Chapter 22

63 8 0
                                    

Aashni Blytte's POV

Dumating ang araw ng sabado. Araw na ayaw kong dumating. Tamad na tamad akong bumangon sa higaan ko ng katukin ako ni Rien.

"Bat ka malungkot?" Bungad nila sa'kin.

"Ako? Malungkot? Hell no! Ang saya ko ng kasi wala ng mag kakalat dito e." Sagot ko.

"Sabi sayo matutuwa pa 'yan e." Dinig kong bulong ni couz kay Rien.

But deep inside couz I already miss you. Mamimiss ko kayo pero hindi ko masabi. Parang may kung anong kirot akong nararamdaman sa puso ko pag iniisip ko na babalik na sila sa Korea.

"A-anong oras ang f-flight niyo?" Utal na tanong ko.

Putek! Bakit ako na uutal?

"12 noon." Sagot ni couz.

Ngumiti lang ako ng mapait at nag lakad na papunta sa office ko. Doon na lang maka tambay.

"Tawagin niyo na lang ako pag aalis na kayo." Sabi ko habang naka talikod.

Ang lungkot naman. Hindi pa sila umaalis pero p*ta, miss ko na agad sila. Habang nag lalakad ako papunta sa office ko ay may mainit na likido na tumulo sa mukha ko. Shet! Why I feel this emptiness in my heart?

Pinahid ko ang mga luha na tumulo kanina bago ako pumasok sa office. Tamad na tamad akong umupo sa swivel chair ko at tumungo sa mesa. Akala ko hindi mangyayari ang bagay na 'to pero mali ako. Habang naka tungo ako ay sunod sunod na pumatak ang mga luha ko.

"Bakit ang sakit?" Bulong ko.

No'ng bumalik ako dito, hindi ko naramdaman 'to. Hindi ko naramdaman na mamiss sila kuya Jhang ng ganito. Kila couz pa lang. Kahit na anong pahid ko sa luha ko ay hindi pa rin 'to humihinto.

Wala na mamayang 12 ang Jean Kerien ko. Wala na mamayang 12 ang Xiang Jhing ko. Wala na mamayang 12 ang mga kalat nila. At ang masama, mamayang 12 wala ng maingay sa bahay. Wala ng Kerien na sweet, at wala ng couz na lagi akong pinagbabawalan. Lahat ng 'yan, wala na mamayang alas dose.

Huminga ako ng malalim bago mag desisyon na pumunta sa mini bar namin dito sa bahay. Tequila na agad ang ininom ko ng makarating ako don. Bawas lungkot din 'to. Iinomin ko na sana ang nasa baso ng may biglang kumabig ng kamay ko.

"Anong ginagawa mo? Hindi ka pa nag aalmusal a?" Galit na suway sa'kin ni couz.

"Wala 'to minsan lang naman e." Dahilan ko.

"Kahit na! Wala pang laman ang tiyan mong babaita ka!" Sigaw nya.

"Last na." Sabi ko.

"Hindi!" Galit na galit na sigaw niya.

Kung kanina ay hindi ko siya nililingon, this time nilingon ko na siya. Galit na galit ang mata niya, pulang pula ang mukha niya at tuloy tuloy din ang pag bubuntong hininga niya.

Hindi ko alam pero parang may tumulak sa'kin na yakapin siya at doon umiyak sa dibdib niya. Mamimiss ko talaga ang kumag na 'to. Sobra sobra.

Nagulat si couz sa ginawa ko kaya naman niyakap niya ako pabalik.

"Bakit ka naiyak? May problema ba?" Ramdam ko sa boses niya ang pag aalala sa'kin.

Bakit ba kasi nag bibigay ka ng motibo para mamiss kitang walang hiya ka?

"I already miss you. I can't stop my self to miss you." Sagot ko at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kanya.

"Couz, babalik din naman ako dito, wag kang mag alala hahanap ako ng free time, then bibisita ako dito. For one month for you." Aniya at hinaplos ang buhok ko.

When My Five Best Friends  Fell Inlove With MeWhere stories live. Discover now