Chapter 7

48 8 0
                                    

Wala pa rin kaming pansinan hanggang sa makarating kami sa isang bar.

"Bar?"

"Hindi. Skwelahan 'yan. Maingay nga lang."

Ugh. Konti na lang talaga, masasapak ko na 'to. Anong akala niya? Na hindi ko siya kaya!? Aba, black belter yata 'to kaya 'wag niyang subukan!

Nauna na siyang maglakad kaya sumunod naman ako. Hindi naman ito ang first time ko sa isang bar pero it's been a while since I last visited one. Ang bilis niyang maglakad in fairness kaya medyo nawawala na siya sa paningin ko. Ang dami pa namang tao at napapalibutan ng usok. May mga naninigarilyo at nagvi-vape rin kasi sa paligid. Mamatay naman yata ako ng maaga dito.

"Grey! Saglit naman!" I tried calling him pero ang bobo ko talaga minsan eh. Pa'no nga ba niya ako maririnig kung ang ingay ng buong paligid!? Ang tanga naman Spirit! mag-isip ka nga!

Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko na talaga siya mahagilap. Putek, ba't ba kasi ang bilis niyang maglakad!? Ano 'to? Lokohan?! Matapos niya 'kong piliting pumasok sa deal na 'to, iiwan niya lang ako sa ere?!

I tried searching for him nang biglang may humawak sa kamay ko. Napatingin naman agad ako sa lalaking 'di ko naman kilala.

"Hey miss. Mukhang mag-isa ka yata. Mind if I join you?"

"Yes. I will mind talaga dahil may utak ako tangina mo. Bitawan mo nga 'kong loko ka!"

"'Wag ka ng pakipot miss. Painitin muna natin ang gabi na 'to."

Bigla naman niyang hinawakan ang bewang ko. Aba't makakatikim talaga sa 'kin 'tong lalaking 'to!

Ibabalibag ko na sana siya nang may biglang sumuntok na sa mukha niya.

"Fck!" riin niyang mura.

"G-Grey. I-Ikaw pala--" hindi na natapos no'ng lalaki ang sasabihin niya nang sinuntok ulit siya ni Grey.

So kilala pala siya no'ng lalaking nambastos sa 'kin.

Nakita kong aatakehin niya sana ulit 'yong lalaki kaya inawat ko na. I hugged him from the side para siguradong di na siya makakalapit. Anong laban ng lakas ko kung hahawak lang ako sa kanya 'di ba? Kaya niyakap ko na para full force.

"Grey! Tama na. 'Di na nga siya makatayo eh."

Napahinto naman siya sa sinabi ko at napatingin siya sa 'kin ng masama.

"Oh? Ako sinisisi mo? Kung hindi mo lang sana ako iniwan at naglakad ng mabilis eh 'di sana hindi mangyayari sa 'kin 'to." giit ko at bumitaw na sa pagkakayakap ko sa kaniya. Ano siya? Sinuswerte?

Hindi na siya nagsalita pa at hinila na lang ako.

"Kasalanan ko bang ang bagal mo palang maglakad?"

Psh.

Napahinto naman kami sa isang table kung saan nando'n ang mga barkada ni Grey.

Pakshet andito pala si Cal!? Tangina naman.

Omg. What to do!?

Minabuti ko na lang na umiwas ng tingin sa kanila. Shucks, nakalimutan kong magkabarkada nga pala sila. Sabagay, parehong F*ckboys.

"Oh p're, andito na pala kayo. Ba't parang bad trip ka?" rinig kong sabi ng isa sa mga kaibigan niyang lalaki.

"Napaaway lang. May nambastos kay Spirit eh."

"Oh. So Spirit pala ang name ng chiks mo. Hi miss, I'm Staron.."

Napatingin ako sa nagsalita. Nakatingin lang siya sa 'kin at ayaw ko ang paraan ng pagtitig niya sa 'kin. Tangina alam kong masar--I mean, sexy ako pero grabe naman siyang mangmanyak sa 'kin sa isip niya.

Strings and ArrowsWhere stories live. Discover now