Chapter 16

42 6 0
                                    

"May I ask you, have you written a love letter before?" Bungad na tanong sa amin ng aming guro. Grabe naman itong si sir pasabog agad.

"Sus sir! Wala namang forever!" kantyaw pa ng isa kong kaklase.

Nagtawanan naman ang buong klase sa sigaw ng isang kaklase namin. Hindi ko kilala kung sino. Pasensya na. Hindi naman kasi lahat kailangang kilalanin at tandaan. Charot.

"Well, d'yan kayo nagkakamali. O sige, if you haven't written a love letter yet how 'bout writing a poem?"

"Naku sir, iiwan ka rin no'n!" sigaw naman ng isang babae na kaklase namin at nagtawanan naman lahat.

Tawa tawa na lang kahit nasasaktan na. Sus, mangloloko na nga lang sa expert pa. Kupido yata 'to no. Girl version of course.

"Well, so sad for those who are bitter about love dahil pag-ibig ang pagu-usapan natin ngayon."

"Badoooy." Naghiyawan naman ang mga kaklase ko. Kanina excited na excited sila pero ngayon naman, ayaw na nila? Bipolar din 'tong mga 'to eh. Trip lang yata nilang asarin si sir at siguro 'yong mga excited ay 'yong mga may love life lang kaya itong mga single, gano'n na lang ang pagka-bitter. Tsk.

"Hindi pa ba kayo naiinlove? Don't you like the feeling of it? Ang kiligin? Oh come on. I know marami na kayo dito ang may boyfriends or girlfriends. Correct me if I'm wrong pero masarap magmahal 'di ba? The feeling of being in love is just very magical. Let us look at the very famous tragic love story of Romeo and Juliet."

Ayon. Andito na naman tayo. Paulit-ulit na lang eh.

"Sabi sa 'yo sir eh! Wala talagang forever!"

"No class. Actually may forever sa kanilang dalawa and even to all of us. Forever is applicable to all naman as long as you're on the right path with the right person at the right time. Sa totoo kasi, in the field of love dapat lagi kang nasa tama. If you failed one of those three, then I'm sorry to say na maling love story ang tinatahak mo."

"Sir. Pa'no po ba natin malalaman kung siya 'yong taong 'yon ang the one na?"

"If you stop chasing the wrong one, because the right one won't run."

"Ooh."

Iba rin talaga ang hugot ni sir sa life eh. Kaya kumakalbo. tsk.

"Anyways. Since our topic for today is all about love, I will be giving you a task to write a love letter, a poem or even a song for your special someone. And there will be a plot twist. Kaninong sulat man ang mapipili ay mapa-publish sa ating school paper. So you better give your all."

Lahat naman ng mga excited 'yong may mga crush lang. Tangina edi kami na single. Simple.

"Sir, pa'no po pag wala namang special someone dito sa school?" tanong ko.

"Well, you could write one for your friend or family. But I'm telling you that it's best if it's for your special someone here in school. I'm giving you the opportunity already to express what you truly feel towards that person."

Sino kayang susulatan ko? Siguro si Sav na lang. Ay nakakadiri naman. Hindi ko maisip ang sarili kong gumagawa ng cheesy poems or letters para sa lokang babaeng 'yon. Eh si Mommy na lang kaya? O si Kuya? Aish. Ewan.

Naririnig kong nagdidiscuss si sir. Nakakabagot na, ang tagal tumakbo ng oras. I looked at the clock. 5 minutes na lang at magb-bell na. Makatulog na nga lang muna.

I was about to take a nap nang bigla namang nagpakita ang magical arrows ni Cupid. Shet may color pink na naman. Minsan talaga ayaw kong makatanggap ng pink arrows kasi makakaramdam lang ako ng awa at lungkot do'n sa taong maiinlove sa taong friendship lang naman ang maibibigay pabalik.

I took the pink arrow first at pinana ito sa isang babaeng naka-upo sa harapan. She seemed familiar. Parang nakita ko na siya before but I couldn't remember when and where. But then, kawawa naman 'yong guy. Pwedeng 'wag ko na lang panain ang lalaking matatamaan ng red arrow?

"Hey. Hindi naman pwede 'yon." sabat naman bigla ni Cupid na ikinagulat ko.

"What's the difference? Eh di sana makakatulong pa 'ko sa kaniya dahil maiiwasan niyang masaktan."

"Basta. It's for you to know and for me to find out. Kailangan mong sundin ang mga rules kundi mangyayari sa 'yo 'yong sinasabi kong punishment. Now that you already know the regulations and how this process works, you are no excemption to the punishment already. Kaya kung ako sa 'yo, susundin ko na lang ang mga patakaran."

Gano'n ba talaga 'yon? Okay fine. I heaved out a deep sigh first before proceeding to my next step.

I took the red arrow at hinanap ang target. It's Carlo, the guy with a great sense of humor. Aww sayang. Hay, ang sarap magbigay ng warning but I am not the one who's in power to control the fate of people and their lives including their love story.

I prepared the arrow at pinana ang target. Nakakaguilty.

After I was done, bumalik naman agad ang oras sa pagtakbo.

I took a seat at gano'n din si Cupid. Magmumukha naman kaming tanga kung nakatayo lang kami do'n ng walang dahil 'di ba? Dahan-dahan ko ng niligpit ang mga gamit ko sa desk ko at pinasok sa bag.

Tinignan ko naman agad pabalik 'yong babae. I'm still bothered na familiar ang mukha niya sa akin pero hindi ko pa rin maalala kung saan ko siya nakita.

Na-interrupt naman ang pag-iisip nang biglang mag-ring ang bell. Nagsitayuan at nagsi-alisan naman agad ang ibang mga kaklase. I stood up from my chair pero napaupo rin ako nang may nakabangga sa akin.

Tumingala ako para makita ang taong nakabangga sa 'kin.

"Omg. I am so sorry, miss." An another familiar girl said. She was talking to me dahil siya pala 'yong nakabunggo sa akin.

Sasagot pa sana ako nang may tumawag na sa kaniya.

"Hey Clara! Tara na."

"And'yan na, Maris!" Sigaw niya pabalik.

She looked at me once again and apologised before finally leaving.

Clara? Sinilip ko naman kung sino 'yong tumawag sa kaniya. It's the girl from earlier. 'Yong babaeng pinana ko ng pink arrows!

Sht. Oo nga pala! That girl is this girl's friend. Si Clara 'yong babaeng biktima ng friendzone pain. 'Yong tinamaan sa taong hanggang pagkakaibigan lang naman ang tingin sa kaniya. Ngayon naman, ang bestfriend niya na ang involved but it's the other way around. Si Maris ang magbibigay ng friendzone pain kay Carlo. Shit. It's all connected.

Strings and ArrowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon