Chapter 39

58 4 0
                                    

Aashni Blytte's POV

"Ang dami naman niyan masyado Aash, sure ka ba na kaya mo yan ngayong araw?" Gulat na tanong ni Axl.

"Hindi. Kung ano lang ang matapos ko sa isang oras." Sagot ko at nah umpisa na.

Ganoon naman ako kahit noon pa basta nag one hour na hindi na ako gagawa ng kahit na ano, patuloy na lang bukas. Ganoon kasi ang prinsipyo ko sa buhay e.

"Sure ka ba na hindi ka ma bo-bore dito?" Alangan kong tanong.

Kanina pa kasi siya pilit ng pilit na dito daw muna siya, ang kulit daig pa ang bata kaya wala akong choice. E ang akin lang naman baka ma bored lang siya dito e may pag kamatahimik akong tao.

"Oo naman. Wala kasi akong magawa sa bahay namin e." Sabi niya sabay kamot sa batok.

Hay nako Axl ikaw na ang buhay prinsipe.

"Nag gi-gitara ka pala?" Bigla niyang sabi.

"Oo, pero mas hilig kong mag piano." Sabi ko without looking at him. Nag s-start na kasi akong mag basa basa dito e.

"Pwedeng pahiram? Hilig kong tumugtog e." Sambit niya.

Ha? Akala ko ba pag sasayaw ang hobby nilang lima e bakit ngayon e hilig ni Axl ang pag tugtog? Lukong CJ yun a trip ako.

"Go." Tipid kong sagot.

Kainis talaga yun sabi niya ayon yung hilig nila tapos hindi naman pala. Grr! Ang sutil sutil talaga nung gwapong yon este gunggong na yon. Err bakit ko naman nasabihin ng gwapo yon e mukha nga siyang palaka.

Arg bakit siya ba ang iniisip ko?

"Favorite song mo?" Biglang tanong ni Axl.

"Wala akong masyadong alam na tagalog e, pero kung dito lang naman sa pinas ang gusto ko e yung tadhana. Paborito kasi yon ng kambal ko tsaka walang araw na hindi ko naririnig ang kantang yon at yun din anh unang tugtog ang natutunan ko sa gitara." Litaniya ko.

Hindi ko na kita ang reaksyon niya dahil ng naka tuon ang atensyon ko sa ginagawa ko. Akala ko king anong gagawin niya pero nakita ko sa peripheral vision ko na kinuha niya ang gitara na nasa gilid.

Dala ko kasi yan nung hindi pa mag start ang klase sabi ko pa noon na ipapasunog ko kay Ania pero wala e nandito pa rin ang gitarang iyan.

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng mag simula siyang mag gitara. Shemay intro pa lang alam ko na kung ano ang kakantahin niya.

"Sa hindi inaasahan pag tatagpo ng mga mundo may minsan lang na nag dugtong damang dama na ugong nito ohhh." Kanta niya.

Bakit parang hindi si Axl yung kumakanta ngayon? Grabe ramdam na ramdam ko yung feelings na sinasama niya sa kanta. Yung bang parang damang dama niya.

"Bat di pa sabihin ang hindi mo maamin ipauubaya na lang ba to sa hangin," pag papatuloy niya.

Grabe siguro kung sasali siya sa singing contest mananalo siya kasi kahit akong hindi judges nafefeel siya ano pa kaya sila di ba?

Pinag patuloy niya ang pag kanta at kahit anonf anggulo ang pakikinig ko at pasimpleng sulyap sa kaniya at damang dama ko ang bawat lyrics na binibitawan niya.

*knock! knock!*

Napatingin ako sa pinto at napahinto naman si Axl sa pag kanta dahil sa kumatok. Alam ko umuwi na si Dana kanina pa, wala naman akong inaasahan na bisita ngayong araw e.

"Come in!" Sambit ko.

Pag pasok ng kumatok sa room ko ay yung secretary lang naman pala ni lolo. Ano na naman ang kailangan nung matandang yon? Charing lang!

When My Five Best Friends  Fell Inlove With MeWhere stories live. Discover now