Chapter 31

31 4 0
                                    

May lagnat akong pumasok sa school dahil wala akong tamang tulog at maaga pang nagigising at naliligo. Damn.

"Best halika dali!" Pasigaw na yaya sa akin ni Sav.

Ano bang meron at bakit nagkakagulo yata ang mga studyante sa grounds?

"Anong meron ba Sav? Sandali. Sumasakit ulo ko sa 'yo eh!"

Nahihilo pa 'ko at mas lalo akong nahilo dahil sa ginagawa niyang pagkaladkad sa akin.

"Tingnan mo bilis!"

Agad ko namang sinilip kung ano ang meron sa gitna. Kahit na mahirap dahil maraming tao ay sinikap ko pa rin.

"Maris Santiago, will you be my girlfriend?" tanong ni Carlo kay Maris habang nakaluhod sa harapan.

Matagal muna bago nagsalita si Maris.

Damn! Ito pala ang mangyayari. Paano na? Alam kong hindi sasagutin ni Maris si Carlo!

Pero pa'no kung sagutin niya?

Hindi. Alam ko talagang hindi niya sasagutin. Nababaliw na yata ako. Inaaway ko na 'yong sarili ko.

I am damn paranoid! Hindi madaling mapahiya sa harapan ng maraming tao. I know it will affect the both of them.

What to do? Shall I do something!? What the hell!? Damn! Wala na akong naiisip. Ano? Mag-iisip pa ba 'ko? Huh? Teka nga. Oh shit! What the fuck.

Nakaramdam naman ako ng kaunting kirot sa ulo ko pero binaliwala ko muna 'yon. Nakalimutan ko tuloy na may lagnat pala 'ko.

The fck? Epekto ba 'to ng sakit ko kaya hindi gumagana ng maayos ang utak ko?

Bigla naman akong nabangga ng isang babae. Napaupo ako sa sahig dahil sa lakas. I tried to stand up pero mas lalo lang akong nahilo kaya hindi ko na nakayanan at bigla na lang akong nahimatay.

Nagising ako ng masakit ang ulo at may mabigat na pakiramdam. I looked around the room at ngayon pa nag-sink in sa utak ko na nandito ako sa School Infirmary.

"Oh. It's good that you're already awake Miss Naranjo. We thought you'd still be unconcious until now or maybe till later dahil sa Over Fatigue at High Fever."

Sabi na eh.

"Miss Naranjo, you have to stop sleeping so late. Mabuti at hindi ka nagka-Anemia or else, I will be forced to send you to a hospital and call your guardians. Your Mom and Brother will be upset."

"I am so sorry Doc."

"Good thing at maraming tao sa lugar kung saan ka nahimatay kanina. Agad ka nilang nadala dito. They just left for awhile dahil 'yong iba ay may klase pa at 'yong isa ay babalik raw dito maya-maya. May kukunin lang daw."

Of course marami. May engrandeng proposal kayang nagaganap doon. Wait! Speaking of that! Ano kaya ang nangyari?

"Uh. Doc? Sino po ang nagdala dito sa akin?"

"Well, there were 5 of them. One of them was your best friend. Si Miss Gloran. 'Yung nagbuhat naman sa 'yo ay nagpakilala bilang si Carlo Rivas. Then there were another 2 girls and a guy. For a total of Five."

"Do you happen to ask the names of the other two girls Doc?"

"Mukhang na-mention iyon kanina nang tawagin sila ni Miss Gloran para magpasalamat."

"Isa po ba doon si Maris?"

"Oh that's it! Yes. The other girl's name was Maris and the other was Carmel. Si Miss Gloran iyong tinutukoy ko na may kukunin lang. Babalik rin daw siya agad."

Pumasok naman agad sa loob ng infirmary si Sav.

"Oh. Andito na pala siya."

"Spirit!" Gulat na bungad sa akin ni Sav nang makita niya akong may malay na.

"Best naman! Pinag-alala mo 'ko! Masama pala ang pakiramdam mo. Tapos dinala pa kita sa isang crowded place. Sorry talaga. Malalagot ako nito kay Zeal eh."

"Sira. 'Wag mo ngang isipin 'yon. At isa pa, ayos na naman ako. You don't have to worry diba Doc?"

"Yes. Well, for now of course. Kapag pinagpatuloy mo pa ito ay talagang hindi na bubuti ang pakiramdam mo. Here are some medicines that I can prescribe to you. Samahan mo rin ng tamang pahinga at inom ng tubig. Okay? For now, pwede ka nang bumalik sa klase anytime. But if you're still feeling weak, you can still stay for a while. May aasikasuhin lang ako sa opisina ko. Maiwan ko muna kayo?" Saad ni Doc nang nakangiti bago tumalikod sa amin at pumasok ng opisina niya.

"What happened earlier Sav?"

"Anong what happened? Nahimatay ka."

"No. What I meant was the proposal earlier. S-Sinagot ba ni Maris s-si Carlo?"

"Actually best. Bago kasi makasagot si Maris ay bigla na lang sumigaw si Carmel kaya nagkagulo na kami."

"Was it because of me?"

"Parang ganoon na nga."

Napahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Mabuti naman kung ganoon.

"Pero best 'wag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo naman sinasadyang mahimatay ka eh. May sakit ka tapos dinala pa kita doon. It was actually my fault."

Of course I won't blame myself. Kailangan ko pa nga yatang pasalamatan eh.

"What? No. No of course not Sav. Don't blame yourself. It's not your fault. Hindi mo naman alam eh. Tsaka ako itong pumasok kahit masama ang pakiramdam."

"It's okay Best. Ang importante ay ayos ka na. Magpahinga ka naman kasi minsan. Tsaka 'wag na 'wag mong kakalimutang inumin iyang mga gamot mo ah?"

Tumango naman ako sa mga bilin niya.

"Spirit!? Spirit!" Rinig kong sigaw ni Cupid mula sa labas.

"Andito kam--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"U-Uh Zeal. It's okay. I'm okay." Marahan kong sabi sa kaniya. Doon ko lang napagtanto na may kasama pala siya. It was her again. Clotho.

"Ah, Zeal? Baka hindi na makahinga si Best? She's fine na naman."

Agad namang kumalas si Cupid mula sa pagkakayakap niya.

He stared at me na para bang sinusuri ang bawat detalye ng mga mata ko.

"Are you okay? Pinag-alala mo na naman ako. Ano? May masakit ba sa 'yo? Is there something I can do to help you--"

"Erozeal." May awtoridad sa tono ng boses ni Clotho.

Pero tila hindi ito pinansin ni Cupid dahil hindi niya nililihis ang mga titig niya sa mga mata ko.

"What is it? What are you feeling? Tell me. I'm sure there's something I can do about it."

"I'm fine Zeal. It's okay. It was just a fever."

"Best. You know it wasn't just a fever."

Agad ko namang tinapunan ng masamang titig si Sav.

"Listen to me Hon, please. Please take care of yourself. For me." Nagsusumamo niyang sambit.

Ano na naman bang nakain ng lalaking 'to?

"No. You listen to me. Ayos lang ako diba? You don't have to worry about me. Ikaw ang dapat mag-ingat at alagaan ang sarili mo."

Matagal kaming nagtitigan nang biglang umubo si Sav.

"Excuse me lovers ah?" Nakangiti niyang saad at lumabas na ng Infirmary.

"Okay. You stay here for awhile Spirit. Kakausapin ko lang sina Sav at Cloth."

Tinanguan ko lang siya.

He held my hand and gently pressed it. Para bang sinasabi niyang 'wag akong mag-alala.

He stood up at tumalikod na saka naglakad palayo.

Strings and ArrowsWhere stories live. Discover now