Chapter 62

44 2 0
                                    

Aashni Blytte's POV

"Aash sorry for this news but the school admins and other clubs reject our request." Balita sa'kin ni Dana.

"Ha?" Usal ko.

Bakit naman ganoon ang patakaran dati naman pwede ang ganoon di ba?

"Kailangan mong gumamit ng ibang tako sa laban." Pag lilinaw niya sa'kin.

Bakit pa, kung nasa mataas na posisyon naman sila lolo? Hahaha ngayon lang naman and I'm sure magagawan nila ng paraan ang gusto ko.

Pakiramdam ko kasi pag iba ang gamit kong tako ay mimamalas ako, ewan basta ganoon ang feeling ko pag iba ang gamit ko. Weird ko di ba?

"Kakausapin ko na lang si lolo kung talagang gusto niya na mag laro ako." Sagot ko tinira na ang pato.

Nandito silang lima at pinapanood kaming mag laro, aba palibhasa captain si Chandra kaya mga sinusonod ang gustohin. Tss.

"Wala talagang tatalo sayo baks, kahit pamilya mo." Sambit ni Chaena ang umirap sa'kin.

"Wag kang kakain ng sweet potatoes na pinagawa ko ha!" Banta ko.

"Charot! Ito naman hindi mabiro." Sambit niya at tila lalapit sa'kin.

Hahaha mukha ka talagang sweet potato'ng babae ka. She really really love sweet potatoes and I don't know why, hahaha.

"Yung damit mo nga, kanina pa aa!" Angal na ni Chandra.

Naka pants ako tapos crop top na hanggang dibdib ko lang halos, tsaka bakit pa ako mag bibihis e yung dalawa ng mas maikli pa ang damit kesa sa'kin e.

"Ang arte mo." Sabi ko at hinatak pababa ang damit ko.

"Di bale ng maarte wag ka lang mabastos." Sabi niya sabay irap sa'kin.

What the? Irapan ba naman daw ako, sapukin kita diyan e. Sinamaan ko lang siya ng tingin bilang pag babanta sa kaniya na tumigil na. Isa pa masisigawan na kita.

"Yung tattoo mo kasi sa likod nakikita na." Giit niya.

"Aish!! Tuloy lang kayo mag papalit ako ng damit." Sabi ko at nag martsa pa labas ng silid na iyon.

Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha ang loose shirt ko at mabilis na nag palit dahil baka sumunod pa ang isang iyon dito at maabutan akong naka hubad.

Bakit kasi ayaw pang mag practice ng soccer e di sana parehas na kaming may nagagawa napaka aning kasi kahit kailan ng isang iyan walastok!

"Happy?" Sambit ko at umirap sa ere.

Umiling na lang ako sa kaniya at muling tinutukan ang dalawa sa pag lalaro. Kupas na sila at hindi ko iyon ipagkakala, kahit siguro ako kupas na dahil ilang taon din naman ako hindi nag laro ng billiards.

Hinarang ko ang diyes sa nwebe na target at ang iba ay nakapalibot sa ibang gawi ng nwebe. Try lang natin kung kaya pa nila tamaan ang target, tsaka buti na lang at pinayagan kami na dito kami mag practice basta may ipakita lang kami sa kanila sa dareting na laban.

"Hahaha, kupas na talaga aketch." Anang Dana at humagalpak sa tawa.

"Hahahaha, kaya natin iyan." Sambit ko at si Chaena naman ang pinasubok. Medyo nabagal na ang strategies na laging nasa utak ni Chaena tuwing nasa ganitong laro siya at ako naman ay nabagal na din tulad nilang dalawa.

"Una na kami Aash, hinahanap na kami ni coach." Paalam nila at nag ayos na ng gamit.

Nanatiling nakaupo si Chandra sa couch at tila nag aantay na makalabas ang apat na iyon. Seryoso? May problema na naman ba siya sa'kin? Nag taas ako ng kilay sa kaniya kaya naman tumayo siya at lumapit sa'kin.

When My Five Best Friends  Fell Inlove With MeWhere stories live. Discover now