Chapter 29

33 4 0
                                    

"Alam mo, marami ka nang tinatago sa 'kin ah. Although I don't have any rights to complain dahil bakit nga ba kailangan ko pang malaman diba? But I am getting confused now."

"Spirit. Makinig ka sa 'kin. There is nothing you really have to worry about. Okay? Hindi ko nga alam kung bakit ako hinahanap ng babaeng 'yon." Pagpapaliwanag niya.

"I have one request."

"Ano 'yon? Anything."

"Stop reading my mind. You have to stop doing that."

"Why am I having a bad feeling about this? I want you to be transparent in my eyes Spirit."

"Don't be foolish here Cupid. Sabi mo kahit ano. That was just a simple request!"

Para naman kahit papaano ay magkaroon ako ng privacy sa mga iniisip ko.

"But it's hard for me. Ano ba kasi ang mga iisipin mo? I can't read you unless I read what's on your mind. Ganiyan ka kahirap Spirit."

Napabuntong hininga ako sa paliwanag niya.

"Oh stop it. Basta gagawin mo 'yon. Ni hindi na nga kita kinukulit na sabihin kung anong meron kina Grey, Matt at Clotho. You seemed very affected when the topic's about them."

"I am not."

"Yeah whatever." I said and rolled my eyes.

"Spirit.."

"Cupid ah? 'Wag na 'wag mo nang babasahin ang iniisip ko."

He stared at me for awhile before giving out a deep sigh.

"Fine. If that's what you want."

Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba ang pangako ni Cupid o hindi.

"What's with that look hon? Sinasabi ko na sa 'yo, mahirap kang basahin."

"Hindi mo ba talaga binabasa ang iniisip ko? O nagpapanggap ka lang?"

"What?" Natatawa niyang sagot. "Of course not. I am not acting here. I'm not really reading your mind. Don't you know that I'm having a hard time now?"

Buti naman.

I heaved out a deep sigh at naglakad na pabalik ng kwarto ko.

Truth be told. I am really curious kung sino iyong babaeng 'yon at bakit niya hinahanap si Cupid? Tsaka dumagdag pa siya sa pagkalito ko tungkol kay Matt at Grey.

Nang napansin kong hindi sumunod si Zeal ay sinara ko naman ang pinto ng kwarto ko. Pero hindi ko ni-lock dahil baka maki-tulog rin siya. May foam kasi siya sa baba ng kama ko diba? Hindi ko nga alam bakit dito pa rin siya natutulog sa kwarto ko eh mukhang tinantanan na naman siya ng mga multo niyang admirers. Matagal na.

I decided to lie down on my bed for a moment nang makarinig ako ng katok.

"Spirit?"

"Ano 'yon?" I answered while still lying down on my bed.

"Babalik lang ako sa school. Baka magtaka ka na wala 'ko dito."

Babalikan niya ba 'yong babaeng naghahanap sa kaniya kanina?

"Okay." I simply said. After that, biglang tumahimik. Umalis na siguro siya.

Okay. That's it. I'm being paranoid here kahit hindi ko naman alam bakit o kahit hindi naman dapat. Ano? Nababaliw na yata ako.

Out of frustration ay agad akong napasabunot sa buhok ko. Kahit sarili ko ay hindi ko na maintindihan.

Hindi ko namalayan na dahil sa kung ano-anong pinag-iisip ko ay naka-idlip na pala ako.

Agad kong sinilip ang phone ko para tignan kung ilang oras na 'kong natutulog.

Holy Shit. Almost six hours pala akong nakatulog. Dala na rin siguro ng pagod sa katawan at isip kaya nag-give up na talaga ang katawan ko.

I slightly moved my body nang makaramdam ako nang mabigat na nakadagan sa beywang ko.

What the--! Nanlaki naman ang mga mata ko nang ma-realize kong may katabi ako! What the fuck!?

"Hmm." he groaned nang bahagya akong nakagalaw dahil sa gulat.

Anak ng putangina naman Zeal! Ikamamatay na yata kita.

Napahawak naman agad ako sa 'king dibdib nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Mukhang nagulat yata talaga ako sa ginawa niya.

Panay na yata ang pagkilos niya ng kakaiba ngayon at mas lalo akong nababaliw dahil hindi ko siya naiintindihan. Dammit! Ang laki kaya ng epekto sa 'kin. Hindi ako sanay for Fvck's sake!

"W-What are you doing!? You idiot." Mariin kong bulong sa kaniya.

"I wanna sleep.." he said and opened his one eye slightly before continuing his statement "..with you." And flashed a smile.

Hindi naman agad ako naka-imik dahil sa gulat. Tangina kitams? He seemed very strange! Damn. Hindi ako sanay.

Nang mabalik ako sa aking tamang pag-iisip ay nakahanap rin ako ng lakas para itulak siya at ang mokong, ginantihan lang ako ng tawa.

"What? I just wanna rest. I'm tired." He said. Hindi ko pa masyadong marinig dahil nakasubsob ang mukha niya sa unan niya.

Napairap naman ako sa sinabi niya. Ayan, balikan mo pa kasi 'yong Clotho na 'yon.

Napasapo ako sa ulo ko nang ma-realize ko kung ano ang iniisip ko. Holy shit. Did I really said that!? I sound so bitter and most of all, damn! Jealous! In fact, I am not. Really.

Siguro curious lang at naiirita ng konti. Fine! My God I can't believe I'm being defensive here. Nababaliw na yata ako. Pati sarili ko kinakausap ko.

"Teka nga. Ba't dito ka natulog sa kama ko!? Aber!?"

"Kailangan kong mag-charge." Simple niyang sagot.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. At anong connect ng sagot niya sa tanong ko?

"Tanggalin mo na nga 'yang kamay mong nakapulupot sa 'kin. Damn you."

"Hindi ba nga nagch-charge ako? Hindi pa ako fully charged eh." Antok niyang sagot.

Putek. Ano bang pinagsasasabi ng lalaking 'to!?

Pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero mas lalo niya lang hinihigpitan ang hawak niya sa 'kin.

"I'm gonna let loose later. Sa ngayon, sa 'kin ka lang muna."

The words he said made my heart skip a beat.

"N-Nababaliw ka na yata." Ay anak ng puta ba't ba ako nauutal!? Tangina naman.

"Let me guess. You think I'm acting strange right?"

"Duh. Anong guess eh baka binasa mo lang ang iniisip ko. Bwiset ka."

"What? I am not reading your thoughts really. So I guess my hunch was right? Well to tell you honestly, you got to get used to this dahil ganito naman talaga ang ugali ko."

Pinitik ko naman ang noo niya dahil kung ano-ano na lang ang sinasabi at iniisip niya.

"Baliw ka na. You're getting worse." I said na para bang nangdidiri sa kabaliwan niya. Dahil nababaliw na naman talaga siya!

Hindi na siya nangatwiran pa at humalakhak na lang. Damn ang lutong ng mga tawa niya ah. Gano'n ba siya kasaya? O nababaliw lang talaga siya?

Strings and ArrowsWhere stories live. Discover now