Chapter 36

32 5 0
                                    

Cupid's Point of View

I was waiting for Spirit at the Cafeteria while drinking a glass of cold Iced Tea nang bigla akong masagi ng isang studyanteng nagmamadali. Natapon ang inumin ko at gano'n din ang baso. Nabasag pa ito.

Hindi man lang siya nag-sorry. Why is he even in a hurry anyway? Wala na namang pasok. Tsk.

"Hijo, ako na diyan." Awat naman sa akin ng isang matandang janitor nang umamba akong pulutin ang mga bubog.

I nodded at him and smiled. Nagpatuloy naman ako sa paghihintay kay Spirit. I was talking to Clotho and Grey earlier about Matt kaya hindi ko na siya nasamahan sa susunod niyang klase.

Napansin ko naman na parang nagkakagulo ang ilan sa mga studyante. Anong meron?

I stood up at tinawag ang isa sa mga estudyante.

"Excuse me, anong nangyayari dito? Bakit parang nagkakagulo ang ibang mga studyante?"

"Ay 'yan ba? Kasi may nabunggo raw ng kotse do'n sa labas. Sa may kanto. Studyante raw dito."

Kinabahan naman agad ako. Shit.

"Kilala mo ba kung sino 'yong nasagasaan?" I asked. I was nervous. Sa tingin ko ay hindi ko kayang marinig ang pangalang babanggitin niya.

"Hindi eh. Sandali, magtatanong ako."

Tinawag niya ang isang kakilala niya. Nilapitan niya ito at nag-usap sila. Maya-maya lang ay lumapit ito pabalik sa kinaroroonan ko.

"Pare, Spirit Naranjo daw. Kawawa nga eh. Ngayon-ngayon lang daw nangyari."

Shit. Parang nabingi ako nang marinig ko ang pangalan niya. I can't move. I can't think properly. I don't know what to do. I lost my senses. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nalaman.

"Pare, una na 'ko ah?" Paalam niya sa 'kin pero hindi ko man lang siya magawang sagutin. Ni hindi ko nga magawa tumakbo ngayon.

"Shit."

What am I doing here!?

I used my ability and teleported myself to the place where the incident happened.

Spirit..

Pero wala na siya doon. All I can see now is blood. Her blood. Marami. Masyadong marami.

Nakita ko ang ilang mga Pulis at nakita ko rin sa 'di kalayuan ang isang itim na kotse. Katabi no'n ay isang lalaking kinakausap ng mga Pulis.

Shit. Siya ba 'yong may gawa nito!?

Agad akong tumakbo papunta do'n at kinwelyuhan ang lalaki!

"Damn you! Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo! Fck! Hindi kita mapapatawad kapag may nangyaring masama kay Spirit!"

Inawat naman agad ako ng mga Pulis. Dammit.

"Sir. Kumalma lang po kayo. Dinala na po sa pinakamalapit na Hospital si Ms. Naranjo. Kasama niya po si Ms. Gloran. Kami na po ang bahala dito!"

"P-Pasensya na. Lasing ako habang nagmamaneho. Ni hindi ko nga alam bakit ako naglasing at kung bakit ako napunta dito." Naiiyak na sumbong ng lalaki.

Then it hit me. Binitawan ako ng mga Pulis nang mapagtanto nilang kumalma na 'ko.

This is the Prophecy. Sunod-sunod na ang mga aksidenteng nangyayari kay Spirit.

Agad akong naglakad palayo doon and teleported myself again to Spirit's location.

I was standing outside the Hospital Building but to my surprise, I was not alone.

"Clotho. Grey."

"Erozeal, you better not do it. Whatever you're thinking will only harm you. Please, 'wag mo nang dagdagan ang kasalanan mo."

"No Clotho. I have to do this! Kung 'yong pagkahulog niya nga lang, nagawa kong labagin ang batas! Ito pa kaya!? Her life is at stake here at hindi ako magdadalawang isip na iligtas siya ngayon!"

"No. Please. I am begging you. Magtiwala na lang tayo sa mga Doktor dito."

"I can't risk it Clotho. I want to make sure that she'll live."

"But Erozeal--"

"Stop it, Clotho." Putol sa kaniya ni Grey.

"No!"

"Let him do it!"

"Pag pumasok ka sa building na 'yan, para mo na ring sinusulat ang death contract ninyong mag-asawa! Don't be selfish Cupid! Hindi lang ikaw ang damay dito. You know Matthias very well. Dalawa kayong sisingilin no'n."

"Then I have to fight back with double efforts. I'll fight for the two of us. I can bear the pain. 'Wag mo 'kong pipigilan Clotho please. Mapipilitan akong kalabanin ka."

Nakita ko namang nagulat siya sa sinabi ko.

"I got her Ardent. Get inside and save Spirit's life."

I nodded at him.

Agad akong pumasok ng building at dire-diretsong naglakad papunta sa kinaroroonan ni Spirit. I don't have to ask the Nurses. I can hear her heartbeat and it's scaring me dahil nagiging faint na ito.

I stopped outside a glass-doored room. Hinarang ako ng isang nurse.

"Sir, hindi po kayo pwede di--"

She wasn't able to finish her sentence when I froze the time.

Lumagpas ako sa pintuan at do'n, nakita ko si Spirit. Ang daming nakakabit na wires sa katawan niya. Marami ring mga doktor ang nandirito sa loob. I guess they were having a hard time. They were in the middle of the surgery.

I cupped her innocent face. Nanginginig pa ang kamay ko nang hawakan ko ang mukha niya.

Shit. I can't stop my tears from falling.

"H-Hey love. Please don't leave me. You have to fight for yourself. That way, I'll be able to fight for the both of us."

Hinaplos ko ang buhok niya.

"They were trying to cure your head, darling. They're having a hard time. I have to help them, okay? The only thing you have to do is to be strong."

I closed my eyes at kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang pag-gamot ko kay Spirit. I had to do it.

There was a blinding light before I left and then everything went back to normal.

"Sir, hindi po kayo pwede dito."

"I know. I'll just wait here outside."

The nurse gave me a reassuring nod before leaving.

Maya-maya lang ay dumating naman si Sav.

"Zeal!" bungad niya sa 'kin. Namumugto pa ang mga mata niya.

"Sav. How was she earlier?"

"It's bad. Her condition was very bad. Nahirapan sila. There was an internal bleeding at iba rin 'yong pagdugo ng ulo niya. She lost a lot of blood. I was scared. I-I don't know what to do. It was my fault. She saved me." She said between her sobs.

I patted her shoulder. Trying to comfort her.

"It's okay. She's a strong person. She can do it. Let's just pray."

"Yes."

"Saan ka nga pala galing?"

"I was at the Nurse Station. Kausap ko ang isang Nurse do'n at kausap ko rin si Mommy sa phone. I told her about what happened. Sinabihan ko na rin ang pamilya ni Spirit. Pauwi na sila ngayon."

I nodded. Bigla namang lumabas ang mga Doktor.

"Kayo ba ang kasama ni Ms. Naranjo? Where are her guardians?"

"They're still on their way Doc. Kamusta na ho ba siya?"

"Well. To tell you honestly, we were actually having a hard time at first pero tila may isang milagrong nangyari at agad na umayos ang kondisyon ni Miss Naranjo. She's doing fine now at anytime ay ililipat na siya sa isang Private Ward."

"Thank you Doc! Thank you so much. Jusko. Panginoon, maraming salamat po!"

"Mauuna na po ako sa inyo. Excuse me."

I closed my eyes tightly as I heard what the Doctor said.

Thank God.

Strings and ArrowsWhere stories live. Discover now