Chapter 22

32 5 0
                                    

Andito ako ngayon sa bakanteng lote sa tabi ng building namin. Medyo kaunti lang naman ang mga studyanteng nagagawi rito kaya ayos lang pagtambayan.

"Hey."

Napatingin naman agad ako sa takng nagsalita sa tabi ko.

"Grey. Anong ginagawa mo dito?"

Naupo siya sa tabi ko saka ako tinignan.

"I heard about what happened earlier at the Canteen."

"Oh." was all I can say.

"I'm sorry. Mukhang mali yata ang desisyon kong ipakilala ka as my girlfriend. I'm sorry that you have to go through that because of me."

"Masiyado ka kasing famous eh." I said with a small laugh.

"Don't worry. I'll clear your name. Ako na ang bahala sa kanila."

"At ano naman ang gagawin mo? Don't tell me gagantihan mo sila?"

"Kakausapin ko lang. At sasabihin ko lang na you're not my girlfriend anymore but you're still special to me. Kaya wala pa rin silang karapatan na saktan ka."

"Naks." I said at napatawa dahil sa sinabi niya.

"What? I'm dead serious here and you're just going to laugh at me?"

"Of course not. Natawa lang ako kasi hindi ko naman lubos maisip na galing pa sa 'yo mismo ang mga salitang 'yan. But I have to admit, it was nice hearing those words from you. At least you're still treating me as your friend even though Eroz." He said and small pause followed.

"Hey of course I will, dummy!" Natatawa niyang sabi saka pinitik ang noo ko.

"Ouch. What was that for?"

"Masiyado ka kasing nag-iisip ng kung ano-ano."

"I know it wasn't your choice. It was his. And I want to thank you for still trusting me. I respect his decision naman and I understand him."

"Thank you rin Grey for understanding. So, still friends?"

"Special friends to be exact." Sabi niya at natawa naman.

Natawa na rin ako dahil sa tawa niya. Muntanga 'tong isang 'to.

"Pa'no ba 'yan? Mauna na 'ko ah?" Pagpapaalam niya sa akin.

"Bye." I replied. He just smiled back at me at tuluyan nang umalis.

Maya-maya lang din ay napag-desisyunan ko nang maglakad papuntang building namin.

'Di rin naman nagtagal ay biglang lumitaw ang mga pulang pana sa harapan ko. Duty Calls.

Agad ko namang hinanap ang magiging target ko and I was slightly shocked nang makita kong ang bago naming Janitress ang papanain ko. Kung hindi ako nagkakamali si Ate Jen 'to. 27 years old.

Pero mas lalo akong nagulat nang ipapana ko siya sa isa sa mga youngest bachelors namin dito. Oh My Gosh kay Professor Matthew Mondeval pa talaga!?

I took the arrows at 'di na nagpaligoy-ligoy pa. Agaran ko itong pinatama sa kanilang dalawa and Heaven knows how happy I am right now for them. Sana naman ay maaga nilang ma-recognize ang nararamdaman nila sa isa't-isa.

Nakangiti akong pumasok nang classroom ko. Kaunti lang silang nandoon kabilang na sina Eroz at Sav. Pero what really caught my eye was Carlo and Clara na magkatabi at mukhang may seryosong pinag-uusapan.

Naupo ako sa gitna nina Sav at Eroz pero nakatingin pa rin sa kinaroroonan. Ano kaya iyong pinag-uusapan ng dalawang 'yon?

'Hey. You're sticking your nose to someone else's business'

Pwede ba? Manahimik ka muna. I smell something fishy eh.

Hey Eroz! Can you do me a favor?

Agad naman siyang napatingin sa 'kin na tila ba umaangal na agad.

'Uh-oh Spirit. I am not doing that.'

Para naman ito sa misyon eh.

'But andito si Sav.'

Then we'll have to ask her to go out for a moment. It'll buy us some time para isagawa ang plano.

Matagal niya muna akong tinitigan bago nagpakawala ng malalim na hininga.

'Fine. But you think of an Excuse. Baka pati 'yan i-asa mo pa sa 'kin.'

'Di na no. Nakakahiya naman sa 'yo.

Inirapan ko na lang siya bago binalingan ang kaibigan kong kasalukuyang nagdo-doodle sa likod ng notebook niya.

"Uh Sav? Can I ask you a favor?"

Nakangiti naman akong tinignan ni Sav.

Tangina nakaka-konsensya naman 'to.

'Told ya!'

Oh just shut up.

"What is it Best?"

"Uhm. Baka kasi pwedeng mag-conduct ka ng survey sa mga kaklase natin tungkol sa mga gusto nilang design ng ating banner. Tapos kapag may na-approve sa 'yong idea or suggestion, pwede mo na siyang i-revise at i-konsulta sa Class President natin. Pwede ba? Kahit kami na ang bahala ni Zeal mamaya sa paggawa."

"Ano ka ba. Ayos na ayos lang. Alam mo namang forte ko ang mga ganitong bagay eh."

"Talaga!? I knew I could count on you! Thanks Sav! You're the best."

"Ano ka ba. No problem Best. Simulan ko lang ngayon ah?" Pagpapaalam niya bago tuluyang umalis.

"Hanep talaga katalinuhan mo Spirit ah! Akalain mo, nakalusot ka na, nakatulong ka pa sa project natin."

"Naman! Ikaw lang naman 'yong walang bilib sa 'kin dito eh. Pa'ano? Simulan na natin?"

"Well, habang nag-uusap kayo kanina ni Sav nakikinig na 'ko sa pinag-uusapan nila."

Wow. Pa-angal angal pa 'to kanina pero nauna na naman palang mang-eavesdrop.

"Pwede ba? I'm just doing you a favor here."

"Oo na. Sorry na. Sige, ano ba 'yong mga pinag-usapan nila?"

"Well, nagsh-share lang naman si Carlo sa kaibigan ng crush niya na si Clara. Nililigawan na raw nito si Maris."

"Talaga? Pumayag na si Maris na ligawan siya?"

"Yep."

"Even though hindi niya naman ito gusto?"

"We couldn't say that. Gusto niya naman ito pero sadiyang hindi lang sila ang nakatadhana para sa isa't-isa."

"Gano'n din 'yon."

"It's not Spirit, okay? You better understand the clear distinction between the two. Kung gusto mo, pwede mong subaybayan ang love story ng dalawang 'yan."

"You sound like you already know what's gonna happen in the future. You're so confident."

"Of course I know. Bago pa man natin pag-awayan 'to, nakita at nalaman ko na. I'm not called a Great God for nothing, My Dear Spirit."

"Psh." Was all I can say saka siya inirapan.

"And I also heard that mas nagiging close na rin daw sina Christian at Clara."

Nalungkot naman ako kahit papaano sa narinig. I feel sad for Sav and Clara as well. They don't deserve this pero alam ko namang they'll eventually get what they really deserve.

Strings and ArrowsOnde histórias criam vida. Descubra agora