Chapter 43

74 4 0
                                    

Aashni Blytte's POV

"Na saan na ang kapalit ng ginawa ko?" Bungad ko kay lolo.

Nakakainis hindi ko tuloy makalma ang sarili ko dahil sa pangalawang sayaw na 'yon. Wala naman kaso sa'kin 'yon pero ang kinaiinis ko lang kasi ay matagal ko ng binaon sa limot ang passion ko na 'yon.

"Thank you for your cooperation." Nakangiting sambit ni lolo at inabot sa'kin ang susi ng kotse.

How can he afford to smile?

"Nasunod lang naman kasi ako sa usapan lo." Sagot ko at sakrastikong ngumiti sa kaniya.

Nag iba ang mood ni lolo kaya naman pahablot kong kinuha ang susi ko sa kamay.

"Thank you." Sambit ko at umalis na.

Kahit na lolo ko siya at namana ko ang pag katuso niya hindi ko pa din inaasahan na lalabag siya sa kasunduan naming dalawa, although we didn't talk about that thing but I know my grandfather. Arg naiinis talaga ako sa ginawa ng matandang 'yon!

"Sinasabing ikalma ang sarili e." Biglang sabi ni Yago at pinitik ang noo ko.

"Duh? Paano ko gagawin 'yon aber?" Sambit ko sabay ikot ng mata.

"Hahaha, hayaan mo na." Sagot niya.

"Oo na!" Sagot ko sa kaniya.

Pinitik niya ulit ang noo ko kaya naman tiningnan ko siya ng masama. Masakit kaya, masakit.

"Cheer mo kami ha?" Aniya.

"Paano bang cheer? Go Midzy, o go Ace?" Tanong ko dahil para pitikit niya ulit ang noo ko.

"Ang pangit pangit no'n e." Sagot niya.

"E ayon ang pangalan mo e." Sagot ko.

"A basta ayoko no'n!" Sagot niya.

Bago siya umalis ay pinitik niya pa ang noo ko. Buset na yan, akala mo'y hindi masakit e, iisa na lang talaga ang matino sa kanilang anim. Si Rien na lang talaga ang hindi nanggigigil sa mukha ko.

"Midzy, Midzy, Midzy!" Sigaw ko kaya naman nag middle fingers lang siya sa'kin.

Hahaha, ang ganda ng pangalan e. Ako kaya ko lang naman away mag patawag ng Blytte kasi kambal ko ang unang tumawag no'n sa'kin e.

Hay nako palibhasa siya lang ang hindi Y ang start ng name sa kanilang apat e. Inggiterong hipa-hipa. Hahahaha.

Nag punta na ako sa basketball court dahil mamaya pa naman kami pag tapos ng basketball then susunod naman sa amin ay tennis tapos ang iba pang susunod ay hindi ko na alam.

Pag dating ko do'n ay nakita ko sila Yago na nag pa-plano ng gagawin. 'Yong apat yata ang ay kasali sa unang lalaro tapos 'yong isa naman sa kanila ay hindi ko mawari.

Baka siya ang captain ng basketball ball. Ewan hindi naman kasi sila nag ku-kwento sa akin e. Gusto kasi nang apat na 'yan ay 'yong magugulat ako sa ipapakita nila.

"Hoy!" Sigaw ni Dana sabay hawak sa balikat ko.

Tinitigan ko lang siya dahil sa ginawa niya. Ang tahimik pa naman dito kasi wala pang masyadong tao kundi kami kami.

"Hindi man lang na gulat." Sambit niya.

"Asa ka naman." Sagot ko.

"Look at Chandra, hindi na siya nakikinig sa sinasabi no'ng Yago." Aniya.

Ginawa ko ang sinabi ni Dana at tiningnan ko si Chandra. Naka tingin siya sa'kin at ng mag tama naman ang aming mga mata ay bigla na lang siya ngumiti at pasimpleng kumaway sa'kin, habang si Yago naman ay panay ang daldal kay Chandra. Tiningnan ni Yago ang tinitingnan ni Chandra kaya naman sumigaw na siya.

When My Five Best Friends  Fell Inlove With MeWhere stories live. Discover now