Chapter 21

81 5 0
                                    

Aashni Blytte's POV

Dumaan ang mga araw at naging tahimik ang buhay ko sa school kahit na may i-ilan akong natangap na hate comments at malupitang sermon mula kay couz. Today is a brand new day, bukas ang alis nila dito kaya nag decide sila na gagala kami after ng class ko.

Nandito ako ngayon sa school at pinag mamasdan si Dana, dahil naiingit siya doon sa kotse na nasa gitna. May ribon 'yon na kulay black and white then may mga red petals ang naka kalat sa yellow na Bugatti La Voiture Noire. Halos lahat ng napapadaan ay tinitingnan 'yon at 'yong iba pa nga ay nag pi-picture kasama ang sasakyan. Hahaha, bakit kasi dito nilagay 'yan?

"Sana all." Bulong ni Dana.

"Gusto mo din nan?" Tanong ko. Tumango lang siya bilang sagot sa'kin. "Bili ka. 19 million US dollars lang 'yan." Asar ko sa kanya.

Yeah, I know. That car is too expensive.

"Tara na!" Pag yaya samin ni Chandra.

This past few days, nararamdaman ko na medyo ayos na ang tungo sa'kin ni Chandra. Siguro na ninibago lang kaya ganon. Panisin ko din ang pagiging gentleman man niya, kahit na madalas silang aso't pusa ni Dana. Everytime na makikita niya akong may dala dalang mabibigat na libro siya ang mag dadala ko for me. Kulang na nga lang ay maging ang sarili kong bag ay buhatin niya e.

Tumango lang kami kay Chandra habang si Dana ay panay pa rin ang pag papantasya sa kotse. Hahaha. Gustong gusto niya talaga ang kotseng 'yon. Hahaha. Ako din naman e, kaso may ganyan na ako. Tatlo bigay ni mommy, daddy at lolo. Ta's bumili pa ako ng akin pang dagdag kolesyon. Ang wala ko na lang e kulay orange at yellow tulad nitong nasa harap namin.

"Hays, not now but soon mag kakagantan din ako." Aniya at nauna sa pag lalakad.

Lol.

Last subject na lang naman kami ngayon kaya sadali lang ay susunduin na kaming lima. Yes, hanggang ngayon ay grounded pa rin kami. Pag dating namin sa room ay agad na binalita na wala ang teacher namin ngayon dahil nag karoon daw ng emergency sa bahay nila kaya umuwi siya. Si Dana ng malaman ang bagay na 'yon ay kinukulit ako na samahan siya doon sa kotse. Pero ako, hindi siya pinapansin at nag te-text lang ako kay Ania.

"Hays, sige na nga!" Sambit ko at tumayo na para samahan siya.

Masyadong pinag papantasyahan 'yong kotse e. Habang nag lalakad kami papunta do'n ay talak siya ng talak, kesyo ganto kesyo ganyan. Oo na lang ako ng oo, para walang hanash. Dahil sa pag ka excite niya ay hindi niya na napansin na may kinuha akong gamit sa bag ko. Hahaha, akala mo naman kung ano e. Hahaha.

Pag dating namin doon ay isang malakas na putok ng comfetti, at kasabay no'n ang pag bagsak ng tarpaulin sa ere na may naka lagay na surprise! Hahaha.

"Wow, sino kaya 'yon?" Tanong niya, habang palingon lingon.

"DANA!" Sigaw ko sa kanya sabay hagis ng susi.

"Wahhh, akin to baks? Totoo? Hindi to prank ha?" Aniya at niyakap na ako ng tumango ako. Hahahaha.

"Remember? Dahil sa'kin kaya ginasgasan ni Janxel ang kotse mo? Then here, iyong iyo na ang pinapangarap mong kotse, Dana." Sambit ko at kumalas sa pag kakayakap niya sa'kin.

Binuksan niya ang kotse ay sinubukang i-start ang makina. Umiling na lang ako ng makita ko kung gaano ka saya ang best friend ko. Habang pinag mamasdan si Dana ay bigla akong inakbayan ni Chandra.

"Ang saya niya o." Bulong niya sa'kin.

"Yah. Hahaha." Sambit ko at hindi pinansin ang pag akbay niya sa'kin.

When My Five Best Friends  Fell Inlove With MeWhere stories live. Discover now