Chapter 45

51 3 0
                                    

Aashni Blytte's POV

"Thank you sa pag hatid, ingat." Sabi ko

Ngumiti lang siya sa'kin bago umalis. Nang masiguro ko na malayo ma siya ay pumasok na ako ng bahay, mag ga-gabi na din kaya baka matutulog na ako.

"Young lady, nasa dining room po silang lahat." Bungad sa'kin ni manang.

Tumango lang ako sa kaniya at nag lakad na papunta sa dining room, hindi na ako kakain feeling ko kasi busog pa ako e. Nadatnan ko sila na nag ku-kwentuhan habang si dad naman ay walang kibo.

"Uy Aash," bati sa'kin ni kuya.

"Hindi na po ako ka-kain." Sabi ko ka-agad at umalis na doon.

"Aashni," ani dad.

Nagulat ako ng bigla niya akong tawagin kaya naman bilang pag galang hinarap ko siya.

"Po?" Sagot ko.

"Kumain ka kahit kaunti." Sagot ko at pinag handa ako ng makakain.

"Wag na dad, feeling ko busog pa ako." Sabi ko pa, pero si couz ay pinandilatan ako ng mata. "Aish, sige na nga." Bulong ko kaya naman umupo na ako sa tabi ni kuya Bryx.

Baka nga hindi ko pa maubos 'tong hinain sa'kin ni dad e. Tss, busog pa naman din ako ngayon, although hindi naman kami kumain ni Trev sa labas, hays mukhang dahil 'to sa ice cream na binili ni couz sa'kin e.

"How's your day with him?" Tanong ni kuya Jhang.

"Nag punta lang kami sa puntod ni kambal then tinuruan ko siya mag motor, 'yon lang." Sagot ko.

"Using your motor?" Singit ni dad.

"Opo." Sagot ko.

Hindi ko talaga sinabi sa kanila na nandito sa bansa si Mi-na, dahil baka kung ano ang isipin nila at gumawa pa ng malaking gulo, kaya mas mabuti na akin na lang ang bagay na alam ko.

Kung ano naman ang balak no'ng babae'ng 'yon wala akong paki, I'm sure naman na kaya ko siyang ihandle dahil nagawa ko naman dati 'yon e, kaya baka ngayon kaya ko pa din.

"Tapos na po ako, excuse." Sabi ko at tumayo na.

"Iniiwasan mo ba kami?" Tanong ni kuya Bryx.

"No." Sagot ko at umalis na ng dining room.

Pag dating ko sa kwarto ko ay mabilis akong nag palit ng pantulog at natulog na.

Kinabukasan sakto lang ang gising ko dahil kasabay no'n ang pag tunog ng alarm ko. Nag ayos lang ako tapos nag punta na sa dining room, tulad ng kagabi si kuya ang katabi ko.

"Ang aga mo yatang natulog kagabi." Usal ni Yiro.

Nandito pa kasi sila kasi sabi ni dad mas mabuti daw na dito muna sila since madami naman daw na bakanteng kwarto dito tsaka binilin din daw sila ng parent nila kay dad kaya ayon, araw-araw kaming mag kakasama.

"Pagod? Ewan ko nakulog na lang ako bigla e." Sagot ko.

"Walang kwentang kausap e." Angal ni couz.

"Tss." Usal ko.

Totoo naman, hindi ko alam kung ba't ang aga kong natulog kagabi e, ito kasing pinsan ko masyadong paepal, kutongan ko siya ng isa e.

"Mag bake tayo anak sa free time mo." Nakangiting sabi ni mommy.

"Wala akong bakanteng time mom." Sagot ko at kumain na.

"Gano'n ba," Bulong niya.

Ouch! Gong-gong talaga kahit kelan. Sipain daw ba naman ako e nakain na ako. Tinitigan ko siya ng masama pero wala, lumaban lang. Tss.

When My Five Best Friends  Fell Inlove With MeWhere stories live. Discover now