Chapter 24

61 6 0
                                    

Aashni Blytte's POV

Hindi ko alam. Ako 'yong umayaw pero ako itong iyak ng iyak. I still love him, no matter what happen. Ang sakit kasing isipin na 'yong taong mahal ko pinagtabuyan ko, and worse sinabihan ko ng let's be nothing. I'm stupid! I'm really really stupid, mahal ko pero hindi ko pinag laban. Mahal ko pero hindi ako gumawa ng actions. Ganito siguro pag ayaw mo ng masaktan. Kahit mahal mo matatakot at matatakot ka, kasi ayaw mong masaktan. I hate you, but still I love you. Sana mabalik ko 'yong panahon na tayo pa, pero hanggang sana na lang ang bagay na 'yon, Ken. Honto ni Gomen'nasai. (Im really sorry.)

"Umiyak ka no?" Bungad ni Dana ng maka pasok ako sa room.

"Family problem baks." Pag sisinungaling ko.

"Family problem, o Ex-boyfriend problem?" Malokong tanong niya.

Umirap lang ako sa kanya at hindi na namansin.

"Aashni, Aashni, Aashni. You cant hide a secret from me. Alam ko kung family problem, at alam ko din kung iba." Aniya at lumapit sa'kin.

"Hays. Basta, ito lang naman 'yong way kung paano ko malalabas 'yong sakit e." Sagot ko at tinuon na ang atensyon ko sa unahan.

Nag buntong hininga lang siya sa'kin at hindi na nag salita pang muli. Tama naman ako di ba? Ang pag iyak lang ang tanging way para malabas mo 'yong sakit na nararamdaman mo.

Hays. Nangyari na wala na tayong magagawa do'n tapos na e. Napag laruan na tayo ng tadhana. Bakit ba kasi ang laro laro ng tadhana? Kung kelan masaya ka na sa kanya, gagawa't gagawa siya ng paraan para maging malungkot at meserable ang buhay mo. Dahil mangyayari ang dapat mangyari, at kasama sa mangyayaring 'yon ay ang pagiging masaya at malungkot mo, because being happy is not a choice.

"Blytte, please don't go."

Yeto na naman ang boses ng batang lalaking 'yan sa isipan ko. Alam ko naman na malapit ko ng maalala ang lahat kaya naman habang maaga pa hinahanda ko na ang sarili ko sa mga posibleng mangyari dahil alam ko naman na hindi lang ang pag kamatay niya ang nangyari sa buong buhay ko.

Kung dati ay boses ng batang lalaki ang naririnig ko ngayon naman ay iba-iba na, may mga sigawan iyakan ang kung ano-ano pang mood. Minsan pa nga naririnig ko pa ang boses kakambal sa isip ko e. Kahit na alam kong mamasaktan ako sa oras na bumalik lahat ng alaala ko ay masaya pa rin ako at the same time, kasi isang sakit na lang ang mararamdaman ko.

Couz what si Cj na hindi mo pa nakikita ever since ay isa lang pala sa taong nakakasalamuha mo araw-araw then umamin siya sa'yo na siya ang kababata mo, anong gagawin mo?

Biglang nag echo ang tanong sa'kin ni couz kagabi. Magagalit syempre. Ikaw ba naman ang walang alam kung siya ba 'yon, and worse nakakasalamuha ko pa. Imagine, kahit na anong pilit ko maalala lang 'yong mukha niya ginawa ko tapos siya, nakakasama ako ng hindi ko alam? Aba, that's unfair.

Napabuntong hininga na lang ako at hinilamos ang kamay sa mukha ko. Daming problema, shemay.

"Ang lalim non, a." Ani Yago na nasa pinto. "Stress?" Tanong niya.

"Maybe?" Sagot ko.

Teka, lunch na? Anak ng?! Si Dana talaga, hunghang!

"Hays, masyado ka naman kasing nag papakapagod dyan, sa iniisip mo. Kanina pa kaya ako dito." Aniya.

"Pasensya na. This past few days, kasi kung ano ano na ang naririnig ko mula sa loob ko e." Sambit ko at lumapit sa kanya. "Tara lunch na tayo." Sabi ko at hinila na siya papunta sa office ko.

"Ba't dyan?" Tanong niya.

"Ayoko do'n." Sagot ko.

Napa buntong hininga na lang siya at walang nagawa kundi sumunod sa'kin. Duh?! Happy feel ko kaya 'tong kumag na 'to, pero mas happy feel ko si couz. Hahaha. Siya na ang nag bukas ng pinto ng opisina ko kaya naman pumasok ako, sumunod siya sa'kin ay siya ang nag ayos ng kakainin namin.

When My Five Best Friends  Fell Inlove With MeWhere stories live. Discover now