T

2.8K 119 12
                                    

TtT...

Nakalipas ang isang buwan simula noong huli kong nakausap si Glaiza. Hindi ko pa naintindihan ang mga nangyayari sa panahong iyon. Nagising nalang ako isang araw na sinundo ako ni Bianca sa condong kinaroroonan ko.

Flashback...

Nagising ako dahil sa malakas na katok sa pinto. Hindi naman siguro si Glaiza ito dahil may spare key siya sa unit niya. Tinatamad akong bumangon pero pinipilit ko ang aking katawan. Nang buksan ko ito ay si Bianca ang nakita ko.

"B? Paano mo nalaman ang lugar na to?" Pagtataka kong tanong.

"Pinuntahan ako ni Glaiza kagabi at sinabi niya na sunduin daw kita dito." Sagot niya.

Pumasok siya at umupo kami sa may living room.

"Bakit pinasusundo ako ni Glaiza sayo?" Tanong ko.

"Hindi mo pa ba alam? Nakakulong na si David." Balita niya.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Paano nangyari yon?" Tanong ko.

"Si Solen, ibinunyag niya lahat ng baho ng lalaking iyon." Sagot niya.

Tama nabanggit sa akin ni Glaiza na may kasunduan sila ni Solen. Ngayong nagawa na ni Solen ang gusto ni Glaiza, ano kaya ang kapalit nun.

"B, bakit hindi si Glaiza ang nagpunta dito?" Tanong ko.

"Hindi mo ba alam? Umalis na sila ni Sos kanina lang, ito oh para sayo." Sabi niya habang inabot sa akin ang envelope.

Kinuha ko ito at tinititigan ko si Bianca. Kita ko sa mga mata niya ang awa para sa akin. Pero higit sa lahat nakikita kong malungkot siya.

"B, sa totoo lang naawa ako kay Glaiza." Sabi niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Kasi B. Ramdam kong mahal ka niya. Kaya niya ginagawa ang lahat ng ito." Sagot niya.

Ngumiti ako ng mapait.

"Alam mo B kung bakit hindi ako naniniwala sa pagmamahal na yan kasi kong totoo ngang mahal niya ako, bakit nakuha niya akong iwan?. Para sa akin kasi kung mahal mo ang tao ipaglaban mo dapat huwag mong sukuan." Mapait kong sabi.

Niyakap ako ni Bianca.

"B, dalawang mahalagang tao ang nawala sa buhay ko dahil sa lintik na pagmamahal na yan, si lolo at si Uno. Now tell me, pagmamahal ba ang tawag sa ginagawa ni Glaiza ngayon?" Dagdag kong sabi.

"B, ang pagmamahal kasi mapagparaya at hindi makasarili, yan ang ginagawa ni Glaiza. Hindi natin alam ang kwento sa likod ng pag alis niya kaya huwag muna natin siyang husgahan." Sagot ni Bianca.

"Pagmamahal, isang nakakatawang salita. Tanging tanga lang ang maniniwala sa salitang yan B." Sabi ko.

Hindi na umimik si Bianca. Ilang sandali pa ay tinulungan niya akong mag empake. Saka ko nalang babasahin ang sulat kapag nandoon na ako sa bahay.

End of flashback...

Tama natandaan kong may bilin palang sulat sa akin si Glaiza. Nawala ito sa isipan ko pagdating ko sa bahay dahil hindi ko inakalang maramdaman ko ang matagal ko nang gustong maramdaman ang pagmamahal nila Mommy at Daddy.

Naging emosyonal ang pag uwi ko at kitang kita ko kung paano naiyak si Dad. Ang akala ko noon ay habang buhay niya akong ituring na para bang hindi niya ako anak, pero sa mga sandaling iyon. Ipinadama niya sa akin ang pagmamahal ng isang ama.

Nakangiti ako ng isipin ko ang mga nangyayaring iyon. Sa wakas naging okay na ang pamilya ko. Siguro kong hindi dahil kay Glaiza ay patuloy pa din akong wasak hanggang ngayon.

Nakita ko sa sobreng binigay ni Bianca sa akin noon. Binuksan ko ito at binasa ko ang laman ng sulat.

Rhian,

Alam kong nalilito ka sa mga nangyayari ngayon pero kung natatandaan mo pa ang sinasabi ko sayo dati siguro maintindihan mo ito.

Rhi, ikaw ang taong nagturo sa akin kung paano magparaya at kung paano lumaban, alam mo ba noong una, hindi ako ganito. Sarili ko lang ang iniisip ko, wala ng iba, pero simula noong makilala kita ay unti unti mong binago ang buhay ko. Salamat sayo Rhi, ikaw ang naging daan para mas makilala ko pa ang tunay na ako.

Rhi, may pabor akong hihingin sayo. Kung ayaw mo akong sumama kay Solen ay pupuntahan mo ako sa bar kung saan nakagawa ako sayo ng kasalanan. Maghihintay ako doon hanggang umaga. Kapag dumating ka ibig sabihin nun, ayaw mo akong mawala sa buhay mo, pero kapag hindi ka dumating hanggang umaga ibig sabihin nun ay wala kang paki alam sa akin.

Tulungan mo ako this time Rhi na magdecisyon para sa akin. Kasi sa totoo lang ayokong iwanan ka, pero dito ko na rin malalaman kong pareho ba tayo ng gusto o baka naman ako lang ang may gustong manatili sayo.

Kapag hindi ka dumating, asahan mong hinding hindi mo na ako makikita at hindi na rin kita gagambalain pa. Sana masaya ka sa mga oras na ito. At sana dumating ang time na maniniwala ka na sa salitang pagmamahal. Naintindihan kita kong bakit kinasusuklaman mo ang salitang yan pero ito lang ang masasabi ko sayo, masarap magmahal at mas lalong masarap ang may nagmamahal sayo.

Hanggang dito nalang.

           Glaiza

Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kong bakit hindi ko nabasa ang liham na ito noong gabing iyon, sana napigilan ko siyang umalis. Kung inuna ko sanang basahin ito di sana nandito pa siya ngayon. Pero huli na ang lahat, isang buwan na ang nakalipas.

Patawarin mo ako Glai, hindi ko naman alam na ganito pala ang laman ng liham mo. Patawad Glai. Sabi ko sa isipan ko.

Habang pinupunasan ko ang mag luha ko ay wala akong ibang naisip na puntahan kundi si Kylie. Makikibalita ako sa kanya tungkol kay Glaiza. Kaya naman hindi na ako nagsayang ng oras at dali dali akong nagbihis.

Pagkatapos ay umalis ako ng bahay at nagtungo ako sa store na pag aari ni Glaiza at Ky. Ilang minuto pa ay narating ko na ang lugar. Agad akong naglakad papasok sa loob. Dumiretso ako sa cashier pero hindi si Kylie ang nakikita ko doon. Lumapit ako at lakas loob akong nagtanong.

"Excuse me Miss, nandito po ba si Kylie?" Tanong ko.

Tiningnan niya ako habang nakangiti.

"Nako Ma'am, hindi na po si Kylie ang nagmamay ari nito ngayon." Sagot niya.

"Ha? Sino nang may ari nito?" Tanong ko.

"Yung mga amo ko po. Sina Mr. De Guzman po Ma'am ibeninta nila ito last month pa po." Sagot niya.

"Ganun ba sige Miss salamat ha?" Sabi ko.

Umalis ako sa lugar na yon dala ang bigat ng loob. Saan ko kaya pweding hanapin si Glaiza. Siguro galit siya sa akin ngayon dahil ang alala niya sinadya ko talaga siyang hindi siputin.

Pumasok na ako sa loob ng kotse ko at pinaandar ko ito. Glai, namimiss kita bulong ko sa sarili ko.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now