Chapter 37

57 4 0
                                    

Aashni Blytte's POV

Sa wakas na tapos din ang exam namin. Wala na akong sakit sa ulo, pero may kahihiyan naman akong haharapin sa oras na ipost sa bulletin board 'yong mga scores at grade namin.

"Peram ng phone." Biglang sabi ni Dana.

Kahit na nag tataka ako ay binigay ko pa rin sa kaniya ang phone ko. Wala naman siyang makikita diyan, kundi puro mukha ko, mukha ni kambal tsaka mukha nila Yago at couz.

Nakita ko ang isa naming kaklase na humahangos sa pag takbo. Bakit parang natatakot siya?

"Naka post!" Sigaw niya.

Halos malaglag ako sa inuupuan ko ng marinig ko 'yon. One week pa lang ang lumipas naka post na agad. Ang bilis naman nila grabe.

Sabay kaming pito na nag lakad papunta sa bulletin board. Kahit na kinakabahan ako sa grade na makukuha ko ay hindi ko pinahalata ang bagay na 'yon.

Nasa malayo pa lang kami ay kitang kita na namin na nag kakagulo ang mga istudyante sa pag tingin. Paano ako sisingit diyan?

"Tabi dadaan ako." Sabi ni Krizha.

Grabe ginagamit niya ang kasikatan niya para mang-apak ng tao no. Kung tutuusin isang pitik ko lang diyan. Yabang masyado hindi naman maganda.

"Well, wala naman bago tiningnan ko pa. HAHAHA." Sabi niya sabay flip hair.

Sakal ko sayo 'yan e.

Nang medyo kokonti na ang tao ay tsaka pa lang kami tumingin sa board. Hinanap ko ang pangalan ko pero.

Teka bakit parang mali?

Tinutok ko pa ang daliri ko sa name ko at trinace ko ang grades ko.

Aashni Blytte Del Fuego......................................... 99.9

Grabe ang taas naman ng nakuha ko, dalawang taon ko rin hindi naranasan na makakuha ng ganito kataas. Nakakapanibago lang kasi nasanay ako na laging 74,73,65 minsan 75 pag napipilitan.

"Grabe anong taglay mong katalinuhan baks?" Sabi ni Dana. "Hiyang hiya naman 'yonv saradong 90 ko." Dagdag niya pa.

"Nakakapanibago." Usal ko.

"Tara na." Yaya ni Axl.

Hindi ko talaga maimagine na nakakuha ako ng ganon kataas. Shems, no'ng nakakakuha ako ng ganiyan kataas e talagang seryoso pa ako, ngayon lang naman kasi ako tumino ng napalipat ako dito sa Pinas e.

Sure ako na pag nalaman ni dad na ganon ang nakuha ko for this quarter matutuwa 'yon ng lubos pero kahit na. Ayoko ng umasa sa kanila na mag babago tingin nila sa'kin. Gano'n naman lagi e, kapag may achievement ako anak nila ako pero kung wala basura ako para sa kanila.

Kaya ko naman mag patawad e, kaso 'yong tiwala ko dati hindi na singtatag ng pagtitiwala ko sa taong pinatawad ko. Tutal binansagan na nila cold hearted e di tutuhanin na.

"Sino 'to Aash?" Tanong ni Janxel habang nakatitig sa phone ko.

Tiningnan ko 'yong tinuturo niya at nakita ko na si kambal lang pala.

"Kambal ko 'yan." Simpleng sagot ko.

"May kakambal ka?" Tanong nilang apat.

"But he's gone." Sagot ko.

"Sorry hindi namin alam." Sabi naman ni Trev.

"Ayos lang." Sabi ko.

Natahimik silang lahat ng marinig nila ang sinabi ko. Tanggap ko na naman pati na wala na siya pero isa lang ang sigurado ko. Nananatilo siyang na sa puso ko.

When My Five Best Friends  Fell Inlove With MeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin