Chapter 14

39 6 0
                                    

"Spirit!"

Nagising naman agad ako sa sigaw ni Cupid.

Tiningnan ko ang oras sa phone ko.

"What the hell, kupido!? Alas kwatro pa lang ng umaga, nambubulabog ka na!?"

Sinilip ko siya sa sahig kung saan kasalukuyan siyang nakahiga habang may talukbong na kumot.

Yep. Dito siya sa kwarto ko natulog. Sa pagkahaba-haba ng away namin, dito rin pala sa kwarto ko ang uwi.

"D-Di ako makatulog. Feeling ko anytime may magpapakitang multo."

"Argh. Ano pa bang kailangan mo? Dito ka na nga sa kwarto ko natulog."

"Wala. 'Wag ka munang matulog. Sabado naman ngayon eh."

"Anak ka ng tokwa. Aabalahin mo pa 'ko."

"Magkwentuhan na lang muna tayo hanggang sa dalawin na 'ko ng antok."

"Wow. Ano 'to? Ibi-babysit kita? Ulol, in your dreams."

"Samahan mo lang ako."

"Ganito ka ba buong buhay mo? Ba't 'di ka pa nasanay?"

"Ngayon lang talaga 'to nangyari. Kasi dati 'yong Grimreaper 'yong trip nila kaso when I accidentally bumped into a ghost na tumatakas mula sa isang Grimreaper, wala na siyang ibang ginawa kundi ang sundan ako. Nangyari lang 'to recently. Last 2 days ago yata. Basta bago pa lang kaya natatakot talaga ako."

"Akala ko ba diyos ka. Ba't 'di mo sila gamitan ng powers mo?"

"Ano? Mas lalo ko silang paiibigin sa 'kin? 'Wag na."

"Wala ka na bang ibang powers? Humingi ka ng tulong sa mga kapwa mo diyos o kahit sa asawa mo man lang."

Nakita ko namang natahimik siya. Bakit pag binabanggit ko 'yong asawa niya, hindi na siya umiimik?

"I'm sorry--"

"Actually, bawal ko kasing gawin 'yon. You know Gods and Rules stuffs. Daming drama at echos sa buhay."

'Yon ba talaga 'yong reason? Bakit parang hindi ako convinced?

'Di bale na nga lang. Kung ayaw niyang sabihin dahil baka hindi siya komportable, 'wag na nating pilitin.

Kunwari pinaniwalaan ko 'yong dahilan niya.

"Gano'n ba? O sya, magkwento ka na lang."

Nakita ko namang nag-lighten up ang mukha niya.

"Talaga!? Pumapayag ka ng makipag-usap sa 'kin?"

"Sige na. Bago pa magbago ang isip ko."

"Teka! Ito na nga, magkukwento na."

Umayos lang ako ng higa habang naghihintay sa kaniya na magsimulang magkwento.

"Ano pa bang sasabihin ko? Mukhang nasabi ko na yata lahat ng tungkol sa 'kin."

"Hmm. About sa asawa mo."

"H-Huh?"

"Magkwento ka tungkol sa asawa mo. Tell me something about Psyche."

Matagal muna bago siya umimik. He heaved out a heavy sigh.

"Well, she's very pretty."

"Sabi sa Mythology, pinana mo raw ang sarili mo ng sadiya para ma-in love ka kay Psyche."

"Hindi naman gano'n talaga ang nangyari. You can't use the arrows for your own benefits."

"So, hindi 'yon totoo? Eh 'yong nagkamali ka raw at napana mo ang sarili mo instead na 'yong monster dapat?"

"Like what I have said before, hindi nagkakamali ang arrows. Sa totoo lang, ang arrow na pinana ko sa sarili ko ay para talaga sa akin. The arrows are meant for me and my wife."

"Ooh. So where is she now?"

"Well, I could say she's in a better place now."

"Patay na ba siya?"

"Not really. Parang she's alive and at the same time, hindi. Basta medyo magulo."

"Bakit ang complicated ng buhay niyo?"

"Well, I was punished. I so love her so much that she became my karma. May nailabag kasi akong patakaran at ang pagmamahal ko para sa asawa ko ang naging sumpa ko."

"May I know kung ano ang nilabag mo?"

"I helped her. No'ng pinarurusahan siya ng nanay ko dahil sa inggit. I was secretly helping her. I also chose to marry her though us, Gods, are prohibited to marry a mortal. Double kill. Kaya siya ang naging parusa ko."

"She was killed by the Gods?"

"Parang gano'n na rin. Ipinagkait nila sa 'kin ang kalayaan kong makasama ang asawa ko."

"Pero you get to marry her pa rin naman bago siya mamatay?"

He was silent for a moment.

"They took her the same day of our wedding day. After I married her, nawala din siya agad sa 'kin."

"Do you know where she is now? I mean, specifically?"

"Yeah."

"Ba't hindi mo siya puntahan?"

"Well, ginawa ko na nga 'yan. I'm visiting her from time to time. I am always by her side."

"And? Anong sabi niya?"

"Sadly, she doesn't remember me anymore."

Now it's my turn to remain silent.

"Hey, don't be sorry. Wala ka namang kasalanan."

"Pasensya na kung tanong ako ng tanong sa 'yo ah. Ayan tuloy, nasaktan pa kita."

"Ano ka ba. It's not your fault nga eh."

"It must have been painful."

"For me? Of course. 'Yong gustong-gusto mo na siyang yakapin at makasama pero hindi mo magawa kasi hindi ka naman niya maaalala at hindi ko rin siya mapipilit dahil hindi niya lang ako papaniwalaan. Wala akong hawak na ebedinsya na magpapatunay sa mga sinasabi ko. Tsaka mahirap pang paniwalaan kasi ako, diyos. Samantalang siya, tao."

"It's actually painful for the both of you. I felt bad. Pero you mentioned na tao siya pero buhay pa rin siya hanggang ngayon? I mean, how?"

"She's reincarnated. Kung sa mythology, sinabi na naging diyosa siya, in reality hindi talaga. She remained human until she was killed by the Gods."

"Pa'no siya pinatay?"

"They took her soul. 'Yon pa man din ang ibig sabihin ng pangalan niya. Psyche actually means Soul or Spirit."

Somehow, I felt really sorry for him. Para bang ang laki-laki ng kasalanan ko sa kaniya.

I felt burdened. Bigla akong nakaramdam ng sudden urge na humingi ng sorry sa kaniya.

"You know what? You're really funny Spirit. Sinabi ko na sa 'yo na hindi mo naman kasalanan. You don't have to say sorry."

"But still. Pakiramdam ko kasi dahil sa 'kin kaya na-open up na naman 'yang mga hinanakit mo sa buhay."

"It's okay nga lang. Isa pa, 'wag mo nang sisihin ang sarili mo. Baka mamaya, mabaliw ka at ako pa ang maging dahilan. Ayaw ko namang mag-alaga ng baliw na babae."

"Tse! Ikaw na nga 'tong dinadamayan, ikaw pa talaga 'tong may ganang tawagin akong baliw. Aba, nakaka-stress ka rin minsan ah--hindi lang pala minsan. Palagi pala."

"Alam mo, gusto kong mag-thank you sa 'yo kasi pinakinggan mo ang request ko na magkwentuhan muna tayo. It's already quarter to 6 in the morning at nakaramdam na rin ako sa wakas ng antok. It's not yet too late to go back to sleep right? Good night--morning, Spirit." he said with a little chuckle at natahimik na rin siya.

Maya-maya rin ay nakaramdam na 'ko ng antok.

Strings and Arrowsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن