Epilouge

56 3 0
                                    

When I was a child I always thinking a girl who named Aashni Blytte, she's my former classmate and a best friend also, but she left me. Bumalik na siya sa South Korea at doon na titira for good. Sobra ang sakit na narardaman ko noong bata ako kasi iniwan ako ng isang babae, yung babaeng gusto ko laging kasama.

We always called each other even she's busy for a lot of thing in her life, but it was okay with her, as long as we both know our limitation, we don't have any problem, but still sadness killing me. She have a boyfriend named Heartvin Ken, HAHAHA, may pag promise promise pa kami sa isa't isa na kami hanggang dulo, well malayo ako sa kaniya e.

Noong araw na naaksidente siya, biglang kumalabog ang puso ko iniisip na bakit nangyari ang bagay na iyon sa kaniya? Pinabayaan ba siya nung Ken? Kung ano ano ang pumasok sa isipan ko noong araw na iyon, kaya pinilit ko sila mommy na mag punta doon para sa kaniya. I know it was a selfish thing but I can be more selfish for Aashni Blytte.

Nang dumating kami sa South Korea, gusto kong umiyak dahil sa nakikita kong kalagayan niya, pero pag umiyak ako alam kong ikagagalit niya at isa pa, kanino siya sasandal kung alam niyang isa din ako mahina, kaya noong mga araw na iyon, pilit kong pinipigilan ang mga luha ko, at ganoon na din ang kakambal niya na mag antay siya ng donor, pero wala sumugal siya.

Todo ang pag iyak ni Blytte dahil sa nalaman niya, kaya nilapitan ko na siya para macomfort siya pero nang nilapitan ko siya, hindi niya na ako natatandaan, she had a temporary amnesia at masakit iyon para sa'kin dahil isa ako sa importanteng tao sa buhay niya na nakilimutan niya. Sabi ko noon bakit si Dana tanda niya bakit ako hindi. Umuwi ako sa pilipinas at doon sa tabi ni mommy umiyak, tinatanong kung bakit ganoon ang mundo, buong akala ko kasi hindi niya ako malilimutan e.

Mula ng araw na iyon, nawalan kami ng koneksyon sa isa't isa at ang tanging mga mata ko na lang ay ang pinsan niyang si Xiang Jhing, siya lagi ang natawag sa'kin para balitaan ako sa kalagayan ni Blytte, pero hindi iyon maganda. Sobrang sama ng naging buhay niya noon, lagi siyang laman ng away at hindi pwedeng umuwi sa bahay na wala siyang sugat at hindi lasing, isang beses pa nga daw natulog siya sa kulungan at kinabukasan na pinalabas dahil sa riot na nasalihan niya, buti na lang tinulunga siya nila Chaena na mag bago.

Thirteen years old ako ng pumunta kaming states at doon ako pinag aral nila mommy hanggang mag grade ten ako, halos mabaliw ako noong mga araw na iyon dahil hindi ko alam kung anong ginagawa nila Blytte at hindi na tumatawag si Xiang kaya nang matapos ko ang grade ten nag sabi ko na sa Pinas na ulit ako mag aaral. Nag kita kita ulit kaming anim, pero si Dana hindi na din ako kilala hindi ko alam kung bakit dahil siguro hindi na ako natawag sa kaniya kaya ganoon, minabuti ko na wag mag paalala sa kaniya para maging maayos na ang lahat.

June three, kinabukasan ay pasukan na as a second senior, grade twelve na kami noon, nag yaya ako na mag soccer sa park kung saan madalas sila Blytte na punta noong mga bata pa lang kami. Huli akong dumating doon at nadatnan ko silang lima na pinag ti-tripan si Dana na mukhang badtrip na.

"Dito pre!" Yaan ang sigaw ni Axl habang sumesenyas na ipasa ko sa kaniya ang bola kaya ginawa ko iyon. Sobrang saya namin noon, halos hindi ko na maalala ang problema ko pero sa muling pag sigaw ni Axl ay napalakas ang sipa ko at sabay sabay kaming sumigaw dahil may babaeng matatamaan sa ulo.

Mahaba at makintab ang kaniyang straight na buhok, medyo may kailiitan siya pero mukhang malungkot kaya medyo nakunsesya ako dahil sa bolang tumama sa kaniya. Nilapitan naman siya at nang makita ko ang maladyosa niyang mukha, biglang namuo ang mga luha sa mata ko, it was Aashni Blytte, yung light sa buhay ko.

"Are you guys blind?" Galit na tanong niya habang ako nag pipigil na lumuha at pilit nilalabanan yung nararamdaman kong sakit. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas ng loob para tingnan siya ng diretso at makausap siya.

When My Five Best Friends  Fell Inlove With MeWhere stories live. Discover now