Chapter 11

37 6 0
                                    

"Ano 'tong ginagawa mo ngayon Cupid!? Bwesit ka talaga!"

"Teka nga. Kung makipag-usap ka sa 'kin parang ka-level lang tayo ah. Ganiyan ba talaga kataas ang level of confidence mo?"

"Teka nga din, iniiba mo ang usapan eh."

Nandito kami ngayon sa Cafeteria ni Cupid dahil may paguusapan--okay, scratch that. May pag-aawayan kami! Oo, pag-aawayan talaga!

"Hindi ah. Tsaka ano bang masama sa pagpunta ko dito?"

"Anak ka ng tokwa. Lahat masama! Eh hindi ka naman tao ah! Tsaka ikaw na mismo nagsabi na matanda ka na! Hindi ka College student kaya umalis ka na dito!"

"Pag-aari mo ba 'tong University na 'to? Kung makataboy ka sa 'kin kala mo naman sa 'yo 'to ah. Pinayagan nga ako ng may-ari na pumasok dito no'ng mag-enroll ako, ikaw pa kaya na co-student ko lang?"

"Wow ha. Ganiyan ka na ba ka-desperate na bumalik sa pagka-bagets at kailangan mong mag-ala College student vibe? Ano 'to? Balik-loob sa Teen days ang peg?"

"Sinabi ko na sa 'yo 'di ba? Gusto kong manmanan at subaybayan ang quest na ginagawa mo. For your information, marami ka pa kayang hindi alam tungkol sa responsibilidad na binigay ko sa 'yo."

Maya-maya naman nag-text na si Sav. Nasaan daw ako para sabay na kaming mag-lunch.

Argh. Nandito pa talaga si Cupid. Masisira lang ang araw ko. I mean, buong buhay ko.

I was left with no choice kaya sinabi kong nandito na 'ko sa Cafeteria at humabol na lang siya dahil may ipapakilala ako sa kaniya.

Well, sabi nga niya gusto niya raw makilala 'yong kaibigan ko kuno kahit hindi naman talaga kaya I'll use this opportunity na lang.

Habang naghihintay kay Sav, nauna na lang kaming kumain ni Cupid dahil alas dose na at nagugutom na 'ko. Wala naman kaming masyadong ginawa, bangayan lang ng bangayan kahit sa mga maliliit na bagay.

After a few more minutes, dumating naman agad si Sav.

"P-Pasensya na. Kinausap pa kasi ako no'ng crush kong Varsity. Ayiee. Kinikilig nga 'ko kasi medyo hinihingal pa 'ko. Tumakbo kasi agad ako papunta dito dahil alam kong masyado na 'kong late. Anyways--"

Bigla naman siyang napatigil no'ng nabaling ang paningin niya kay Cupid.

"Oh my. Is this him?"

"Yep. Sav, I want you to meet Cu--Erozeal. Erozeal Ardent. Zeal, this is Sav. Saveans, my besty. Siya 'yong tinutukoy nila mommy na nagpunta na dati sa bahay."

"Hello Erozeal. In fairness, ang gwapo mo. So, ikaw pala 'yong karibal ko sa pagiging besty kay Spirit. So ano? New BFF ka niya?"

"What? Hey Sav, magkaibigan lang kami."

"Ows? O baka naman nangliligaw ka na sa kaniya?"

"What!? Sav, alam mo masyado ng wild ang imaginations mo."

"Malay naman natin." She said then shrugged her shoulders.

Natawa lang naman si Cupid kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Anyways, kumain ka na ba?"

"'Di na. Nabusog na 'ko sa pag-uusap namin ni crush kanina."

"Sino ba 'yong crush mo?" pangu-usisa ko naman sa kaniya.

"Si Christian!"

"Christian? Who's that?" sabi ko naman na halatang clueless talaga. Eh sa hindi ko talaga kilala eh.

"'Yong Varsity! Besty, hindi mo ba siya kilala?!"

"Sino nga 'yan? Ang daming Christian na varsity sa mundo no!"

Strings and ArrowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon