Chapter 41

65 3 0
                                    

Aashni Blytte's POV

Pag dating ko sa bahay iba na agad ang pakiramdam ko. Parang ang init naman yata dito.

"Hanapin niyo ang anak ko ngayon na, or else lahat kayo mawawalan ng trabaho!" Dinig kong sigaw ni dad.

Akala ko ba useless ako. Bakit naman kaya ako ipapahanap ni dad e wala naman akong nababalitaan na may meeting with stockholders.

"Wala akong paki, find my daughter!" Sigaw ni dad.

Pag karating ko sa salas ay nadoon lahat ng maids at guards dito sa bahay, habang si dad naman ay pinapakalma ni mom. Parang may kulang? A! Alam ko na kung sino, na saan kaya ang tusong 'yon?

"Master, hindi po talaga namin mahanap si young lady. Wala din pong alam si young lady Dana kung na saan siya." Sagot ni manang.

"Then find her! Wala akong paki kung saan basta hanapin niyo siya!" Sigaw muli ni dad.

Balak pa sana ni manang na mag dahilan pero sumabat na ako.

"Pwede na kayong umalis." Malamig kong sabi.

Napatingin sa'kin silang lahat pero isang mata lang ang tiningnan ko. Kay dad.

"Couz!" Sigaw ni Xiang.

Ngumiti lang ako sa kaniya at agad din na binalik ang tingin kay dad.

Inaasahan ko na siya ang unang mag sasalita sa kanilang dalawa ni mom pero mali pa rin ang inaasahan ko. Si mom ang unang tumawag sa'kin na anak.

"Anak. I'm glad that you're here." Sambit ni mom.

"Matagal pa akong mamatay ano ba kayo?" Walang galang kong sabi.

Kung dati ay nasasabik ako na marinig ang bagay na 'yan mula sa kanila, ngayon hindi na. Parang gusto kong marinig ang bagay na 'yan mula mismo sa bibig ni dad.

"Aashni, respect your mom!" Suway ni couz.

"Why would I? Karespe-respeto ba sila?" Sagot ko at dumaretso na sa kwarto ko.

"Anak." Usal ni dad.

Napahinto ako ng marinig ko siyang tawaging akong anak. Bakit ganito? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Akala ko kay Chandra ko lang mararamdaman 'to pero bakit pati kay dad nararamdaman ko 'to.

"I have a lot to do, sabihin niyo ang gusto niyong sabihin." Sabi ko bago humarap sa kanila.

"Mianhe." Usal niya.

"Okay." Sabi ko at pumasok na sa kwarto ko.

Mabilis kong nilock ang pinto ng kwarto ko at doon na ako napasandal. Anak ng pusa, pinaglalaroan mo na naman ba ako tadhana? Ano ba talaga ang totoong plano mo para sa'kin.

Kung hindi ko na kontrol ang sarili ko, malamang bumigay na ako dahil sa sinabi sa'kin ni dad. Kung nagkataon na wala ako sa tamang wisyo baka naluha ako sa harapan ni dad.

Taena naman o! Ayoko pang bumalik sa dating ako. So please, wag muna ngayon.

*knock! knock!*

Humiga ako ng malalim at inayos muna ang sarili bago ko buksan ang pinto. Pag bukas ko si couz lang pala.

"Bakit?" Tanong ko.

"Can we talk? Proplerly." Sambit niya.

Napangiti na lang ako sa sinabi niya sa'kin. Alam din ng loko na babarahin ko siya e. Hahaha.

"Sure." Sagot ko at lumabas na sa kwarto ko.

Sumunod siya sa'kin kaya naman ng makalayo kami ng bahagya sa kanila ay huminto na ako sa pag lalakad.

When My Five Best Friends  Fell Inlove With MeWhere stories live. Discover now