Chapter 12

43 6 0
                                    

Nandito kami ngayon sa loob ng court. Medyo maraming mga tao dahil nga may pa-tryout ang school ngayon.

Naisipan kasi ni Erozeal--I mean Cupid na sumali na lang din. Para naman daw may magawa siya dito other than studying which is napaka-boring daw. Loko talaga. Eh 'di sana hindi na lang siya pumasok dito di ba?

Medyo marami-rami nga ang mga studyanteng nandito. Marami yatang maga-audition ngayon ah. Matingnan nga ang mga galing ng mga 'to.

Mukhang ako lang yata ang nanonood talaga sa tryout dahil 'tong katabi ko, masyadong busy sa pagtitili dahil nakita na naman niya ang crush niya. Todo kilig naman 'to. Nandito pa talaga kami nakaupo sa bench na katapat na katapat ng mga Vasrity players.

May mga mahusay din at magaling mag-shoot. May kaunti ring marunong mag-three points. May ilan munang mga nauna bago si Cupid kaya malapit na 'kong mainip. Tsaka nababad trip rin ako kasi nandito si Cal. Hindi naman sa paga-assume ah pero nahuhuli ko siyang nakatingin sa 'kin.

Ang sarap dukutin ng mga mata niya.

Hindi ko namalayang kanina pa pala ako kinakausap ni Sav.

"Uy best! Nakikinig ka ba?"

"H-Ha? Ano ulit 'yong sabi mo?"

"Sabi ko, bakit wala si bebe Grey mo?"

"Bebe ka diyan! Hindi ko alam kung nasa'n siya."

Oo nga no. Bakit kaya wala si Grey dito? Omg, don't tell me nangbababae na naman 'yon? Tsk. Ba't niya pa 'ko pinagpanggap kung uulitin lang din niya? Shucks ang bobo.

"Tingnan mo best, oh! Ang galing pala ni Erozeal maglaro! Puro three points ang nagagawa niya! Wow! Go Erozeal!" Cheer niya naman.

Well, tama naman si Sav. Magaling nga siya. Mukhang hindi lang puro yabang 'tong mokong na 'to ah. May maipagyayabang din naman pala.

'Of course. Divine gift na yata sa akin ang madaling matoto at maging magaling sa mga bagay.'

Nakita ko namang ngumisi siya saka nagtilian naman ang ibang mga studyante.

Hanep, nakahakot agad ng fangirls. Kay bago-bago pa lang, dami ng napapahanga ah? Edi wow sa kaniya.

'Sus. Ikaw naman no. 1 fan ko eh.'

Yuck ka. Hindi ako fan. No. 1 basher pa siguro, pwede pa. Pero fan? Never.

'Ayos lang mag-deny.'

Hindi naman si Cupid ang huling nag-tryout kaya may mga sumunod pa sa kaniya.

Bago pa man matapos ang laro bigla namang pumasok sa loob ng court si Grey dahilan para mas lalong umingay sa loob ng court sa lakas ng tilian.

O.A. naman nitong mga 'to. Eh pare-pareha lang naman tayong mga tao. Well, of course except kay Cupid kasi ala-diyos nga 'yan 'di ba?

Nakita kong napatingin naman si Grey sa bandang gawi namin. Hindi naman kami mahirap hanapin kasi nandito talaga kami sa bench mismo nakaupo. Sa ibaba ng bleachers. 'Yon nga lang sa kabilang side at hindi so'n sa mismong inuupuan ng mga players.

"Omg best! Nandito na 'yong bebe Grey mo at papunta na siya sa 'tin!"

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Sav.

"Bebe ka diyan! Hindi ko nga siya--"

"Hey babe. I didn't know you're here."

Naputol ang sinabi ko dahil biglang nagsalita si Grey nang tuluyan na siyang makalapit sa 'min.

Tiningnan ko naman agad si Sav at binigyan niya lang ako ng I-told-you-so look. Eh ano naman ngayon!?

"Babe ka diyan?"

Strings and ArrowsWhere stories live. Discover now