Chapter 24

36 5 0
                                    

Last day na namin ng preparation ngayon at konti na lang ay matatapos na rin kami sa paghahanda.

"Dahan-dahan lang Spirit ah?"

"Ayos lang ako Sav."

Umaakyat kasi ako ngayon sa isang folding ladder para ilagay ang banner namin.

"Hintayin na lang natin si Zeal."

"Wag na. Baka busy rin sila."

"Best naman eh."

"Keri ko 'to. I-abot mo na lang sa akin 'yang pulang gunting. Malapit na rin 'to."

Ginupit ko na 'yong sobrang ribbon at inayos ang pagkakalagay nito. Nang matapos na 'ko sa paglalagay ng banner namin ay dahan-dahan na 'kong bumaba.

"See? Kaya ko naman--"

"BEST!"

Hindi ko namalayang loose pala ang isa sa mga Screws na nakalock sa ilang bahagdan no'ng ladder kaya nang apakan ko ito ay agad akong na-out of balance at nahulog. Aray! Ang sakit ng likod ko.

"Best! Ayos ka lang ba?!" Mabilis na tanong sa akin ni Sav. Sinubukan niya 'kong alalayan pero nahirapan rin siya kasi kahit sarili ko, 'di ko magawang alalayan. Parang nawalan rin ako ng lakas.

"Tulong! Tuloong!"

A-Aray. Ba't ba kasi hindi ako nag-ingat.

Nakita ko namang nagsilapitan ang ilan naming mga kaklase sa kinaroroonan namin. Sinubukan kong gumalaw pero shet masakit talaga 'yong likod ko.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang kirot. Medyo mataas rin kasi 'yong binagsakan ko eh.

"Anong nangyari dito!?" Rinig kong tanong ng isang lalaki.

"C-Carlo kasi nahulog si Spirit eh. Mataas pa naman 'yong pinagbagsakan niya. Hindi siya makagalaw."

"Dalhin na natin siya sa clinic." Rinig kong sagot ng isa pang lalaki.

"Sige. Ako na ang bubuhat sa kaniya."

"Salamat Carlo."

Naramdaman ko naman agad din ang pagbuhat ni Carlo sa akin. A-Aray shet. Mukhang na-dislocate pa mga spinal bones ko dahil nagalaw 'yong posisyon ko. Dammit masakit talaga. Naluluha na 'ko.

"D-Dahan-dahan ka lang Carlo. Mukhang nasasaktan si Spirit eh. Malakas talaga yata ang impact sa likod niya."

"'Wag kang mag-alala Spirit. Papunta na tayong Clinic."

Muling napapikit na naman ako dahil sa sakit. Sa bawat lakad kasi na ginagawa ni Carlo ay mas lalo lang sumasakit ang nararamdaman ko. Sana nawalan na lang ako ng malay para hindi ko naiinda ang ganitong sakit.

"W-What happened here!?"

Naramdaman ko namang napatigil si Carlo nang magsalita ang lalaking 'yon.

T-Teka..

"Z-Zeal.." rinig kong sambit ni Sav habang naiiyak pa. Bakas sa boses niya.

"Spirit.." I heard him whisper. Ang lapit na niya siguro dahil rinig na rinig ko ang bulong niya sa 'kin.

"Nahulog kasi siya. Mataas pa naman ang pinagbagsakan ni Spirit kaya mukhang malakas talaga ang impact sa likod nito." Naiiyak na paliwanag ni Sav.

"Ako na ang magdadala sa kaniya sa Clinic."

Nang sabihin niya iyon ay naramdaman kong dahan-dahan niya 'kong kinuha mula kay Carlo hanggang sa tuluyan na nga akong napunta sa kaniya.

Napapikit naman agad ako nang muling sumakit ang likod ko. Tangina ipagamot niyo na 'ko.

I felt him knelt down at dahan-dahang hinawakan ang pisngi ko. He wiped away my tears at hinawi ang buhok ko.

'Does it badly hurt?'

Instead of answering him, I just cried. Beyond words lang talaga 'yong sakit na iniinda ko ngayon.

"Sshh. Don't Cry. I got this."

I felt him touched my back at hinagod pa ito na tila ba hinahanap kung saan naroroon ang deperensya.

In just a moment, bigla akong nakaramdam ng init sa likuran ko na agad namang nawala. But what confuses me the most was the moment na naglaho ang init ay kasabay ding pagkawala ng iniinda kong sakit.

What was that!?

'Sshh. You need some rest.' was the last thing I heard from him then everything went blank.

I didn't know how long I stayed unconcious pero nang nagising ako ay nasa loob na ako ng kwarto ko.

I slowly stood up nang biglang nagsalita si Sav.

"Don't stand up Spirit. You need some rest."

"I'm fine."

"Just, just sit down please. Kahit maupo ka na lang. Isandal mo 'yang likod mo sa headboard. Please Spirit, 'wag nang matigas ang ulo."

Wala na akong nagawa pa kundi sundin na lang ang utos ni Sav.

"What happened?"

"You lost conciousness no'ng dumating si Zeal. Dinala ka namin sa Clinic and the School Doctor injected you some pain relievers. Pinayo niya sa amin na dalhin ka sa hospital kaya dinala ka ni Zeal. After a few while, he contacted us saying natignan ka na raw ng Doktor at pwede ka nang umuwi kaya sumunod na 'ko dito sa Bahay niyo. Hindi ko na nga siya naabutan pa eh."

"Oh." was all I can say after hearing her explanations. Nasaan na kaya siya. Marami pa 'kong dapat itanong sa kaniya dahil pakiramdam ko, may ginawa siya para pagalingin ako. At kung tama man ang hinala ko, ni hindi ko man lang siya napasalamatan.

Ayos lang kaya siya?

"Sav, Salamat ah?"

As I said those words ay agad naman siyang naiyak.

"Best kasi eh! Pinag-alala mo 'ko. Buti sabi nang doktor ay magiging okay ka rin daw in a few days. Ang tigas kasi ng ulo."

"Sorry na best. 'Wag ka nang umiyak diyan. I'm fine oh. I'll be fine."

She hugged me habang humihikbi. Natawa na lang ako habang naiiling.

Cupid's Point of View

"Dammit Matthias! Agad agad ba!?" I said habang nakahawak sa puso ko.

This guy right here was the Guardian Angel of Rules. Ugh.

Shit. It's burning like hell. It felt like it was roasted in raging fire.

"You disobeyed the rules, Cupid."

Hindi ko alam na ganito kabilis ang balik ng parusa ko.

Naubo naman agad ako ng dugo at alam kong nakita niya 'yon.

I looked at him straight in the eyes.

"I had to do it."

I saw anger in his eyes at agad na kinuyom pa ang kamay dahilan para mas lalong sumakit ang nararamdaman ko.

He has my heart. At sinusunog niya ito. It was wrapped on a burning thorny chains at talagang masakit na masakit siya. It hurts more inside. Parang sinusunog ang kaluluwa mo.

This was my punishment for using my powers. For saving Spirit from earlier.

This is better. Mas mabuti na 'yong ako ang may iniinda kesa makita siyang nasasaktan. Looking at her in pain was the worst.

'Ayos lang kaya siya?'

Napangiti ako sa iniisip niya. At ako pa talaga ang inalala niya. I'm okay now that you're okay.

Strings and ArrowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon