Chapter 6

56 7 0
                                    

"OMG! Kiliig!" was her reaction matapos kong ikwento ang lahat. Wala namang nakakagulat at mas lalong wala namang nakakakilig. Sino bang niloloko nito?

"Tumigil ka nga. Ang lakas ng boses mo, pinagtitinginan tuloy tayo ng mga tao sa paligid." Sita ko naman sa kaniya. Nandito kasi kami ngayon sa food court sa mall kaya malamang maraming tao.

"Ay. Pasensya naman eh sa kinikilig ako eh. Ano ka ba! 'Di mo naman agad sinabi sa 'kin na may ganoong love story palang naganap. 'Di tuloy ako prepared sa biglaan niyong love team. So saan kayo magdi-date mamaya?"

I just shrugged my shoulders. Totoo naman kasi, hindi ko naman talaga alam.

"Naku girl! Kailangan kitang ayusan ng bongga mamaya. Para lamunin niya 'yong sinabi niyang kailangan mong mag-ayos kasi 'di raw kaakit-akit beauty mo ngayon. Ipakita natin ang kamandag ng isang Aimra Prsli Spirit Naranjo! Boom!"

"Loka ka talaga. Mag-aayos lang ako para matalbugan ko raw ang powers no'ng mga babaeng desperada sa kaniya. Kapal ng mukha no? Hilig niya talagang magpaiyak. Jusmi."

Matapos naming tumambay ng ilang oras sa mall ni Sav at nag-shopping, dumiretso na agad kami sa bahay. Kesyo aayusan niya pa raw ako at kailangan niya ng dalawang oras. Anak ng pasig, ano bang pag-aayos ang gagawin niya sa 'kin? Plano ba niyang gawin akong Transformers!?

Nang makarating kami sa bahay, naabutan namin ni Sav sina Mommy at Kuya sa sala na nakaharap sa tambak na mga papeles. Grabe hangang dito ba naman sa bahay?

"Alam mo girl, hanggang ngayon 'di pa rin ako nagsasawang sabihin sa 'yo na ang gara ng bahay niyo. Ang ganda talaga. Puro glass at kung anu-ano pang babasagin ang makikita mo sa bahay niyo. Iba talaga!"

"Sshh. Hindi naman. Sakto lang kaya."

"Sus. Pa-humble pa 'tong besty ko. Ayos lang magyabang sa 'kin. 'Wag kang mahiya, kasi totoo naman na ang yaman niyo."

"Oh hello darling! Hello dear Saveans! Anong meron at napaaga ang uwi niyo at kasama mo pa si Sav dito?"

Lumapit ako kay Mommy para mag-beso at gano'n din si Sav. Si Kuya naman seryosong nakatingin lang sa mga hawak niyang papeles.

"Ah, may lakad lang po kami ni Sav. Sige po, mauna na po kami."

Tumango lang siya at tinuon na ulit ang atensyon niya sa mga documents na hawak niya.

"By the way darling, dalhin mo ulit 'yong kaibigan mo dito ah? Maybe, anytime soon. It's not bad naman to have a good laugh every once in a while, right? That boy's got some sense of humor."

I just smiled at her at hinila na si Sav paakyat sa kwarto. Nang makapasok na kami, agad ko namang sinarado ang pinto at ni-lock. Naku baka mamaya malaman pa nilang lalabas pala ako para makipag date sa lalaking hindi ko naman jowa at mas lalong hindi ko naman gaanong kakilala. Jusko.

"Hey." sambit ni Sav.

"What?"

"Sino 'yong tinutukoy ni Tita Alicia kanina? May iba ka ng besty maliban sa 'kin?" sabi niya na tila ba nagtatampo.

Argh pakshet. 'Di ko nga pala pwedeng sabihin.

"He's not really my besty, Sav. Syempre, ikaw pa rin ang besty ko. I just met him randomly at 'di ko naman inaasahang magkakasunod at magiging close kami kaya 'di ko na nasabi sa 'yo." Yuck. Eh wala ngang oras na hindi kami nagbabangayan no'ng mokong na 'yon eh. Makasundo at maka-close ko pa kaya?

"Are you sure?"

"Yes. Don't worry, I'll introduce him to you one of these days."

"Aba dapat lang! Masyado na yata akong maraming na-miss na mga balita sa buhay mo no! Kailangan kong mag-catch up."

"Loka. Wala namang bago no. May mga nadagdag lang."

"Gano'n na rin 'yon. Anyways, text your boyfie na. Diba nga tinatanong niya kung nasaan address mo?"

Hala shucks.

"Oo nga pala. Wait."

I grabbed my phone at nagulat ako nang makita kong ang dami na palang text messages galing kay Grey.

21 text messages and 13 missed calls? Bushet naman 'tong taong 'to. Hindi nga kasi ako makakalimot no'ng usapan namin.

I decided to text him an apology message na lang.

To: Grey

Hey, I'm sorry kung ngayon lang ako nakapagreply. Kasi ngayon ko lang binuksan ang phone ko, nakasilent kasi 'to lagi eh. Nga pala, this is my address:

McKinley Heights, Taguig***

"Shucks besty. Ang dami na palang text messages at missed calls galing kay Grey. 'Di ko kasi napansin 'yong phone ko eh. Busy sa chikahan."

"'Yaan mo 'yon. 'Di naman siya pwedeng magalit sa 'yo habang buhay kasi may Oplan Date pa kayo ngayong gabi. Tara na, ayusan na kita. Naku, I can't wait to see his reaction. Paniguradong, malalaglag ang panga no'n."

"O.A. naman nito. Hindi naman siguro. Knowing Grey, emotionless kaya 'yon. Grey Soul."

Sinimulan na 'kong ayusan ni Sav. Medyo naiirita na nga siya sa 'kin kasi ang dami ko raw reklamo. Eh sa hindi siya nagiingat. Mahapdi pala 'yong curler sa lashes? Galaw kasi ako ng galaw no'ng ginamitan na niya ng curler 'yong lashes ko kasi ang kati kaya ayon, pati 'yong balat ko naipit tuloy. Ang sakit!

Matapos ang hindi ko alam kung ilang oras na 'yon, natapos na rin agad ang pagaayos niya sa 'kin. Nilagyan niya 'ko ng light make up pero ang tagal namang matapos. Tapos pinagsuot ng bodycon dress para raw ma-emphasize ang sexy figure ko. Anak ng tokwa, ginawa naman akong malandi nito.

"'Yung totoo Sav, binubugaw mo ba 'ko?"

"Oo! HA-HA-HA! Binubugaw kita palapit kay Grey. Ayiee."

Napairap naman ako sa sinabi niya at napayakap sa katawan ko.

"Grabe, ang sama mong kaibigan! Ayaw ko na sa 'yo!" sabi ko at kunwari umiiyak ako.

"Echos lang. Eto naman, ang seryoso sa buhay. Kapag 'yang si Grey na-inlove sa 'yo ngayon dahil sa ginawa ko sa 'yo, for sure you'll really thank me one day."

"Sus. Asa ka pa. Teka, anong oras na ba? Susunduin niya raw ako mamayang 8."

"It's already 7:50 pm. Sakto lang."

After a few minutes, may kumatok na sa pinto ng kwarto ko.

"Ma'am Spirit? May bisita po kayo sa labas."

Agad ko namang tinanong si Manang kung nando'n pa ba sina Mommy sa labas at buti na lang umalis na sila. May business trip pa raw sila sa Tagaytay ngayon at do'n na rin matutulog. Hindi naman sa ayaw ko silang nandito, basta 'wag lang sa araw na 'to. Nakakapagod ng mag-explain.

Sabay na kaming bumaba ni Sav at lumabas na ng bahay. Nakita naman naming nakasandal lang si Grey sa hood ng kotse niya. Nakaitim na v-neck shirt na pinatungan ng black jacket and black pants. Lahat black.

Buti na lang at medyo nagco-collide ang color ng damit naming dalawa. Combination of Black, Dark Brown at White kasi ang kulay ng suot ko ngayon.

"Omg girl. Ayan na ang Knight in Shining Armor mo."

"Pwede ba? I'm not a Damsel in Distress na nangangailangan pa ng Knight in Shining Armor."

"Asows. Oh ano pang hinihintay mo? Lapitan mo na 'yong boyfie mo."

"Hindi ko siya boyfie no! Ew." I said at lumapit na kay Grey.

"Hey." I said nang makarating ako sa tabi niya.

Tinitigan niya lang ako at nauna ng maglakad papasok sa kotse niya.

Aba'y bwesit pala 'tong lalaking 'to! Mag-walk out ba naman!? At hindi pa 'ko pinagbuksan ng kotse! Eh kung ibalibag ko kaya 'tong pintuan ng kotse niya. Bwesit! Argh!

Pumasok na 'ko ng nakabusangot ang mukha.

Walang imikan throughout the ride. Bahala siya.

Strings and ArrowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon