Q

2.9K 128 15
                                    

QqQ...

Tumunog ang cellphone ko at ng tingnan ko kung sino ang tumawag nakita kong bagong number ito ni Rhian. Sinagot ko ito.

"Yes Rhi, may kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman Glai, check ko lang kong okay ka." Sagot niya sa kabilang linya.

Hindi ko maiwasang hindi kiligin lalo na't napakalambing ng boses niya ngayon.

"Glai, anong oras mo ba ako pupuntahan dito?" Tanong niya ulit.

"Mga bandang 6pm. May kailangan lang akong puntahan." Sagot ko sa kanya.

"Sige, hihintayin kita ha, ingat ka lagi." Sabi niya at pinatay na niya ang tawag.

Napangiti ako dahil hindi ko akalaing may tinatago palang kabutihan si Rhian. Pinatira ko siya sa bago kong condo. Sa totoo lang hindi alam ni Ky na may naipundar na ako. Gusto ko kasing isurpresa siya pagdating ng panahon.

Kailangan kong makausap si Solen ngayon kaya naman pumunta ako sa store para hingin ang number niya kay Ky.

Pagdating ko sa loob ay nakita kong may naghihintay pala sa akin. Ang mga magulang ni Rhian, at nandito din si Klea.

Naglakad ako papasok ng sinalubong ako ni Klea.

"Babe, mabuti naman at nandito kana." Sabi niya sabay halik sa labi ko.

"I miss you babe." Sabi ko kay Klea at dinampian ko din siya ng halik sa labi.

Nakita kong parang diring diri sa nakikita niya ang ama ni Rhian kaya naman napa smirk ako.

Hinawakan ko ang kamay ni Klea at hinarap ko ang mga magulang ni Rhian.

"Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo.?" Tanong ko.

Ang ina ni Rhian ang kumausap sa akin.

"Glaiza, nagbabasakali lang sana kami na baka tumawag sayo si Rhian." Sabi ng Mommy niya.

Tiningnan ko siya sa mga mata niya.

"Ma'am, simula po ng umalis kami sa bahay niyo ay hindi na po nagpaparamdam sa akin ang anak nyo." Sagot ko.

"Sinong Rhian babe?" Tanong ni Klea.

Ngumiti ang Daddy ni Rhi na para bang may binabalak ito. At hindi nga ako nagkakamali dahil nagsalita siya.

"Si Rhian lang naman ang sinasabi niyang girlfriend which is anak ko yun. Ikaw hija kaano ano ka ba ng babaeng ito?" Tanong ng ama niya.

Hinintay ko ang magiging reaksyon ni Klea. At hindi ko inaasahan ang naging sagot niya.

"Sir, maswerte yung anak nyo kung tinuturing siyang girlfriend ni Glaiza dahil sa totoo lang wala pa siyang kiniclaim na girlfriend." Sagot niya.

Nakita kong nabigla ang Daddy niya dahil hindi niya inaasahan ang nagiging sagot ni Klea,hanggang sa nagsalita ang Mommy ni Rhian.

"Glaiza, kung sakaling tatawagan ka ni Rhian, please ipaalam mo agad sa akin." Pakiusap niya.

Tumango lang ako. May binigay siya sa akin na calling card. Kinuha ko ito.

"Huwag po kayong mag alala Ma'am tatawagan ko po kayo sakaling tatawag siya sa akin." Sabi ko.

Di nagtagal ay umalis na sila.

"Halika nga dito babe." Sabi sa akin ni Klea.

Umupo kami at tinititigan niya ako na para bang hinihintay niya na may sasabihin ako sa kanya.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now