Chapter 4

49 7 0
                                    

Lunch time na at nandito ako ngayon sa Cafeteria kasama si Sav.

"Alam mo ba best? 'Yong kaklase kong si Aila, kasabay niyang pumasok kanina si Kenny the Nerdy."

"Tingnan mo nga 'to. Ang bad. Ginawan mo pa talaga ng nickname si Ken ah?"

So she's talking about the pair na pinana ko kanina. Naku kung pwede ko lang sana sabihin ang totoo kay Saveans eh. Panigurado mas mae-excite pa siya sa 'kin.

"Joke lang naman. Eto naman 'di na mabiro. Pero alam mo, they look good together. Kaso may nangliligaw na kay Aila eh. Matagal na niyang manliligaw 'yong varsity na si Michael."

Nalungkot naman ako do'n.

"Talaga? Malay mo hindi niya sagutin kasi baka mahulog siya sa iba."

"Alam mo, 'di mo pa nga gaanong kilala 'yong mga 'yon pero lakas na agad ng ship mo sa kanila. Pero sabagay may point ka naman."

"Wala lang. May nafi-feel lang kasi akong spark sa kanila. I have a good feeling about this."

'Good feeling ka d'yan. Ayusin mo na lang ang trabaho mo kung ako sa 'yo.'

Nagulat naman ako sa biglaang paglitaw ng boses ni Cupid out of nowhere.

"Uy bes? Ayos ka lang?"

"H-Ha? A-Ah, ayos lang ako."

Tangina namang panggugulat 'yan.

'Grabe namang bibig 'yan. Wala ba talagang filter 'yang bunganga mo?'

Filter ka d'yan. Ano 'to Snapchat? Instagram? Mukha mo.

'Gwapo.'

Gago kamo.

'Psh. Wala talagang preno.'

Bad trip ka? Alis na. Bad trip rin ako sa 'yo eh.

Bigla namang lumitaw agad ang mga pana kaya napatingin ako sa paligid ko. Meaning, may papanain ako.

After scanning the entire Cafeteria, finally I found him!

It was Michael! Tingnan mo nga naman. Galing talagang kumilos ni Tadhana. I wonder if I can meet her someday.

'Psh. You wish. Panain mo na nga 'yan. Dami mo pang satsat.'

Pwede ba manahimik ka?

Kinuha ko naman ang magic bow and arrow ni Cupid at ipinuwesto na ito.

I secured the target and released the arrow. Poof! Kanino ko kaya siya maipapana?

'Keep searching. You have to find the girl. Don't worry, frozen naman ang time.'

I know. Pwede ba? Kalma ka nga. Nakaka-pressure ka eh. Oo na, hahanapin ko na 'yong girl.

Tumayo ako at nilibot pa ang Cafeteria. Nang hindi ko talaga siya mahagilap, I decided to go outside at hindi nga ako nagkamali.

I found our girl.

Megan.

Yup. You read it right. Si Megan ang Ms. Right para kay Michael.

Itinutok ko na agad ang arrow sa kanya at ni-release ito.

Agad naman akong bumalik sa pwesto ko kanina at baka makahalata pa si Sav.

"As I was saying. Nakatulala ka kasi kanina at nakakunot pa ang noo mo. May problema ba?"

"Ha? Wala no. Wala akong problema. I'm perfectly fine. Thank you."

"Naku. I know you besty. Hmm. Is it Calvin?"

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"What? Of course not."

Strings and ArrowsWhere stories live. Discover now