Chapter 42

66 4 0
                                    

Aashni Blytte's POV

"Miss mo na? Bakit hindi mo balikan." Sabat ni couz.

"Pero hindi ibig sabibin na miss ko na sila e babalikan ko ang dating kami." Sagot ko na may ngiti sa mukha.

"Pero malaki ang-"

"Haaa! Inaantok na ako couz bukas mo na lang sabihin 'yan." Sambit ko at nag inat kunwari.

Daming sinasabi e wala na naman akong balak balikan ang nakaraan ko. I want to build a new story, a story with my new family.

"Dito na kayo matulog at maaga pa tayo bukas." Sabi ko kay Yago at nag lakad na papasok sa kwarto ko.

Not now but soon, mapapatawad ko din ang pamilya ko. Lalong lalo na si dad. Magiging masaya din kami sa oras na maging ayos na ang lahat, sa ngayon kailangan ko muna silang tiisin hanggat ramdam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa.

Hindi pa naman talaga ako inaantok e, talagang ayoko lang pag usapan sila dad lalo na't nasa bahay kami at may posibilidad na marinig nila ang lahat ng gusto kong sabihin tungkol sa kanila.

Hays wala naman akong magagawa e, baka mamaya katukin ako ni couz sa kwarto ko para icheck kong talagang tulog ako. Tutulog tuloy ako ng maaga ngayon dahil sa dahilan ko. Bago ako matulog ginawa ko na ang night routine ko at pag tapos ko sa night routine ko ay natulog na ako.

Kinabukasan, hindi pa na tunog ang alarm ko sa phone pero nagising na ako. Ang aga ko kasing na tulog e usually 'yong tulog ko nine hours lang pero pag wala namang gagawin halos hapon na ako magising.

Hinanda ko ang mga damit na susuutin ko para mamaya. Pang volleyball, outfit ko sa pag sayaw and last 'yong dress para sa pag ju-judge sa mga sasayaw. Ang dami kasing ka ek-ekan ng lolo e.

Pag katopos kong ihanda lahat ng gagamitin ko ay naligo na ako. Sandaling oras lang din naman ay natapos na at mabilis na nakapag ayos kaya pag kababa ko dinning erea ay nandito na din sila.

"Morning." Bati ni Yago sa'kin.

"Morning din." Sagot ko.

Bakit naman yata ang aga magising nila dad at balak pa akong sabayan sa pag kain, tss. Bukod kay Yago nandon din si couz kagabi at narinig ang mga pinag sa-sabi ko.

"Don't look at me like that couz." Sabi niya at nag kibit balikat pa.

Lol. Baka sinasadya talaga nila na sumabay samin ngayon.

"Bakit ka naka dress? Ang alam namin intrams ngayon."

"Inutusan ako ni lolo mag judges para sa mga sasayaw mamaya." Sagot ko at tumabi kay couz.

"Anong kapalit ng bagay na ginawa mo?" Sabat naman ni kuya.

"Hindi naman ako nag iintay ng kapalit, hindi tulad mo." Sagot ko.

"Aashni Blytte!" Sigaw ni couz.

Tumayo na lang ako dala ng inis. Bwisit dadaan na lang kami mamaya sa café, mas mabuti pa do'n wala akong makikitang istorbo tulad nila.

Ewan ko ba, parang gusto ko na silang pag bigyan sa gusto nila pero dahil sa trato sa'kin ng sarili kong kapatid ay nag iiba ang pananaw ko.

Sumandal ako sa gilid ng gate namin at nag sindi ng sigarilyo, wala naman sigurong makakakita sa'kin dito dahil for sure naman nagagalit na si dad doon dahil sa ginawa ni kuya at walang sino man ang makakaalis do'n. Siguro mamaya pag tapos mag sermon ni dad.

Timingala ako sa kalangitan at nakita ko ang bughaw nitong kulay, ang ganda talaga nila. Sana someday maging tulad ako nila isang peaceful na tao at walang kadramahan sa buhay ang nagaganap.

When My Five Best Friends  Fell Inlove With MeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt