Chapter 16

90 3 0
                                    

Aashni Blytte's POV

Nilalamok kaya silang dalawa? Or giniginaw?

Ayt!

Kumuha ako ng tray sa kusina para bigyan ng makakain 'yong dalawa. Nakaka konsensya, baka kung mapano pa sila don e. Lalo na si Rien. Jusme!

Nilagyan ko ng pagkain ang tray then lumabas na. Anong aura ko? Ito trying to be a cold person in front of my boys.

"O, kumain na muna kaya. Bilisan niyo, aantayin ko ang pinggan na pinagkainan niyo." Malamig kong sabi.

"Kamsahamnida." Sagot ni Rien, sabay kuha sa kamay ko ang tray.

Aww. Ang bebe ko, kawawa naman-self wag kang marupok! Kailangan nilang matututo, ano ba?

"Lol. Bilisan niyo na lang." Sambit ko at kinuha ang cellphone sa bulsa at doon ko tinuuon ang atensyon ko.

Walang nag sasalita sa kanilang dalawa kaya naman pasimple ko silang sinilip. What the?! Ubos na? Anong kain ang ginawa nila?

"Gusto niyo pa ba?" Tanong ko.

Mukha kasing gutom na gutom e.

"Hindi na." Sagot ni couz.

Hindi na lang ako nag salita at kinuha na ang pinagkainan nila. Papasukin ko na ba sila? Ang lamok lamok kasi dito sa labas, tapos si Rien, naka short lang then sando, si couz naka topless tapos naka short din. Shems, nakukunsensya na ako.

"Tss. Pasok na nga kayo! Mukha kayong ewan dito." Sagot ko at pumasok na sa loob.

Tahimik akong nag lakad papunta sa kusina. Habang nag lakakad ako, rinig ko pa ng kunti ang bulungan ng dalawa pero hindi na ako nag sayang ng oras para lang malaman kung anong pinaguusapan nila. Mukhang private e.

Nilagay ko sa sink ang pinggang at pinihit na pabukas ang gripo para hugasan itong pinagkainan ng dalawa. O, 'di ba marunong akong mag hugas, pero hindi nga lang ako marunong mag laba, hahaha.

Habang nag huhugas ako, may dahan dahan na yumakap sa'kin mula sa likod. Fvck! Bakit ang galing niyang lambingin ako?

"Rien, nag huhugas ako." Suway ko.

"Mamaya na iyaan." Aniya at mas hinigpitan ang pag kakayakap sa'kin.

Napakagat na lang ako sa pang ibabang labi ko para hindi ako mapangiti. Putek! Bakit ganito ang nararamdaman ko pag sobrang lapit niya sa'kin. Bakit ganito? Normal pa ba itong nararamdaman ko?

"Rien, bumitaw ka na. Tatapusin ko lang ito." Sambit ko.

Hindi niya ako pinakinggan pero iyong gripo pinatay niya na. Shemay!

"Mamaya na kasi iyan. Tutulungan naman kita e." Sambit niya sabay amoy sa leeg ko, na siyang naging dahilan para tumindig ang balahibo ko.

Kahit na naka yakap siya sa akin mula sa likod ay nagawa ko paring humarap sa kaniya. Bakit ang gwapo-gwapo ng nilalang na nasa harapan ko at naka yakap pa sakin?

"Alam ko naman na maganda ako, pero pwede mamaya na?" Sambit ko at kinurot ang magkabilang pisngi niya.

"Lol." Sambit niya at bumitaw na sa pag kakayakap sa akin.

When My Five Best Friends  Fell Inlove With MeWhere stories live. Discover now