R

2.9K 134 6
                                    

RrR...

"Solen, alam kong mabuti kang tao. Kaya may pakiusap sana ako sayo." Sabi ko kay Solen.

Tinititigan niya ako na para bang nalilito siya sa mga sinasabi ko.

"Glai, deretsuhin mo nga ako kung ano ang gusto mo." Sagot niya.

"Gusto ko lang malaman kung bakit niyo nagawang lokohin si Uno." Sabi ko.

Nabigla siya at nakita kong nalulungkot siya. Humugot siya ng malalim na buntong hininga.

"Glai, alam kong hinuhusgahan mo na ako base sa mga kwentong naririnig mo. Pero kung sasabihin ko ba sayo ang totoo maniniwala ka pa ba sa akin?" Tanong niya.

Tumango ako sa kanya dahil alam at ramdam ko na seryoso si Solen this time.

"Paniniwalaan ko bawat salitang lumalabas diyan sa bibig mo Sos." Sagot ko.

"Una kong nakilala si Uno dun sa bar na tinatrabahuan ni Chynna. And simula noon ay naging malapit kami sa isa't isa. Ilang beses kaming nagkikita noon at patawad dahil tinatago ko yon sayo. Hanggang sa isang gabi, may kasama siyang dumating, dun ko nakilala si David. Boyfriend niya pala ito at sabi niya siya ang nagpapaaral dito." Salaysay niya.

"Tapos? Anong nangyari?" Tanong ko.

"Yun nga, kapag nagkakasundo kami na lalabas ay tatakas ako sayo. Pero isang gabi noon nagyaya sa akin si David sabi niya huwag ko daw ipaalam kay Uno. Hindi ko naman iniisip noon na may masama pala siyang balak eh kaya nakipagkita ako sa kanya. At yon na nga inamin niyang may gusto daw siya sa akin. At dahil kulang ako sa atensyon mo dati ay nahulog agad ako sa kanya." Maluha luha niyang sabi.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Ipagpatuloy mo lang ang kwento Sos." Sagot ko.

"Nagkikita kami ng palihim ni David at ilang beses na ring may nangyari sa amin. Pinangakuan niya kasi ako na kapag nakuha na niya ang gusto niya kay Uno ay iiwanan niya ito at lalayo kaming dalawa." Sabi niya.

Komunot ang noo ko.

"Hayop pala ang David na yan eh." Sabi ko na pinipigil ang galit.

"Alam ko yon Glai, at nakikita ko na ang tunay na kulay niya ngayon." Sagot niya.

"So ayon na nga, isang gabi kinausap ako ni Uno. Sinabi niya sa akin na ang pinaka ayaw daw niya ay ang ahas. Mabait daw siyang tao kaya sana daw hindi daw mangyayari sa amin ang nangyayari sa ibang magbestfriend. That time kinutuban na akong may nalalaman na siya. Kaya mula noon iniwasan ko si David. Pero binablackmail niya ako eh. Sabi niya. Sasabihin daw niya kay Uno na inaakit ko siya at sasabihin daw niyang inutusan ko siyang hiwalayan niya si Uno." This time umiyak na si Sos.

Pinahiran ko ang mga luha niya.

"Tahan na, huwag kang mag alala makakaganti ka din sa lalaking yon." Paninigurado ko.

"Nabigla nalang kaming lahat isang araw noon nang mabalitaan namin wala na si Uno. Iyak ako ng iyak noon eh. Hindi ko alam kong ano yung gagawin ko. Samantalang siya parang wala lang sa kanya yung nangyari sa girlfriend niya. Sabi pa niya, para daw hindi halata na kami ay ipapakilala niya daw ako sa parents ni Uno as pinsan niya at dapat kukunin ko daw ang loob ng mga magulang ni Uno." Salaysay ni Solen.

"Pero lahat ng plano namin ay parang naiba nang makita naming may kakambal pala si Uno at yon si Rhian. Kasi kahit si David hindi niya alam na may kakambal ang girlfriend niya. Kaya noong nakaburol palang si Uno ay isinama niya ako sa isang motel sa totoo lang walang nangyari sa amin noon. Galit na galit nga siya eh. Pero tiniis ko ang pananakit niya. Ayoko kasing madagdagan ang kasalanan ko sa bestfriend ko eh." Sabi niya.

Naiinis ako bigla sa mga nalalaman ko. Parang biktima lang din dito si Solen eh.

"Tapos ano nang nangyari Sos?" Tanong ko.

"Yon nga, pagkatapos ng lahat ng pangyayari ay naghanap ng ebedinsya itong si Rhian dahil hindi siya naniniwalang magagawang magsuicide ni Uno." Sabi niya.

"Bakit pala hindi nakilala ni David si Rhian?" Tanong ko.

"Tanging mga malalapit lang na kamag anak ang nakakaalam na may kakambal si Uno. Nahihiya kasi ang Daddy niya na ipakilala siya sa mga tao dahil may sakit siya." Sabi niya.

"Sakit? Anong klaseng sakit?" Tanong ko.

"May bipolar disorder si Rhian simula noong bata pa siya ay nagpupunta na sila sa psychiatrist para ipagamot siya." Sabi naman ni Sos.

"Bipolar disorder, isang mental illness yan diba? So you mean nakakaranas si Rhian ng traumatic event?" Tanong ko.

"Ang pagkakaalam ko Glai, labis daw niyang dinamdam ang pagkamatay ng grandpa niya. Kasi sa harapan din daw mismo ni Rhian nagbaril sa sarili ang lolo niya dahil sa nahuli nitong may ibang lalaki ang lola niya." Salaysay ni Sos.

Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko. Ang dami ko pa palang hindi nalalaman kay Rhian. Kaya pala minsan hindi ko maintindihan ang ugali niya. Minsan malambing siya sa akin minsan naman hindi. Akala ko simpleng moodswing lang iyon pero isa na pala iyong sakit.

"Glai, okay ka lang ba?" Tanong ni Solen sa akin.

Tinititigan ko siya.

"Sos, ano ba ang motibo ni David kung bakit niya nagawa lahat ng ito." Tanong ko.

Ngumiti siya sa akin.

"Hindi mo pa ba nakuha Glai? O baka naman wala kang ideya kung gaano ka yaman ang pamilya ni Rhian?" Sagot niya.

"Hindi ko alam Sos, hindi naman kasi ako updated sa mga mayayamang angkan eh." Sagot ko.

"Pangalawa sa pinaka mayaman dito sa Pilipinas ang pamilya niya at dahil nga dalawa lang silang magkakapatid ni Rhian at wala na si Uno. Sa tingin mo ba iaasa kay Rhian ng Daddy niya ang kompanya nila kung sakaling mamatay ito?" Sabi ni Solen.

Ngayon ko lang narealize kung ano ang dahilan ni David. Posisyon at kayamanan yan ang gusto niyang makuha sa pamilya ni Rhian.

"So Glai, nasabi ko na sayo lahat ng alam ko. Nasa sayo na yun kung paano mo iyon mapapatunayan sa mga magulang ni Rhian." Sabi niya.

Iniisip kong wala talaga akong chance na maniwala sila sa akin kapag ako ang magsasabi sa kanila dahil unang una, galit na galit sa akin ang ama  ni Rhian at pangalawa hindi pa nila ako lubusang kilala. Kaya naman alam ko kung sino ang magpapatunay nito.

"Sinong nagsabi na ako ang magpapatunay sa lahat ng sinasabi mo Solen." Sabi ko ng nakangiti.

Nanlaki ang mga mata niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.

"Simple lang, ikaw mismo ang magsasabi sa kanila lahat ng nalalaman mo." Sagot ko.

"At paano kong sasabihin ko sayong ayoko?" Sabi niya.

"Gagawin ko lahat ng gusto mo Solen sabihin mo lang ang buong katotohanan. Ito lang ang tanging paraan para makabawi ka sa mga kasalanan mo kay Uno at para na rin matulungan mo si Rhian." Sagot ko.

Tiningnan niya ako sa mga mata.

"Basta ba ipangako mo sa akin na kapag nagiging okay na lahat ay lalayo tayong dalawa at magsimula tayong muli." Sabi niya.

"Pangako Sos." Sagot ko.

Mabigat man sa kalooban kong makipagdeal kay Solen ay kakayanin ko ito matulungan ko lang si Rhian. Sa ngayon hindi ko na iniisip ang sarili kong kaligayahan kundi ang kapakanan ni Rhian.

***

Kawawa naman pala si Whiwhi dito😢😪

Taste of Love (gxg) COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora