Chapter 33

50 5 0
                                    

Aashni Blytte's POV

"Sinasabi ko sa'yo Blytte!" Sigaw niya sa mukha ko.

Kanina pa ako iyak ng iyak, dito dahil sa kanya. Nalaman niya kasi na kami na ni Ken, hindi ko alam kung pano, pero wala naman akong kilala na mag sasabi sa kanya e.

Grabe nasampal ako na kambal ko. First time 'yon, kaya kahit anong pilit kong pigilan ng mga luha, hindi ko magawa. This is the first time. Unang una! Ngayon lang ako nasampal ng ganoon, kahit sila mommy ang daddy, never akong nasampal.

"Hiwalayan mo 'yang Ken, na 'yan." Sigaw niya sa'kin. Umiling ako sa kanya. "Kung ayaw mong pati ang relasyon nating mag kapatid ay masira Blytte." Matigas niyang sabi.

"Ayoko." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Bigla niya 'yong binawi pa balik. "Kambal na naman e." Sabi ko at tuloy pa rin ang pag luha. "Ikaw na nga lang ang kakampi ko, mawawala ka pa. Kambal, mahal ko siya kaya sana intindihin mo." Pag susumamo ko.

"Hindi, ko sasabihin kila mom, and dad, pero asahan mo na ibang iba na ang pakikitungo ko sa'yo." Sambit niya at tinalikuran ako.

"Kambal!" Tawag ko sa kanya.

Ano? Lahat na lang iiwan ko, dahil sa mas pinili ko ang lalaking mahal ko? Bawal na pala ngayon 'yon. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili. Walang pwedeng makakita sa'kin na ganito ang itsura. Sure ako na gagamitin nila 'yon as my weakness.

"San ka galing?" Tanong ni kuya.

"Kasama ko si kambal, sa pool side a." Dahilan ko.

"A, mag ayos daw kaya pupunta tayo sa bayan." Sabi njya.

"Anong gagawin natin doon?" Tanong ko.

"Kakausapin daw tayo ni master." Sabi niya at umalis na.

Tumango tango ako sa kaniya at pumasok na sa kwarto namin ni kambal. Nadatnan ko siya na nakatingin sa'kin, 'yong tingin na puro galit. I secretly smile. 'Yong kakampi at kasangga ko sa lahat, galit sa'kin. Kung sinabi ko ba ng maaga 'yong tungkol samin ni Ken, mag kakaganito ba kaming dalawa?

"Bilisan mo." Malaming niyang usal at lumabas na ng kwarto.

Biglang tumulo ang mga luha ko sa sinabi nuya. Maayos pa kaya naming dalawa ang bagay na 'to? Kailangan ko na ba talaga mamili? Kakambal ko o lalaking mahal ko?

Arg! Nagugulumihanan ako.

Inayos ko ang sarili ko at lumabas na ng kwarto. Pinag buksan ako ng pinto ng driver namin, kaya pumasok na ako. Katabi ko ngayon si kambal na walang imik. Ramdam na ramdam ako ang lamig ng aura niya.

"May away pa kayong mag kapatid? Kanina pa namin nararamdam ang aura niyo." Biglang sabi ni dad.

"Tss. Tanong mo dyan, kung anong dahilan." Sabi niya at binaling ang tingin sa bintana.

"Ayusin niyong dalawa 'yan, ha." Dama ang pag babanta sa boses ni dad.

"E ang tanong, maayos ba? Ayaw ngang mag salita, maayos? Tsk." Sabi ko naman.

"Nako! Kayong dalawa." Sabat ni kuya.

"Tss." Sabay na usal namin.

Nagkatinginan kami sa isa't isa at maya maya ay nag iba kami ng tingin. Hindi siya mag papatalo, hindi din ako nag papalatalo e.

Pag dating namin sa palasyo, ay mabilis kaming kumilos dahil sa nadatnan namin. Takte! Kung hindi kami nag punta ngayon dito baka dumanak na ang dugo ng taong nandito.

Kahit na may alitan kaming mag kapatid ay inisantabi na muna namim 'yon, dahil kahit sila halmeoni ay lalaban din. Mabilis kaming tumakbo ni kambal sa side namin, at nag umpisa na. Takte! Kung nag kataon talaga.

When My Five Best Friends  Fell Inlove With MeWhere stories live. Discover now