Nag usap na tayo diba? So kung may gusto kang sabihin bigyan kita ng 5 mins. para sabihin yon." Sabi niya.

Pinagmasdan ko siyang mabuti, seryoso nga siya. Galit ba talaga siya sa akin? Ano nang gagawin ko ngayon.

"Oh, akala ko ba may sasabihin ka? Hindi ako manghuhula Rhian para mahulaan ko kung ano yang nasa isip mo." Irita niyang sabi.

"I'm sorry okay. Alam ko nasasakal ka na sa akin, hindi ko naman namalayan na sumosobra na pala ako eh. Hindi ko alam na hindi mo na pala nagustuhan ang mga pinaggagawa ko." Sagot ko sa kanya.

"Ngayong alam mo na? Ano ba ang gusto mong mangyari?" Tanong niya.

"Glai please, huwag mo akong iwanan dito. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko." Sagot ko habang pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko.

"Alam mo Rhi, masyado pang presko ang mga nangyayari eh. Bigyan muna natin ng kalayaan ang sarili natin. Hindi na tayo bata para mag away bati. Kailangan din nating mag grow." Sabi niya.

Masakit marinig ang mga sinasabi ni Glaiza sa akin ngayon. Akala ko hindi niya ako kayang tanggihan, akala ko pagbibigyan niya ako pero mali, nagkamali pala ako. Totoo ngang hindi ko pa siya lubusang kilala.

"Glai, please. Bigyan mo pa ako ng isa pang chance." Paki usap ko.

"Ikaw na mismo nagsabi sa akin Rhi na wala kanang tiwala sa akin. Tapos ngayon nandito ka sa harapan ko para humingi ng isa pang chance? Nagpapatawa ka ba." Sagot niya.

"Sorry, nadala lang ako sa selos ko kahapon kaya ko nasabi yon Glai, alam naman natin pareho na sayo lang ako nagtitiwala diba?" Sabi ko.

"Siguro noon, pero diba sabi mo nang dahil sa isang pagkakamali nawala lahat ng tiwala mo? Ayoko namang mamuhay kasama ka na habang buhay mong isusumbat sa akin ang pagkakamaling yon." Sabi niya na medyo tumaas ang boses.

"Kung kinakailangan lumuhod ako sa harapan mo gagawin ko. Please huwag mo lang ako iwan." Sabi ko na medyo mahina ang boses.

"Hindi mo naman kailangang gawin yon eh, dahil buo na ang pasya ko. Mas makakabuti tong gagawin ko para sa ating dalawa." Sagot niya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Nag uunahan na silang lumabas mula sa mga mata ko.

"Glai please. I can't live with out you." Bulong ko.

"I'm so sorry pero final na ang desisyon ko. Mahirap to para sa akin pero kinakailangan ko tong gawin." Sagot niya but this time ramdam kong nagpipigil siya sa pag iyak.

"Let me ask you something please." Tanong ko.

"Ano yon." Sagot niya habang niyakap niya din ako.

"Ginawa mo ba to para sa atin o ginawa mo to para kay Solen." Tanong ko sa kanya.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap niya ako.

"Gagawin ko to para sa atin. Kung ano man ang meron kami ni Solen ay hanggang pagkakaibigan nalang yon. Balang araw malalaman mo rin kung bakit hindi ko pweding layuan si Sos." Sagot niya.

Ramdam kong nagsasabi siya ng totoo. Masaya ako kahit ganito man ang nangyari sa amin ni Glaiza.

"So, gaano ka katagal sa Paris?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam Rhi, siguro kapag handa na ako. Siguro kapag kaya mo na akong ipagmalaki." Sagot niya.

"Glai, proud naman ako sayo eh. Hindi mo naman kailangang gawin to. Tanggap kita kahit ano ka pa at tanggap ka ng parents ko alam mo yan." Sabi ko sa kanya.

"Alam ko naman yon Rhi, pero gaya ng sinabi ko kanina, kailangan din nating mag grow. Ikaw kailangan mong kilalanin ng lubusan ang sarili mo at ganun din ako. Immature pa tayong dalawa Rhi at alam na alam natin yan. Kaya huwag muna nating ipilit ang relasyon natin dahil alam mong hiwalayan lang din ang punta kapag pinipilit nating magsama ngayon." Paliwanag niya.

Wala na akong nagawa. Hindi ko na mababago ang pasya ni Glaiza at lahat ng sinasabi niya sa akin ay pawang may katotohanan kaya naman hindi ko na hinayaang ibaba ko pa ng lubusan ang sarili ko.

Pinagmasdan ko siyang mabuti ngayon. Ang kanyang mukha, matagal pa bago ko masilayan ulit ang mukhang yan. Matagal pa bago kami magkita muli. Sana kung darating man ang panahong iyon ako pa din sana ang isinisigaw ng puso niya. Sana balang araw kami pa ding dalawa ang magkasama.

Mahal na mahal kita Glai at handa akong maghintay sa iyong pagbabalik. Handa akong magtiis kung ang kapalit nito ay makakasama kita habang buhay. Nasaktan man ako ngayon pero alam ko sa darating na panahon sulit itong sakit na nararamdaman ko. Alam ko may nakalaang bagong yugto para sa aming dalawa.

Mag iingat ka dun at sana maalala mong may naghihintay sayo. Sana hindi mo ako makalimutan dahil kapag nangyari yon hindi ko alam kung paano ko bubuohin muli ang sarili ko. Sabi ko sa sarili ko.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now