Chapter 15

44 6 0
                                    

It's been 2 days already pero heto pa rin si Cupid, nakatambay sa kwarto ko.

"Mukhang wala na namang multong sumusunod sa 'yo ah. 'Wag ka na ngang makitambay dito sa kwarto ko." sita ko sa kaniya.

Aba. Masyado na siyang feel at home na ha? Minsan pag hindi pa 'ko natutulog o nakakauwi, naabutan ko na siyang nakikihiga sa kama ko.

"Sus. Sige na, maghanda ka na do'n at baka ma-late ka pa tapos sa 'kin mo pa isisi."

"Sino ba naman kasi ang hindi maba-bad trip sa--"

Hindi ko na nagawang tapusin ang sinasabi ko dahil bigla na niya 'kong tinulak papasok ng C.R.

Magsasalita pa sana ako ulit nang hinagisan niya 'ko ng tuwalya.

Bushet ka talagang kupido ka!

Matapos kong mag-prepare para sa school, bumaba na agad ako ng kusina.

Naabutan ko ng kumakain si Cupid sa dining table.

"Kamusta naman ang pamumulabog mo? Sarap ng kain natin ah?"

"Uy, and'yan ka na pala. Kain tayo."

"Loko ka. 7 a.m. na. Ano, wala ka bang balak umalis d'yan?"

Lagi na kasi siyang sumasabay sa 'kin papuntang school. Masyado na siyang abuso sa kabaitan ko.

"Hala. Pasensya na, napasarap kain ko eh. Ikaw? Hindi ka na ba magb-breakfast?"

"Hindi na. Mali-late na tayo kaya tumayo ka na d'yan."

"Spirit, ako na magd-drive tapos magbaon ka ng sandwhich."

"Marunong ka?"

"Hey. I told you, madali akong matuto at kahit beginner pa lang, magaling na agad ako. Hindi sa pagmamayabang pero, totoo 'yon."

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Sige na."

"Ugh. Fine."

Hinagis ko sa kaniya ang susi at nasalo niya naman ito.

I took one sandwhich at dumiretso na papuntang passenger's seat.

Tahimik lang akong kumakain habang nagd-drive si Cupid. In fairness, marunong nga pala siyang mag-drive.

"Sabi na sa 'yo eh. Ikaw lang naman ang walang bilib sa 'kin eh."

"Argh. Here we go again, nangingialam na naman ng private thoughts."

"I told you, I can't help it. Naririnig ko talaga sila effortlessly."

"Nababasa mo ba talaga ang mga thoughts ng lahat?"

"Uh, more less. May mga hindi rin ako maintindihan but one thing's for sure, I can't read the thoughts of my fellow Gods."

I took one last bite of my sandwhich.

So, may hangganan rin pala ang mga kakayahan nila?

"Of course." he said at tiningnan ako saglit.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Sige. Basahin mo lang ang utak kong loko ka. Ikaw rin masasaktan. Read at your own risk. Puro naman 'to pambabash sa 'yo kaya wapakels na 'ko. Masyado ka ng nakaka-stress.

Narinig ko namang natawa siya ng bahagya. So masaya kang gago ka?

Binuksan ko ang dala kong tumbler at tinungga ito. Hindi ko naman naubos, may natirang konti. Nakaka-uhaw pala kasing ma-irita.

After a few minutes ay dumating na rin kami sa school.

Bumaba na 'ko ng kotse at nauna ng maglakad. Iniwan ko na si Cupid. Ang kupad kumilos eh.

On my way to my classroom, may narinig akong umiiyak pero wala naman akong nakitang ibang tao sa hallway. Takte ano na namang kababalaghan 'to? Una, may diyos na nagpakita sa harapan ko tapos ngayon, minumulto na naman ako? Tangina, tulong.

Naririnig ko pa rin ang iyak kaya kahit medyo natatakot ako, sinubukan ko pa ring sundan ito at hanapin kung saan man 'to galing.

I saw a girl crying behind a post. Naka-upo lang siya sa sahig at gulong-gulo ang buhok niya. I was about to step closer to her nang bigla siyang magsalita.

"Curse that love thinggy! Wala namang kwenta 'yang si Kupido o kung sino man 'yang nilalang na may hawak ng stupid arrows na 'yan! They are all a bunch of losers!"

A-aray. Patama ba ito sa akin? Ito pala ang feeling ng iniinsulto at minumura ang kakayahan mo ng mga taong hindi naman alam ang totoo mong karanasan no? Masakit siya, in fairness.

Humihikbi pa rin siya pero patuloy pa rin siya sa pagsasalita kahit na umiiyak pa siya.

"Argh! Stupid me! Wala naman talagang gano'n eh! Walang Kupido o Arrow thinggy! Sad'yang tanga ka lang sa pag-ibig. Bullshit." She said at biglang tumayo kaya napatago naman ako sa likod ng poste.

I don't want to face her at baka ma-confront ko pa siya dahil sa inis ko sa mga sinabi niya. Mag-aaway lang kami at worse, baka mabanggit ko pa sa kaniya ang totoo. Omg, a big no no.

She already left at baka nagpunta na ng C.R. o umuwi. Kailangan din niyang ayusin muna ang sarili niya no. Nakakahiya naman kung gano'ng itsura ang idi-display niya buong school hours.

Napag-desisyunan ko namang bumalik na lang agad sa classroom ko dahil talagang mali-late na 'ko.

When I opened the door, good thing wala pa ang professor namin kundi lagot na naman ako nito sa kaniya.

Nakita ko namang nando'n na si Cupid sa upuan niya at katabi niya si Grey na kasalukuyang natutulog. Sakto namang napatingin sa gawi ko si Cupid.

'I saw what happened earlier. It's okay you know.'

Tinanguan ko na lang siya at dumiretso na lang ako sa upuan ko saka nilabas ang notebook ko.

"You're lucky at wala pa si Prof. Late ka na naman. Bakit ganiyan ka na ngayon?"

Napatingin naman agad ako sa lalaking nakaupo sa tabi ko. Sa pagkakatanda ko, ibang kaklase ko ang dapat na nakaupo d'yan ah. Bakit siya nandiyan ngayon?

"And so?" pagtataray ko kay Calvin.

Yep. Si Calvin na ex kong gago ang kumausap sa akin kanina.

"Hindi ka naman dating ganiyan ah? Look Spirit, alam kong wala na tayo at nasaktan kita. I'm sorry. Pero sana 'wag kang gumawa ng kung ano-anong bagay sa buhay mo na pagsisisihan mo bandang huli. You have to shape up, think straight. Ayaw kong dumating ang panahon na ikaw lang din ang masasaktan dahil sa sarili mong kilos. After all, I still care for you. As a friend." he said and left.

Wow tangina. Matapos siyang mag-iwan ng nakakagulong mga kataga, iiwan niya lang ako? Aish.

Nakita ko namang lumabas siya ng classroom. So magka-cutting siya? Ay bushet. Eh ano naman ngayon kung may mga tanginang bagay akong ginagawa sa buhay ko!? Hindi ko kailangan ng friendship niya! Bwesit.

Bago pa man ako tuluyang sumabog sa galit, bigla na namang pumasok ang professor namin for the first subject.

Aish talaga 'tong gurang na 'to. Laging wrong timing sa buhay ko eh.

Padabog kong binuksan ang notebook ko at nagsulat ng mga diniscuss niya. Love stories ang topic namin ngayon kaya gano'n na lang ang pagka-excite ng mga kaklase ko. Sus, kung maka-asta kala mo naman may love life silang lahat.

Sorry not sorry. Psh.

Strings and ArrowsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz