K

3.3K 132 5
                                    

KkK....

Nasa bahay ako ni Bianca ngayon dahil iniiwasan ko si Max. Ang kulit naman kasi, sinusuyo ako eh alam naman niyang hindi ako seryoso sa kanya.

"B, kumusta na pala yong plano mo kay Glaiza, ano ng progress." Tanong niya.

"Naku B. Dito ako sa babaeng ito nachachallenge eh. Hindi basta basta B." Sagot ko.

Tiningnan niya ako na may ngiti sa labi.

"So ibig mong sabihin hindi umobra ang karisma mo sa kanya?" Nakangiti niyang tanong.

"Well, for now hindi pa, pero hindi ako susuko hanggat hindi siya mahuhulog sa bitag ko." Sagot ko sa kanya.

"Talaga lang ha, baka naman B ikaw ang mahulog sa kanya." Mahiwaga niyang sabi.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Gaya nga ng sinabi mo sa akin dati na maalaga siya, sweet at mabait. Napa-isip kasi ako, na never ka pang nagbigay puri sa mga babaeng nakilala mo. Sa kanya pa lang. So ibig sabihin B. Special siya sayo." Paliwanag niya.

Umiling ako at ngumiti ako sa kanya.

"Bianca natural special siya kasi siya ang panghuli kong target at kapag natapos ko na ang misyon ko sa kanya eh. Sa London na ako titira for good." Sagot ko.

"At paano kapag hindi naging successful yong misyon mo sa kanya B. Anong gagawin mo?" Tanong niya.

"Hinding hindi yan mangyayari Bianca. Wala pang nakakaligtas kay Rhian tandaan mo yan." Pagmamalaki kong sabi sa kanya.

"Well, tingnan lang natin basta ikaw binabalaan kita. Itigil mo na habang maaga pa." Sabi niya.

Pero hindi ko siya sinagot. Buo na ang loob kong tapusin ang nasimulan ko. Ngayon pa ba ako aatras kung kelan nasimulan ko na.

Nagring bigla ang cellphone ko at nakita kong si Ketchup ang tumawag kaya sinagot ko ito.

"Hello bruha!" Sabi ko sa kanya.

"Hi Whiwhi, are you free tonight?" Tanong niya sa akin.

"Hmmm, yes.!" Sabi ko.

"Good, labas tayo maya. Same place." Sabi niya na medyo excited.

"Bakit parang excited ka?"tanong ko sa kanya.

"Bakit, masama bang maging excited na makita ka?" Sabi niya sa kabilang linya.

"Hindi naman, sige see you tonight bruha. Kasama ko pala si Bianca mamaya ha." Sagot ko.

"The more, the merrier Whi. See you tonight babush!" Sabi niya at pinutol na niya ang tawag.

"Sino yon?" Tanong ni Bianca.

"Si Ketchup, friend kong bading." Sagot ko.

"Bat diko kilala?" Tanong niya.

"Hindi ka naman kasi sumusama sa akin kapag nagbabar ako eh." Sagot ko.

Tinignan lang niya ako na para bang pinagtaksilan ko siya.

"B, huwag mo nga ako tignan ng ganyan, akala mo naman pinagpalit kita don sa bading na yon eh. Syempre ikaw lang ang nag iisa kong bestfriend tandaan mo yan." Paliwanag ko sa kanya.

"Siguraduhin mo lang talaga B." Sagot niya.

Dumating na ang gabi at nag aayos na kami ni Bianca. Simple lang ang suot ko now. Wala kasi akong balak lumandi. Focus muna ako kay Glaiza ngayon.

Narating na namin ang bar at pagpasok namin ay agad kong hinanap si Ketchup pero hindi ko talaga siya mahagilap. Inisa isa kong tignan ang mga nakaupo sa table dahil konti pa lang sila pero sa halip na si Ketchup ang makita ko ay hindi ko inaasahang si Glaiza ang mahagilap ng paningin ko.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now