Chapter 8

121 11 0
                                    

"What are you doing here? 'Di ba sa isang araw ka pa darating?" Walang emosyon kong sambit.


Nakaka pang init ng dugo, pag siya ang nakikita ko. Ewan, hindi ko na yata maalis sa sistema ko na kagalitan siya.

"I expect, 'i miss you kuya' but im wrong." Ma pang asar na sambit niya.

Konti na lang talaga masasapak ko na siya.

"Leave, I dont want to see you." Sambit ko at tinalikuran na siya.

Kumukulo talaga ang dugo ko. Kuya ko sya pero sa kanya ako galit na galit. Kuya ko sya pero sya ang una kong hindi pinag kakatiwalaan. Kuya ko sya pero kinamumuhian ko sya.

Nang dahil sa kanya, na wala sakin si Brylle. Na wala sakin ang ka-kambal ko. Nang dahil kanya na walan ako ng ka-kampi sa buhay. Si Brylle lang ang pinakikingan ko at nag tatangol sakin, pero ng dahil kay kuya, na wala sakin si Brylle at kasama non ang mga alaala ko.

Umasa ako na nag bibiro lang sila nong araw na yon. Kasi, bago ako mawalan ng malay, ay na kita ko pa sya na super saya, tapos in just a snap, na wala ang lahat.

Sobrang sakit ang naramdaman ko non, sobrang bigat sa puso na malaman na ang taong unang kakampi sayo ay sya pa ang unang sisira sayo. Wala akong nakitang dahilan para gawin nya ang bagay na yon, pero nong na laman ko ang lahat. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Wala na si Brylle, mahina akong tao, kaya ginugol ko ang mga oras ko sa pagiging CEO at the very young age. I was 15 years old that time, when i learn, how to be cold hearted.

Naging matigas ako at kinalimutan ang mga bagay na madalas naming gawin ni Brylle na magkasama, dahil ayoko ng masaktan, pero kahit anong gawin ko hindi na wala ang sakit dito sa puso ko.

"Bakit ka nag bago?" Rinig kong bulong nya.

"No... Bakit mo AKO, binago." Matigas kong sabi.

Sinisi ko sya nga mga panahong yon, dahil sya naman talaga ang may kasalanan, kung hindi nya ginawa ang bagay na yon, edi sana hindi sinugal ni Brylle ang buhay nya.

Kinamuhian ko ang sarili ko ng dahil sa kanya, at kung hindi ako inangat ni Chaena? Baka sumunod ako kay Brylle ng maaga.

Oo, aaminin ko. Matalino akong tao, pero simula nong araw na yon, mom and dad get mad at me. Hindi ako sanay na hindi sila kausap, but lolo, is always here for me. Sya lang ang nakaka-alam ng nangyari.

Sinira ko ang buhay ko ng dahil sa kanya. Mas pinili ko ang maging ganito kesa sa bumalik sa dating ako. Sa dating ako, na sobrang hina.

"Woooaaa! Ang lamig!" Dana shouted.

Hindi ko sya tiningnan pero alam kong na sakin ang atensyon nya.

"Ang lamig ng aura mo, bakla anong nangyari?" Tanong nya.

Tiningnan ko sya sandali. "Dont talk to me." Walang emosyong sambit ko.

Lahat ng saya ko kanina, napalitan ng inis ng makita sya.

Sobra ko syang kinamumuhian at hinding hindi ko sya mapapatawad...

I still remember everything. Lahat ng nangyari bago mawala si Brylle. Pinairal nya ang ingit nya at hindi man lang nya inalam kong akong magiging epekto non sakin.

Napa-pikit na lang ako para hindi bumagsak ang mga luha na nag babadya ng tumulo. Nakaka-inis. Naiinis ako sa kanya. Huminga ako ng malalim at nag lakas loob na umalis.

"Wag nyo na lang munang pansinin." Dinig kong bulong ni Dana sa lima.

Hindi ko na pinansin ang mga bulungan ng iba, ang mahalaga ngayon, maka-alis na ako dito. Tahimik lang akong nag lakad sa lobby at hindi, pinapansin ang mga taong naka-tingin sakin.

When My Five Best Friends  Fell Inlove With MeWhere stories live. Discover now