Chapter 66

28 1 0
                                    

Aashni Blytte's POV

Mula noong araw na sinagot ko si Chandra ay tulad lang din nang dati, galit siya susuyuin ko siya, gali ako susuyuin niya ako, ganoon lang naman kami lagi e. Just like a normal couple away bati. Tss. Noong araw na nag yaya si Dana samin ay halos hindi na kami makabangon tatlo dahil sa dami naming nainom, at talagang hindi ko na alam ang mga nangyari ang tatandaan ko na lang e yung mga sinabi sa'kin ni Dana, buti na nga lang talaga at nagawa ko pang tawagan si Chandra para mag pasundo, tapos ayon narealize ko na dapat hindi ko ginawa iyon dahil nagalit lang siya sa'kin at dito niya na dinala sila Chaena ang kaso lang nalaman ito nang apat.

"Nakakastress ka couz!" Sigaw ni Janxel.

"Ang ingay niyo tulog pa si Aash, baka makakita kayo nang nag wawalang dragon." Bulong ni Chaena.

Hayop. Dragon kayo diyan kutusan ko kayo e, nandito ako ngayon sa kwarto ko sa condo at ewan ko ba kung anong ginagawa nang mga yan dito e sila Chaena lang naman ang niyaya ko, tsaka dito na din ako natutulog pag weekends. Ayoko na pati doon ang tagal nila umalis e naiilang na ako masyadong pormal nakakastress.

"Paano hindi kami sasama dito e pag nag sama sama kayo halos hindi na kayo makabangon sa kalasingan." Si Yohane na ata ang nagsaslita. Ewan naloloka na din ako e.

"Tumahimik sinabi kayo." Madiin na sambit ni Dana.

Umiling na lang ako at bumangon na sa higaan ako, nag hilamos muna ako nang mukha at mabilis na niligpit ang higaan ko. Medyo maligalig na sila at kung ano na naman ang gawin sa bahay ko. Pag labas ko nang kwarto ko ay nadinig ko ang pag mura ni Chandra at nang dalawa. Tss. Umiling na lang ako sa kanila at agad na nagtungo sa kusina at nag timpla nang gatas. Wala na akong kape kaya gatas na lang.

"Galit ka samin?" Halos mapalundag ako nang biglang sumulpot sila Janxel.

"Hindi." Sagot ko at inalok sila pero tumanggi lang sila sa'kin.

"Sumama pa kase sila e, wala naman tayong gagawin na iba. Maiintindihan kaya nila tayo?" Mataray na sabi ni Dana.

"Ewan ko, tsaka malawak naman tong condo ko. Wag nga lang sana maulit yung nauna." Sambit ko at kumuha nang makakain sa ref.

Habang nag hahanap ako ng makakain naming lima ay dahan dahan akong niyakap ni Chandra mula sa likod at pinatong ang kaniyang baba sa aking balikat. Ang sweet naman yata ngayon? May sasabihin na bad news o mag papaalam na gumala?

"I love you." Malambing na bulong niya.

Napangiti na lang ako bigla sa sinabi niya sa'kin. Minsan talaga may toyo tong si Chandra. Gustong gusto niya na pinag sisigawan sa mundo na girlfriend niya ako, minsan nga asawa na e. Hahaha.

"I love you too." Sagot ko at kinuha ang bacon and egg sa ref. Tinatamad akong mag luto e.

Humarap ako kay Chandra habang nakayakap pa rin siya sa'kin. Ang gwapo nang asawa ko, pati na rin ako nahawa sa kaniya sa asawa thing niya. Hay nako Chandra James del Fuego Guevarra. Hahahaha charot.

"Aash nag text nga pala sa'kin ni tita, hinahanap ka." Biglang sumulpot si Dana at nahuli ko siyang umirap sa ere nang tingnan ko siya. Walastok naman napaka bitter talaga nang isang ito.

"Ako na kakausap." Sabi ko.

Tumango lang siya sa'kin at umalis na, and this time napailing na naman ako. Napaka bitter nang isang iyan, e nanliligaw na naman na si Yohane sa kaniya tinatarayan niya nga lang, jusme Dana Mae! Niluto ko na ang itlog at bacon at mabilis na nag prepare si Chandra nang mga pinggan na gagamitin habang ako ay busy sa pag patay nang kalan dahil sa luto na ang kanin. Tinulungan ako ni Chandra na mag haiin at pag katapos noon ay tinawag niya na ang anim para kumain, kahit na ganito ang katawan ko pasensyahan tayo kakain ako nang kanin. Walang abs abs basta pag kain.

When My Five Best Friends  Fell Inlove With MeWhere stories live. Discover now