Chapter 60

45 1 0
                                    

Aashni Blytte's POV

Napapikit na lang ako dahil sa hapdi ng aking sugat, akala ko daplis lang ang tama ko pero pag kadating ko sa condo ko hindi pala, mukhang sinadya ang pag baril pero ewan ko kung sino ang ba-barilin ng taong iyon.

"Dahan dahan naman!" Angal ko kay Mr. Revamonte.

Bata pa ang isang ito, 25 years old nag tapos ng medisina sa Knight School at sobrang swerte niya dahil hindi siya naabutan ng k-12 program ng gobyerno.

"Aba anong gagawin ko?" Giit niya.

Like Ania we treat each other like a normal people, walang mataas at walang nasa ibaba. Iyan ang tingin namin parang tropa lang.

"Yan, linisan mo na lang kung kinakailangan na. Every 4 hours ang pag lilinis ng sugat mo na iyan, pero kung patuloy sa pagdugo, tuwing ikalawang oras." Aniya at niligpit ang kaniyang gamit.

"Thank you." Sambit.

Umiling lamang siya at sabay na kaming lumabas ng unit ko. Buhay akong uuwi sa amin sila Chandra kaya? Alam kong makakauwi iyon ng buhay dahil kasama niya naman sila Yago at ang daddy niya. This is my first time to attend an event with ambush. Hindi ko alam kong sino ang kanilang inambush but pretty sure, kilala ko lamang siya.

Paguwi ko sa bahay agad nila akong sinalubong dahil sa tama ko sa braso. Hindi ko na lamang sila pinansin at agad na pumasok sa opisina ko. Baka may makuha akong lead or what. Kinakalkal ko lahat ng gamit ko pero wala akong makita ni isa.

Napakagaling naman.

"Aash you're bleeding." Alalang sambit ni kuya na nasa pinto ng opisina ko.

"Ayos lamang ako."Saad ko at ibinalik sa ayos ang aking opisina.

"I'll call the doctor." Anila.

"Hindi ko kailangan ng doctor!" Sigaw ko at binaliwala silang lahat na nag aalala sa tama ng bala sa aking braso.

"Aash, may tama ka. Pwede ba naman na hindi mo kailangan ng doctor?" Tumingin ako sa kanilang lahat. Yung frustrated kong mga tingin sa kanila na ngayon lang ulit nila nakita.

"When I said I don't need a doctor, I don't a doctor!" I shouted.

Sabay-sabay lamang silang nag buntong hininga at pinabayaan na ako. Umirap na lamang ako sa kawalan at nag tungo na sa aking silid. Sana ay hindi tama ang aking kutob na ambush ang isang iyon, that event is so important to me, every year I donate million pesos just to help the abandon kids.

Nag bihis lang ako nang pang tulog kong damit at natulog na din agad noong gabing iyon. Kahit na ang dami nilang tutol sa binabalak kong pag pasok sa school, pero gaya kagabi wala silang nagawa. Alam kong hindi na ako nagiging formal sa kanilang lahat pero alam ko naman na alam din nila ang dahilan ko, I was frustrated because of that incident.

Pag kapasok ko sa room ay mabilis akong umatras dahil sa gagawin nilang pag salubong sakin. Bukod sa madami sila masakit parin ang braso ko.

Madaming nagtaka sa naging tugon ko dahil halos lahat sila ay nasanay sa ugaling pinapakita ko sa kanilang lahat mula pa noong una kaya hindi ko din sila masisisi.

"Ang dami-dami niyo tapos iisa ako, aba papatayin niyo ba ako?" Sambit ko.

"One week ka ba naman wala." Usal ni Axl.

"We heard the incident last night, Aash. Are you okay?" Ani Bea.

"Yah, I'm okay. Nasaharapan niyo pa ako e." Sagot ko at biglang natigilan dahil sa pag kirot ng aking braso. Shete kaninang umaga pa 'to nag dudugo at kahit anong gawin ko hindi kinakaya ng bandage ko. "Si sir wala pa?" Tanong ko.

When My Five Best Friends  Fell Inlove With MeWhere stories live. Discover now