Chapter 34

50 5 0
                                    

Aashni Blythe's POV

"Kasalan mo to kuya e!" Sigaw ni Brylle sa kuya niya.

Sobrang tindi ng hinanakita nito sa kaniyang panganay na kapatid dahil sa kaniyang narinig pero todo pa rin ang tanggi nito.

"Bakit ako?" Inosenteng tanong niya.

"Kung hindi ginawa 'yon, e di sana walang ganito! E di sana hindi nangyari to sa kakambal ko! Walang kang kwentang kapatid!" Muli niyang sigaw.

Natulala si Bryx sa sinabi sa kaniya ng kapatid niya habang ang kapatid niya naman ay unti-unti ng umaalis at balak na puntahan si Blytte, ngunit pag bukas niya ng pinto ng kwarto ng dalaga ay nadatnan niya si Chandra sa loob at hawak-hawak ang kamay ng dalaga.

"P're." Tawag nito kay Chandra

Unti-unti siyang nilingon ng binata habang hawak-hawak pa rin ang kamay ng dalaga.

"Ipangako mo sa'kin na babantayan mo siya at aalagaan, ipangako mo sa'kin na kahit na anong mangyari lagi ka lang nasa tabi ng kambal ko, na hindi mo siya susukuan kahit na anong mangyari, ipangako mo sa'kin ang bagay na 'yan Chandra."

"Pre, wag kang mag salita ng ganyan. Para mo naman siyang binibilin sa'kin e." Alangan niyang sagot.

"Pangako ha? Sa oras na lisanin ko ang mundong 'to, nandyan ka lang lagi sa tabi niya, no matter what happened." Sambit nito at nag balak ng umalis. Ngunit bago niya lisanin ang silid na 'yon ay nagsalita na si Chandra.

"Mabubuhay ka at mabubuhay siya." Sambit noya at tumayo.

"Pare naman. Pangako mo lang ang hinihingi ko. Point one lang ang pagasa na may mabubuhay saming dalawa, at sisiguraduhin ko na siya ang bagay na 'yon." Sambit ko at nilapitan ang kakambal niya. "Patawad, kambal. Iiwan na kita. Sorry." Dagdag niya pa at hinalikan ang noo nito

Lumabas siya sa kwarto at tinawag na ang doctor para simulan na ang operasyon gusto niya. Pero bago mangyari ang bagay na gusto niya, nakasalubong niya muna ang nakakatanda niyang kapatid. Hindi sila nag pansinan kaya naman lihim na napangiti ang binata.

"Pag sisisihan mo ang ginawa mo sa kaniya kuya." Mahinang usal nito.

Nakapamulsa siyang nag lalakad sa lobby at ilang sandali lang ay nakita niya na ang doctor.

"Doc." Tawag nito sa kanya kahit na kausap pa nito ang kaniyang ama.

"Sigurado ka ba na itutuloy mo ang bagay na 'to, anak?" Tanong sakin ni dad.

Napaismid siya bigla ng tawaging siyang anak ng kaniyang ama. Well that's not new, dahil pakiramdam nilang mag kapatid na anak lang sila ng kanilang magulang pag meron silang achievements sa buhay.

"Anak? Kelan niyo ho ba kami naging anak? Pag may achievements kami sa buhay? O baka naman anak niyo kami pareho dahil pareho kami ngayong mag aagaw buhay? Tama na dad. Tama na." Nag susumamong sambit nito at sumunod na sa doctor.

Kahit sinong anak iisa lang ang gusto, ang matawag silang anak ng kanilang magulang at 'yon ang kasiyahan ng dalawang kambal.

"Ito na ang pinaka magandang regalo ang ibinigay ko sayo Blytte, pero ito na rin ang huli. Patawad kambal, hanggang sa muling pag kikita. Mahal na mahal kita, hingit pa sa buhay ko." Usal nito ng makapasok sa operation room.

December 24 ngayon at sa isang araw na ang kaarawan ng kambal pero dahil sa trahedyang 'to walang choice si Brylle dahil mahal na mahal niya ang kambal niya. Ibibigay niya ang isang mata niya kay Aash bilang regalo.

Pinahiga na siya ng doctor at ilang sandali lang ay tinurukan na nila ito ng anesthesia at pangpatulog.

➖➖➖➖➖

When My Five Best Friends  Fell Inlove With MeWhere stories live. Discover now