Chapter 15

100 6 0
                                    

Aashni Blytte's POV

"To all, students of LIS, wala na kayong class ngayong afternoon. Nag karoon kasi ng biglang seminar." Rinig naming announce ng isa sa teacher, sa radio.

Yung mga istudyante na nandito, ay mga nag sihiyawan na at kanya kanyang plano, kung saan sila gi-gimik. Samantalang ako, tamang ngiti lang, kasi makakatulog ako. Hahaha.

*kringggg!*

Dad's calling.

Ha? Bakit?

"Guys, excuse lang muna." Paalam ko sa kanila.

Inintay ko lang yung pag tango nila bago ako lumayo at sinagot ang tawag ni dad.

"Dad?" Panimula ko.

Wala sa bukabolaryo ko ang salitang hello or, kahit pa tawagin sila as kuya or what, sanay ako na 'o' ang binubungad sa tumawag, pero pag si dad. Jusko, ginagalang ko talaga. Syempre, daddy ko pa rin sya kahit na anong mangyari.

"Why you took so long? Still busy?" Aniya.

Tss. Ang saya! Ang saya-saya! Imagine sarcastic ang pag kakasabi nya sakin non. Wala naman na kasi akong dapat asahan pero ako tong si tanga, umaasa't umaasa pa rin na mag babago sya. Na mag babago ang pagtingin nya sakin.

"Hindi, naman dad. Kumakain kasi ako tsaka lumayo pa po ako sa mga tao." Paliwanag ko. Using my precious 'po' which technically si mom and dad lang ang nakakarinig.

"Tss. Kamusta yong pinapagawa ko sayo?" Tanong nya.

"Tapos na po, dad." Mabilis kong sagot.

"Good! Paki bigay kay Xiang, para pag uwi nya dito, nasakin na ang report at proposal mo." Aniya.

Mag sasalita pa sana ako, kaso bigla nya na lang binaba ang telepono nya.

Tss.

Bumalik na ako sa table namin, at hindi na tumuloy sa pag kain. Nakaka walang gana. Imagine, tatawag lang sila sakin, if may gagawin ako, or what. Lol. Hindi man lang nila ako tanungin kung ayos ba ang buhay ko dito, anong ginagawa ko, hindi e. Puro na lang sila trabaho.

"O, problema?" Tanong ni Axl.

"Wala, to." Sambit ko at naunang umalis.

Like what dad said, earlier. Ibigay ko kay couz, ang pinapagawa nya. Hays, sana hindi madisapoint si dad, sa ginagawa ko. Knowing dad, he was a high expectation, when he demand me to do something.

"Una na kami, mga pre." Rinig kong sambit ni Rien.

Ayt! Nandito nga pala sya!

Mianhe. (Sorry)

"Pinagalitan ka ba ni tito?" Alalang tanong nya sakin, ng maabutan nya ako sa pag lakakad.

Ganyan ka kapal ang mukha nya, at pati kay Dad, tito ang tawag, kahit nga kay lolo, lolo din ang tawag nya e.

"Hindi, inaantok lang talaga ako." I lied.

"E? Di nga? Yung totoo Aash, sino ba yung tumawag?" Aniya.

"Si, Dad." Simpleng sagot ko.

Nauna na ako sa kanya sa pag lalakad. Kukulitin lang naman nya kasi ako. Hanggang sa sabihin ko ang dahilan, wala na, finished na. E di pareho kaming tahimik pag nalaman nya, syempre, alam nya na ayaw ko ng kausap pag ganon. Pero pag hindi nya alam, gagawa sya ng paraan para pagaanin ang loob ko. Yan pa, e ayaw nya akong makita na malungkot.

Gusto nya kasi lagi akong nakapikit. Hahaha.

Halos masubsob ako sa lupa ng bigla nya akong babahan sa likod. Fvck! Ang bigat nya!

When My Five Best Friends  Fell Inlove With MeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt