Chapter 20

36 5 0
                                    

It was almost 7 in the evening nang mapagdesisyunan kong bumaba at kumain ng hapunan. Baka nagluluto na si Manang do'n.

"Manang?" I called pero walang sumasagot.

I was expecting Manang to be in the kitchen pero iba 'yong naabutan ko.

"Oh. Hey Spirit!"

Yep. It was Cupid. But don't get this wrong ha? He wasn't cooking. Lumalamon siya.

Diyan talaga siya magaling eh. Ang kumain ng kumain. Wala ba silang pagkain sa palasyo nila?

"We only have Ambrosia and fruits that are offered by the humans."

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. I walked towards his direction at naupo sa tapat niya.

"Ambrosia?"

"It's a special fruit. My wife, Psyche, was suppose to eat that fruit para maging kagaya ko na siya."

"A God?"

"Yep. But then, the moment after we were announced as husband and wife, they already took them. Nakwento ko na naman 'to dati 'di ba? The meaning of her name itself was the reason of her death."

Natahimik ulit ako. He's really sensitive when it comes to this kind of topic.

"Don't you miss your wife? Gusto mo bang puntahan siya?"

"Well, yeah. Kailangan ko rin siyang pasayahin kahit 'di niya alam."

Ouch. Masakit 'yon ah. Well, it's not what you're thinking. What I meant was masakit 'yon para sa part niya.

Napatawa naman siya ng bahagya na ikinalipat ng atensyon ko.

"You're so funny. Ang defensive mo masyado."

"Alam mo, ang annoying mo rin masyado. Binabasa mo 'yong iniisip ng iba. Invasion of Privacy talaga 'yon eh."

Makikipag-away pa sana sa akin si Cupid nang biglang nag-ring ang phone ko. It was Sav who's calling me.

Sinagot ko naman ang tawag at agad na bumungad sa akin ang umiiyak na si Sav.

[Best! I feel so broken!]

"Ano? At bakit naman? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"

[Kilala mo si Clara? Best! Ang uber close na nila ni Christian ko!] She said while crying.

"Hindi ba close na naman sila ni Christian dati pa?"

[Oo pero 'yong tamang closeness lang naman 'yon. Iba na kasi sila ngayon eh. Kasama na si Clara sa ibang gala nila ni Christian at ng mga barkada niya! Come on, how can I not cry?!]

Ang O.A. rin talaga nitong si Best minsan eh.

"Chill ka nga Sav. Siguro matagal na naman siyang palasama pero hindi lang talaga nagpupupunta kasi busy. 'Wag kang O.A. masyado. Nagiging praning ka lang eh."

[Kasi naman best! Dalawang out of town na nila ni Chris 'yong kasama siya.]

"'Wag ka ngang paranoid diyan Sav. 'Wag ka rin kasing papahuli eh."

[Wow best ah? Salamat sa advice. Grabe.]

"Ano ba gusto mong sabihin ko sa 'yo?"

[Little comfort naman diyan best! I'll call you later na lang. Kailangan ko pang i-stalk si Christian eh. I need to stay updated! Bye.]

Then she ended the call.

"Clara? She's gonna get rejected by Christian right?"

Napatingin naman ako kay Cupid nang sabihin niya 'yon.

"Yep. At hanggang ngayon naaawa pa rin ako sa kaniya."

"And why? Diba sinabi ko naman na sa 'yo na--"

"Na makukuha niya rin ang sariling Happy Ending niya dahil lahat naman tayo meron no'n. I get it okay?" Ako na 'yong tumapos sa sasabihin niya dapat. Paulit ulit na kasi pero pasensya naman kung naaawa pa rin ako sa kaniya. Hindi naman kasi maiiwasan 'yon.

"You want some cereals? I can make you some. Pampawala ng depression mo."

"Ang ganda rin ng timing mo eh no? Ikaw lang talaga mag-isang lumalamon dito? Asan ba si Manang?"

"Sinabihan ko na siya na magpahinga na lang ng maaga. Napagod raw siya eh."

"Ang baet mo naman. Saan na 'yong gano'n mong ugali? Gusto kong makita."

"Palagi naman ah. Mabait kaya ako."

"Psh. Whatever." I said and rolled my eyes.

He stood up and opened the box of cereals para gawan ako. Aba dapat lang na pagsilibihan niya rin ako no kahit papa'no. Pinapalamon ko kaya siya dito and not to mention, libreng pakikitira pa. Kahit 'yan man lang bilang pampalubag loob. Nakakahiya naman sa kaniya.

"Alam mo, pagsisilbihan na nga lang kita, ang dami mo pang sinasabi diyan."

Hay. What do I expect? Syempre makikialam 'yan ng iniisip ko. Ganiyan na ba siya ka-bored at pati Private thoughts ng mga tao, ginagawa niyang libangan? Ka-bwesit lang ah?

"Grabe ka talaga. Minsan 'di ko na kailangan pang basahin 'yong utak mo eh kasi alam ko naman na lalaitin mo lang ako. Ikaw lang kaya ang Mortal na may lakas ng loob na gawin 'yan sa isang Diyos na tulad ko."

"Alam mo ang hirap din kasi minsang paniwalaan na isa kang Diyos. Pwede ba? Kung niloloko mo lang ako, awat na?"

There was a moment of silence but then agad rin itong nabasag dahil sa katanungan ko.

"Is Grey really a bad guy?" I asked out of the blue. Wala lang. Since nabanggit na naman niyang may mga capabilities siya, I think I should ask him this question.

"Bakit? Ayaw mo pa rin bang makinig sa 'kin? Lalapit ka pa rin ba?"

"Come on Zel. Bawal na ba akong magtanong ng mga bagay-bagay?"

"Okay fine. Let's pretend that I bought your explanation okay? Pero alam mo naman ang sagot na diyan diba? Bakit mo pa ba tinatanong?"

"Kasi you know. Anyone can be bad kasi lahat naman tayo may bad sides and we still deserve a second chance to be treated in a proper way."

"Yes they do. But masyado na siyang maraming kasalanan from the past or even in the future. Justice will be served to the people who deserves it and I only want you out of that."

"Pero alam mo ba, may naikuwento siya sakin about a girl that I think he really adores the most. Why? Kasi I can see happiness in his eyes as he talks about that girl. So if that happens, I think he isn't a bad person at all. I mean, he might be not that bad you know?"

"What do you know Prs? It was just his story. Have you really seen it? Witnessed it? Come on, 'wag kang magpadala sa mga kwento niya."

"Eyes don't lie."

"They do. They can. Kung ang puso nga nakakapagsinungaling, 'yong mga mata pa kaya? Kaya ikaw, makinig ka na lang sa mga sinasabi ko. I know better Spirit. Sumunod ka na lang."

He said at nilapag ang Cereals sa harap ko sabay alis.

Oh, siya pa may ganang mag walk out samantalang ako naman 'yong napagsabihan. Naku naman kasi. Ang tangina lang ah?

Strings and ArrowsWhere stories live. Discover now