Chapter 18

47 5 0
                                    

"Sa'n ba tayo pupunta?" Irita kong tanong.

"Basta." Sagot niya naman.

Kanina pa siya drive ng drive eh hindi naman sinasabi sa 'kin kung saan kami.

"'Yong seryoso, may pupuntahan ba talaga tayo Grey? Kanina pa tayo dito ah. Kung ginagago mo lang ako ngayon, p'wes itigil mo 'tong kotse mo at bababa ako."

"Pwede ba? Chill ka nga lang. May surprise bang sinasabi?"

"Dami pa kasing arte. May pa-surprise date surprise date pang nalalaman. Tsk."

Nakita ko namang ngumisi lang siya. Anak ng tokwa ka, natutuwa ka pa ngayon samantalang gigil na gigil na 'ko dito!?

"At bakit nga ba tayo nagdi-date ngayon? Ano 'to, parang totoong tayo ang peg? Shocks, it's all for show Grey. You said it yourself already. Kabayaran ko 'yon dahil sa mga atraso ko sa 'yo. Don't tell me, you're taking it seriously na? I'm not in."

"Hey. Masyado kang assuming ah. Friendly date lang tsaka practice para hindi ka naman ma-awkward sa 'kin. Masyado ka yatang concious sa kagwapuhan ko."

"Ang yabang mo ah. Kagwapuhan ka d'yan. Lokohin mo lelang mo." I said at inirapan siya.

He was silent for a while before he finally spoke.

"Close ba talaga kayo no'ng transferee na 'yon?"

"Transferee? You mean Erozeal?"

"Yup. Kakalipat niya lang sa school natin pero gano'n na agad kayo ka-close."

"Sus. Matagal na kaming close bago pa man siya mag-transfer. Why do you ask?"

"Nothing. Nakapasa rin pala siya sa basketball tryout."

"Uh yeah. No'ng una, ayaw pa nga niyang sumali pero pinilit lang namin siya ni Sav na sumali at sa awa naman ng kalangitan, nakapasok pa." I said while smiling. Loko kasi talaga 'yon, aayaw-ayaw pa pero may ibubuga naman.

"So close rin pala sila ng best friend mo?"

"Well, of course. Since close friend ko nga si Zel, pinakilala ko na rin siya kay Sav."

Natahimik naman ulit siya.

"Hey. Bakit? May problema ba?" tanong ko sa kaniya no'ng medyo matagal-tagal na siyang tahimik.

"Wala lang. Anyways, nandito na pala tayo." He said then stopped the car. I look at the surroundings. Wow, ang ganda.

"I know." He said.

What!?

"H-huh?" tanong ko naman. Naririnig niya ba ang iniisip ko?

"What?" He confusingly said.

"Naririnig mo ba ang mga iniisip ko?"

"What?" Natatawa naman niyang sabi.

"Uh. Yeah?"

"Idiot. You said it out loud."

"Talaga ba?"

Natawa na naman siya ulit. Tangina naman, sinabi ko ba talaga 'yon? I was so certain na hindi eh.

"A-ah, hey. Why don't we go inside?" He said kaya napatigil naman ang pagtataka ko.

But really, the place is very beautiful. It's a cafe pero nasa second floor. Ang cute nga kasi made of woods talaga. Walang semento. May mga series lights na kulay yellow ang nakapalibot at may mga polariod photographs na naksabit. Siguro sinabit ito ng mga nagpunta na rito. May Photo Center kasi sila. You can use their polaroid camera for free.

Hindi kaya malugi sila? Well, hindi naman sila malulugi dahil kung ganito kaganda naman ang lugar na ito, siguradong babalik at babalik pa rin ang mga tao.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Medyo marami rami ang mga tao dito so I turned to Grey's direction to ask something.

"I'm sorry I haven't noticed earlier. What's the name of this cafe again?"

"Oh. It's okay. It's Amor Café."

"Wow. Even the name itself is so sweet."

"Yes, love." sagot niya naman sa 'kin na ikinagulat ko.

"What did you just called me?"

