Chapter 2

65 8 0
                                    

After ng ilang oras kong breakdown, napag-desisyunan kong umuwi ng bahay.

It's already quarter to 7.

Pagka-bukas ng pagka-bukas ko pa lang ng pinto, binati na agad ako ng isang yaya namin.

"Good Evening, Ma'am."

"Good Evening din. Sila Mommy at Kuya nasaan?"

"Nasa Dining Room na po ma'am."

Tinanguan ko na lang siya. Himala at nandito silang dalawa.

I entered the Dining Room and to my surprise, they weren't the only ones here. May kasama silang kumakain.

"Sino siya?" was what I said the moment I took a seat beside Mom.

"Honey, don't be rude to your visitor. He said he was your friend. Naabutan namin siya ng Kuya mong naghihintay sa sala when we arrived from our business meeting. You know what? I like him. He has a good sense of humor. Sabi pa nga niya, his name was Cupid daw." Mom said while laughing.

Tangina.

I faked a laugh and looked at the guy who was sitting across us while happily eating his food. Ano 'to? Patay gutom ang peg?

"Excuse me lang po ah? I have to talk to my friend first." I said and grabbed the guy. Diniinan ko talaga ang salitang Friend.

Dinala ko siya papuntang garden and nang masigurado ko ng malayo na kami enough kina Mom, I scolded him.

"Why are you here!? No, Who are you!? Was the right question to ask."

"Akala ko ba hinahanap mo 'ko?"

"Niloloko mo ba 'ko?! Magnanakaw ka no?! Rapist!? Serial KIller!? Kidnapper!? Serial Rapistnapper Snatcher!?"

"Woah. Easy there tiger. Matapos mo 'kong isumpa at paulanan ng mura, 'yan ang sasabihin mo sa 'kin ngayong nandito na 'ko?"

"Alam mo, naglolokohan lang tayo. Sino ka ba talaga!?"

"Are you deaf? O sadyang bobo ka lang para hindi maintindihan ang sinabi ko kanina. Ako nga si Cupid."

"Tangina, and do you expect me to fall for that?"

"Pwede ba, 'wag ka na ngang mag-mura. Nakakabadtrip."

"Wow, pasensya na at nabadtrip kita ha? Hindi kasi ako badtrip ngayon dahil sa biglaang paglitaw ng isang kagaya mong weirdo."

"You know what, mukha kang tanga. Kanina kung makahanap ka sa 'kin, kala mo it's a matter of life and death. Tapos ngayong nandito na 'ko gan'yan naman ang inaasta mo. Hindi ko na problema kung ayaw mong maniwala."

"Paano ba naman ako maniniwala kung hindi naman kapani-paniwala."

"Look, I heard everything you said about me no."

Wow tangina, kumo-conyo pa ang mokong na 'to.

"I can hear you."

What!?

"Yep."

"Wala ka man lang bang kaalam-alam sa salitang Privacy? Breach of Private thoughts na 'yang ginagawa mo ah. Labag 'yan sa batas ko."

"Well, never heard of that rule kaya technically wala akong nilabag."

"Sino-I mean, Ano ka ba talaga?"

"I'm Cupid. I'm that guy you said na nagsusuot ng diapers. Tanginang Mythology naman kasi 'yan eh."

"Oh? Ayaw mo palang nagmumura ah?"

"Na-carried away lang. Anyways, I am not really a God so you know. I just have this Divine Power of Love and Pain. I am still a Deity but not a God that you all worship. At for your information, I know what I'm doing. Kung makapangmaliit naman 'to sa kakayahan ko. Porque't 'yon 'yong sinapit mo, isisisi mo na agad sa 'kin?"

Strings and ArrowsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum