Chapter 3

131 9 0
                                    

Matapos ang pag uusap, namin ni Dana, kahapon. Hindi ko pa rin alam kung saan ako mag uumpisa. Sobrang hirap kasi no'ng ginawa sa'kin ng kapatid kaya hanggang ngayon hindi ko alam ang na raramdaman ko.

Humarap ako sa salamin at pinag masdan ang mukha ko, at hindi ko rin maiwasang hindi mapatingin sa kamao ko.

Binuhos ko lahat ng galit ko, don sa puno, kaya ito ngayon ang kamao ko may benda idagdag mo pa ang sugat sa mukha ko dahil aksedente kong nahiwa kagabi.

Nilagyan ko ng band aid ang pisngi ko bago ko mapag desisyonang lumabas sa kwarto ko at kumain ng almusal, pero nung pag baba ko may isang tao akong hindi inaasahan na makita ngayo'ng araw.

"E-eoma. (M-Mom) " Gulat na tawag ko kay mom. "Akala ko mom, hindi pa kayo uuwi?"dagdag ko.

Pinauna kasi nila ako dito para masaayos ang lahat ng nandito, ayos lang naman sakin 'yon ang kaso nga lang medyo hindi pa ako sanay na wala sila sa paningin ko.

"May meeting lang ako mamaya sa tagaytay, dito lang ako dumaretso para mag breakfast"paliwanag niya.

Lol. Ano pa ba ang aasahan ko sa magulang ko?

"A, ganon ba?"sabi ko.

Simpleng tango lang ang sinagot niya sakin, ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin e.

"Ingat sa byahe, mom."sabi ko at hindi na siya sinaluhan na kumain.

Nakakawala ng gana. Akala ko tatanongin niya kong okay lang ba ako, kong anong ganap sa school, or kahit kamustahin niya na lang ako, pero hindi. Hindi na nga siya yong mom, na kinalakihan ko 2 years ago.

Dami ko masyadong problema!

Matatapos din ang lahat ng to, a. May alam naman ako na hindi nila alam, patas lang kami na nag lilihim sa isa't isa. Pag dating ko sa school bulung-bulungan pa rin si Dana, lalo na yong pag iyak ko sa klase. Bwiset!

"Nakita mo ba si Dana kahapon? Parang ibang tao no?"

"Nag rerebelde na naman yata si Dana e."

"Ano kayang problema ni Aashni?"

"Wait, may bangas si Aashni sa mukha!"

Maka pag bulungan akala mo naman alam ang nangyayaari sa buhay namin ng best friend ko. Mga tao ng naman ngayon, judgmental.

Hanggang sa makarating ako sa lobby, panay pa rin ang bulungan nila, pero tuloy lang ako sa pag lalakad, at nag papanggap na walang naririnig.

Dumaretso ako sa office ko at doon tumambay, mas gusto ko dito, peaceful ang paligid kaya kong makapag isip ng malalim.

Kinuha ko ang phone ko at pinang masdan ang litrato namin ni Brylle na mag kasama. Kung alam mo lang kung gaano kita na mimiss ngayon Brylle, sobra-sobra.

Hindi ka pa rin mawala wala dito sa puso't isipan ko, mga pangaral at ka kulikutan mo ang namamayani sakin hindi ko man masabi sayo kong gaano kita ka-mahal nong na bu-bubay ka, alam ko naman na ramdam mo 'yon, ikaw, si kuya, si Xiang, at si Jhang ang happy feel ko pag malungkot ako.

Brylle, mag paramdam ka naman sakin para malaman ko na masaya ka kung nasan ka man ngayon kahit na nandito pa rin ang kirot sa puso ko.

Sh*t! Bigla na lang akong napa-tayo ng biglang may bumato sa bintana at isang malakas na hanggin ang bumungad sa'kin.

Brylle, sabi ko mag paramdan hindi takutin mo 'ko.

Langya, pwede naman sa panaginip, bakit kailangan manakot pa? Papatayin mo naman yata ako sa takot Brylle e.

When My Five Best Friends  Fell Inlove With MeWhere stories live. Discover now