"It's just the translation of the Café's name. Ikaw ha, napaghahalataan ka na. Assuming ka masyado, nagkakagusto ka na sa 'kin no?"

"Anak ka ng tokwa. Eh ikaw ang mas assuming sa ating dalawa ngayon eh."

Lumapit ako sa bakanteng lamesa na pangdalawahan and took a seat. Sumunod naman siya sa 'kin. Buti nga at may vacant table pa.

He reached for the small menu on the middle of the table na mukhang invation card and started scanning it.

"So, what will you order? Caramel Macchiato? Choco Kisses? Cookies 'n Cream? How 'bout deserts?"

"Hmm. I think I'll go for a Caramel Coffee and 1 piece of Red Velvet cake. Ikaw?"

"Well, same na lang din sa 'yo. Mahihirapan akong pumili. You know, I'm a cafe person. Mahilig ako sa mga coffees and choco drinks saka desserts and sweets kaya aabutin pa tayo ng ilang araw bago ako makapag-settle sa isa."

I was schocked by what he told me. What!? Seryoso ba 'yong mga sinasabi niya!?

"Wow. Are you freaking serious!? Hindi halata sa 'yo. Mukha kang 'yong taong walang ibang gusto kundi ang uminom at manigarilyo."

"Ayan kayo eh. You're very judgemental. Porque't nasaktan na kayo ng isang guy o dalawa, gine-generalize niyo na agad lahat. You talk as if you have met us all eh malay niyo naman pala na iba ang attitude naming mga lalaki sa mukha o actions na pinapakita namin."

"Well, kasalanan niyo rin naman 'yon. Kasalanan ng mga kalahi niyong mga lalaki. Ever heard of first impressions last? Kung anong impression ang nakuha namin sa aming lalaki, of course 'yon na agad ang ine-expect namin if ever we meet another guy. It's our way of defending and preparing ourselves na at least may alam kaming attitude ng isang lalaki. Then we could get to know what we should do or what we should not do."

"Here we go again. It's the same for us too. You have your own way of defending yourselves at meron din kami. That first impression you say that we guys do is also our defense mechanism only. Bakit? Kayo lang ba ang may karapatang protektahan ang sarili niyo laban sa sakit? It may not be usual but sometimes, mas nasasaktan kaming mga lalaki kapag naloloko o naiiwan kami. Admit it, may mga babaeng nagagawa ring manloko sa mga boyfriends or even husbands nila. Other than emotional pain, nakakaramdam din kami ng insulto at sakit sa pride. Bakit? Kasi naiisip namin na bakit niya nagawa 'yon? Bakit niya nagawang maghanap ng iba? Bakit niya 'ko nagawang iwan? Am I not good enough? May kulang ba sa 'kin? May mali ba sa 'kin? Is he better than me? In which way. Gano'n 'yon."

Wow. Okay, I was taken aback by what he said kaya hindi agad ako nakapagsalita. Hindi kasi halata sa itsura niya na may gano'n pala siyang hugot sa buhay. Na marunong o nange-entertain pala siya ng mga gano'ng bagay. Akala ko wala siyang pake since he's a playboy.

"Kung alam mo naman pala ang feelings ng masaktan at iwan o maloko, then why are you like that? Bakit ikaw mismo ang nananakit ng mga babae?"

"Easy there babe. Hindi ko sila sinasaktan. Hindi ko naman intensyon na gawin 'yon sa kanila dahil never ko namang inisip na magkaroon ng deep and serious relationships with them. Akala ko naiintindihan na nila na hanggang laro lang ako."

"But still. Nakakasakit ka pa rin. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ng mga boyfriends nila pag nalaman nilang may nangyari sa inyo ng girlfriend niya?"

Nilagay niya ang dalawa niyang braso sa lamesa at nilapit ang mukha niya sa 'kin.

"Hey babe, hindi ako pumapatol sa may jowa na. I know how the pain feels kaya it's a good thing na wala ka pang boyfriend right? Well, of course other than me." He said then smirked.

Strings and ArrowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon