Chapter 3

58 9 0
                                    

I woke up early, well actually 'di naman talaga ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kagabi.

I took my phone and looked at the time. It's already 5 in the morning at may pasok pa ako. Hello, I'm still a college student. Kaya I decided to take a bath and prepare myself for school na lang.

Matapos kong magbihis, bumaba na agad ako at dumiretso papuntang kusina para kumain ng light breakfast. Wala akong ganang kumain ng maayos ngayon.

Naabutan ko si Yaya Tisa na nagto-toast ng bread kaya lumapit na 'ko at nagpahanda na rin ng isang strawberry sandwich.

After kong kumain, napatingin ulit ako sa cellphone ko to check what time it is already. Quarter to six pa lang naman. Wow first time 'to ah. Ang aga kong papasok, pati si yaya nagulat nga eh. Nagpaalam na 'ko sa kanya at dumiretso na sa kotse ko.

When I arrived at the parking lot, may mga nakita na 'kong ilang sasakyan. Hmm, may mga studyante na rin pala.

Dire-diretso lang ang lakad ko papuntang classroom habang nakatingin sa gilid do'n sa may open field. Hindi ko namalayang may nabunggo na pala ako. I mean, nabunggo niya 'ko.

"I-I'm so--" I wasn't able to finish my apologies nang bigla siyang magsalita.

"Ano ba? Tatanga-tanga lang?"

Aba walang modo 'tong lalaking 'to ah.

"Pasensya na. Hindi ko sinasadya. I know it's my fault."

Tiningnan niya lang ako ng masama at nagpatuloy na sa paglalakad. Bwesit 'yon ah!

'Di man lang sinabi na 'No need miss, 'di naman ako nasaktan. Ikaw ayos ka lang ba?' Tangina mo!

Maya-maya lang, nakita kong may babaeng tumatakbo papalapit do'n sa lalaking nakabunggo ko kanina.

"Grey!" Oh. So his name's Grey. Bagay sa pagkatao niya.

Pero hindi naman siya pinakinggan ni Grey. Ni hindi man lang nilingon. Walang hiya talaga 'yong lalaking 'yon.

"Grey, wait! Bakit ka ba nakikipaghiwalay sa 'kin?!" she shouted.

Upon hearing those words, I felt somehow interested. Naintriga ako sa kanilang dalawa kaya I decided to stay for awhile muna para makinig. Sorry naman. Chismosa na kung chismosa pero nakaka-curious eh. I never thought he would have a girlfriend at kung may papatol ba sa kanya. Oops, tea spilled.

Well, gwapo naman siya pero aanhin mo naman ang itsura kung pangit din 'yong ugali 'di ba?!

I sat down in one of the benches beside me and took out my phone para hindi halatang nakiki-tsimis ako.

"Megan, ilang beses ko na bang sasabihin sa 'yo na walang tayo? My god you desperate women. Nakatikim lang kayo sa isang big catch na gaya ko, manghihingi pa kayo ng something more? Akala ko ba malinaw na sa inyo na, I don't settle for a long-lasting relationship. Just for fun lang."

"Pero G-Grey.." I heard that Megan girl said in the middle of her sobs. "I thought there's something special about us. Kasi we've been together for a while now."

Bigla namang natawa ng konti si Grey dahil sa sinabi ni Megan.

"Don't assume Megan. Hindi nga ikaw ang pinakamatagal kong naka-fling eh. Don't think na you're special to me kasi hindi. 'Wag ka ng sumunod."

And then he left her crying. Bakit ba gano'n sila!? Naalala ko na naman tuloy si Calvin!

Tumayo na 'ko at dumiretso na sa classroom namin. Hindi pa naman bukas ang room kaya nagpunta muna ako sa Open Field para magpalipas ng oras. For sure mamayang 7 pa darating si ma'am or 'di kaya 'yong Class President naming may hawak ng spare key.

Strings and ArrowsWhere stories live. Discover now