Chapter 38

62 3 0
                                    

Aashni Blytte's POV

Mag la-lunch time na pero 'yong anim seryosong nag uusap usap. Hindi talaga ako belong sa kanila-charing! Hahaha. Baka naman kasi may plano nakiki-chismis lang si Dana tapos ichi-chika sa'kin. Ang bait ni Dana e, sisirian niya talaga 'yong surprise sa'yo.

*kring!*

Dali-dali kong kinuha ang phone ko sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumawag. Hindi ko alam pero bigla na lang ako napangiti ng makita ko kung sino ang tumatawag.

"O? Anong masamang hanggin ang nag udyok sa'yo para tawagan ako?" Bungad ko sa kaniya.

"Ulul! Ginagawa mo?" Sambit niya.

"Hahaha nasa school pa ako mamaya na lang tayo mag usap, ang dami ko pa man din iku-kwento sa'yo." Sabi ko.

"Sige, tawagan kita mamayang mga 8?" Tanong niya.

"Sure. By the way, I miss you." Nakangiti kong sabi.

"Ayieee siya na 'yong naunang mag 'I miss you' sa'kin." Asar niya sa'kin.

*__*

"Ulul!" Sabi ko at binaba na ang phone.

Pag talikod ko nagulat ako dahil kaharap ko si Janxel, hala ka narinig niya yata 'yong usapan namin ni Rien shems nakakahiya naman!

"Sorry." Sambit ko at umiwas ng tingin sa kaniya.

Pakiramdam ko lahat ng dugo ko umakyat sa mukha ko ng magkasalubungan kami ng tingin ni Janxel. Ang weird lang pero wala akong magawa, kusa kong nararamdaman ang bagay na 'to.

"Kain tayo sa labas." Sabi niya na nag paubo naman sa'kin.

Narinig kong napatawa siya sa naging reaksyon ko. Aba kahit sino naman siguro magugulat 'di ba? Yayaan ka ba naman kumain ng kayong dalawa lang sinong hindi mabibigla. Duh?!

"Are you even serious?" Tanong ko.

"Oo naman. Ayon kaya 'yong pinag uusapan naming anim kanina, tsaka pumayag naman si couz at 'yong apat e." Sabi niya pa.

Wala naman filter ang bibig nito e. Wala na din naman akong magagawa, pag tinanggihan ko 'to si Dana ang pipilit sa'kin para pumayag sa alok ng pinsan. Hays.

"Sige na." Pag payag ko.

Nagulat ako ng bigla siyang tumalon at sumigaw ng yes. Napailing na lang ako at pinigilan na siya, akala mo naman sinagot ko siya e. Hahaha.

"Thanks." Bulong niya at niyakap ako.

"Hahaha, okay na." Sabi ko at bahagya siyang tinulak para naman sa konting distansiya, 'yong mukha kasi ng kababata ko parang ewan na. Nag seselos na naman yata. Hahaha.

Sabay kaming lumabas ni Janxel sa room at ito pa ang nakakatuwa, inalalayan niya ako na makapasok sa kotse niya. Hahahaha. Nararanasan ko naman 'yong ganito pero kila couz or di kaya naman ay kila Rien lang e wala naman malisya 'yon tsaka tropa ko naman sila e ito kasi manliligaw ko e.

Nikikilig tuloy ako-hahahaha charing!

Dinala ako ni Janxle sa Jollibee? Seryoso ba siya? Dito talaga? Hahahaha parang bata e.

"Ano iyo?" Tanong niya.

"Kung ano na lanf 'yong sa'yo." Nakangiti kong sabi.

Hindi ko naman first time dito ang kaso nga lang medyo pang bata ang place pero ayos lang naman sa'kin na dito kami may paborito din naman ako ditong pag kain e, 'yong sundae ta's isa-sawsaw 'yong fries don then 'yong fries ipapalaman sa burger. Hahaha weird pero hindi ko mapigilan 'yon.

When My Five Best Friends  Fell Inlove With MeWhere stories live. Discover now