D4

2.7K 118 14
                                    

D4...

Nakalabas na si Rhian sa hospital at gusto niyang hindi muna kami magkikita. Wala akong nagawa kundi ang sundin kung ano ang gusto niya. Masakit man para sa akin pero titiisin ko para lang bigyan niya pa ako ng isa pang pagkakataon. Nasa condo ako ngayon ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumawag. Si Solen ito.

"Hello Sos, napatawag ka?" Tanong ko.

"Hello Glai, pwedi ba tayong magkita ngayon?" Paki usap niya.

"Solen, alam mo namang hindi pwedi diba? Ayokong masira ang pangako ko kay Rhian." Sagot ko.

"Glai, kahit ngayon lang please, bago ako umuwi ng Paris bukas. Pagbigyan mo naman ako." Pakiusap niya.

Hindi ko kayang tanggihan si Solen dahil kahit papano ay naging mabuti siyang kaibigan ni Kylie. Pero may takot din akong naramdaman, alam kong maraming koneskyon si Rhian at madali lang niyang malalaman kapag pinagbigyan ko si Solen.

"Glai please, pangako pagkatapos nito hindi na kita gagambalain pa." Sabi niya.

Bumuntong hininga muna ako bago ako sumagot.

"Okay, kung okay lang sayo dito nalang tayo sa unit ko mag usap. Baka kasi may makakita sa atin sa labas eh." Sabi ko.

"Salamat Glai, sige puntahan kita diyan." Sabi niya at pinutol na niya ang tawag.

Kinakabahan talaga ako, hindi ko alam kong bakit pero grabe ang kabang naramdaman ko ngayon. Sana lang walang masamang senyales ang kabang to. Ilang minuto pa ang nakalipas ang may kumatok na sa pintuan ko. Alam kong si Solen ito kaya dali dali akong tumayo upang buksan ang pinto, pero hindi ko inaasahan ang bisitang dumating.

"Lab?", kabado kong tanong.

"Bakit mukha kang nakakita ng multo diyan Glai?" Tanong niya.

"Nabigla lang kasi ako, akala ko ayaw mo akong makita eh." Paliwanag ko.

"Hindi mo ba ako papasukin?" Taas kilay niyang tanong.

"Halika, pasok ka lab." Sabi ko habang tinatago ko ang kabang naramdaman ko.

"Namiss kita Glai." Sabi niya sabay yakap sa akin ng napakahigpit.

Kakaibang Rhian ang nasa harapan ko ngayon. Hindi siya malambing sa akin, pero hindi ko pinapahalata na napapansin ko ang pagbabago niya.

"Namiss din kita lab, sobra." Sabi ko habang hinalikan ko siya sa noo.

"Kumusta kana pala?" Tanong ko sa kanya.

"Mabuti na ako. Kaya huwag ka ng mag alala." Sagot niya sa akin.

"Ikaw kumusta kana dito? Hindi ka ba lumalabas?" Tanong niya.

"Okay lang naman ako dito lab, hindi ako lumalabas nitong nakaraang araw eh kasi pagod ako." Sagot ko.

"Ganun ba, gusto mo ba labas tayo mamaya?" Sabi niya.

"Sure, basta ikaw walang problema." Nakangiti kong sagot.

Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang binabasa niya ang buong pagkatao ko. Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso dahil natatakot ako sa susunod na mangyayari kapag napang abot sila ni Solen dito. Sana lang hindi siya maabutan ni Solen.

"Bakit mukhang balisa ka Glai?" Tanong niya.

"Hindi naman, iniisip ko lang kasi si Kylie eh, bukas na kasi ang balik ko sa Paris." Sagot ko.

"Aalis ka? Bakit diko alam yan?" Tanong niya na medyo naiinis.

"Bibisita lang ako kay Ky, babalik naman agad ako dito eh. Pasensya na nakalimutan kong banggitin sayo." Paliwanag ko.

"Nakalimutan ba talaga o sadyang ayaw mo lang ipaalam sa akin?" Sagot niya.

Heto nanaman siya sa pagdududa niya sa akin.

"Nakalimutan ko lang talaga lab." Mahinahon kong sagot.

"So, aalis ka pala bukas? Sinong kasama mo?" Tanong niya.

"Magkasama kami dapat ni Solen pero hindi ko alam kong tutuloy pa ba siya." Sagot ko.

Bahala na si Rhian kong ano ang iisipin niya ngayon. Ayoko na kasing maglihim pa sa kanya eh. Isa pa tapos na ang dalawang buwan na freedom namin ni Solen sa isa't isa. Diko alam kong kami pa ba ni Rhian o hindi. Kaya sasamantalahin ko nalang ang pagkakataong ito para makapag isip ng tama. Hindi naman talaga ako babalik sa Paris eh, dito lang ako sa Pinas dahil nandito ang taong minamahal ko.

"Si Solen nanaman. Bakit ba lahat ng lakad mo parang kasama mo siya!?" Galit niyang tanong.

"Lab, alam mo namang sabay kaming umuwi dito diba? And magtataka si Ky kapag ako lang ang uuwi mag isa doon." Sagot ko.

"Paano naman ako Glai? Paano naman ang nararamdaman ko? Si Ky lang ba ang mahalaga sayo?" Tanong niya habang nakatitig sa akin.

"Mahalaga ka sa akin alam mo yan. Pero diba sinabi mo na ayaw mo muna akong makita o makasama? Kaya nga aalis nalang muna ako para pagbigyan ka sa gusto mo." Paliwanag ko.

"Yan ba talaga ang totoo Glai? Pagbigyan ako sa gusto ko o para malaya kayong gawin ang gusto niyo?" Sagot niya.

"Rhi, ano bang nangyayari sayo? Bakit ka ba nagkaganyan?! Alam mo sa totoo lang hindi na kita maintindihan eh." Sabi ko.

"Kailan mo ba ako inintindi Glai? Sige nga? Diba kaya mo lang ako niligawan dahil naawa sa kalagayan ko!?" Galit niyang sabi.

"Ano bang pinagsasabi mo?! Naririnig mo ba ang sarili mo? Ganyan na ba kakitid ang pag iisip mo na pati pagmamahal ko sayo ay pinagdududahan mo na?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi nga ba yan ang totoo Glai?" Umiiyak niyang sagot.

"Rhian, minahal kita ng totoo, lahat ng pinapakita ko sayo totoo lahat yan. Bakit ba pilit mong kinukwestyon lahat ng mga galaw ko. Isang beses lang ako nagkamali sayo Rhi." Sabi ko sa kanya.

"Isang beses lang nga Glai para sirain mo lahat ng tiwalang ibinigay ko sayo." Sagot niya.

"Wala ka naman palang tiwala na sa akin eh, ano pa bang saysay ng paghingi ko sayo ng second chance kung hindi mo na kayang magtiwala pa sa akin." Sabi ko.

"Alam mo Rhi, nahihirapan na akong intindihin ka eh, oo nangako ako sa sarili ko na ibibigay ko sayo lahat ng pang unawang kailangan mo pero habang tumatagal parang hindi na kita kilala eh. Ibang iba kana Rhi, nilamon kana ng selos mo." Sumbat ko sa kanya.

Tiningnan niya ako bago siya nagsalita.

"Para mo naring sinabi Glai na maghiwalay na tayo ng tuluyan. Yan ba ang gusto mong mangyari?" Sabi niya.

"Napapagod na ako Rhi, lahat nalang kasalanan ko. Lahat nalang mali ako. Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar yung sarili ko. Sa tingin mo kasi wala na akong nawagang tama eh." Sagot ko.

"Yan ba ang sinasabi mong mahal mo ako Glai! Yan ba ha?! Isa ka rin naman pala sa mga taong walang paninindigan eh. Ano? Suko ka na dahil pinapahirapan kita? O suko kana dahil hindi mo na kayang magpanggap pa!?" Galit niyang sabi.

"Pagpapanggap? Lahat ba ng nangyayari sa atin para sayo pagpapanggap lang?! Ganyan na ba talaga kababa ang tingin mo sa pagkatao ko?. Wala na talagang patutunguhan ang usapan nating ito Rhi, kaya mas mabuti pa sigurong tapusin na natin kung anu man ang meron tayo. At kalimutan mo nalang na naging bahagi ako sa buhay mo." Galit kong sabi sa kanya.

Hindi siya nakasagot. Tinititigan lang niya ako sa aking mga mata habang pilit niyang pinipigilan ang mga luhang nagbabadya nanamang tumulo.

"Pinilit kong magbago para sayo Rhi, ginawa ko lahat ng hindi ko nagawa dati para lang maging karapat dapat ako sayo pero kahit ano pang gawin ko ay hindi talaga sapat sayo. Kaya bakit pa natin ipipilit ang mga sarili natin sa bawat isa, tama na ang mga panahong nagkakilala tayo." Dagdag ko.

"Sabi mo kilalanin ko muna sarili ko diba? Siguro ganun din ang gawin mo sa sarili mo. Mahal kita pero hindi sapat na dahilan yon para manatili ako sayo." Sabi ko.

Hindi siya nagsalita pa nang bigla nalang siyang umalis sa unit ko. Alam kong masakit ang mga sinasabi ko pero hindi ko na kasi kayang maging tau taohan lang niya.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now