"Nay, alis na po ako." Nag mano ako kay nanay."Mag ingat ka dun, anak. Pasensya kana kay nanay kung naging pabigat ako sainyo. Ako sana ang kumakayod para satin simula nung wala na ang tatay niyo."
Napailing akong ngumiti, "Si nanay talaga. Napag usapan na po natin to. Panahon na para kami naman ang mag alaga sainyo. Lalo na ngayong tapos na ako mag aral."
"Pero kahit na. Mapapalayo ka naman sa amin ng matagal. Kung hindi lang sana mahal ang tuition fee ng kapatid mo sa kolehiyo, sana dumito ka nalang."
Luluwas na naman kasi ako ng Manila. Nakapasa na kasi ako sa board kaya pwede na akong maghanap ng trabaho. Sakto din na magco-college na ang kapatid kong lalaki sa pasukan. Kailangan niya ng pang tuition kaya ako naghanap ng trabaho.
Pero nalaman iyon ng mga Francisco kaya kinumbinse nila akong sa companya nila mag trabaho. Nung una ayoko kasi nakakahiya na talaga ako sa dami ng naitulong nila samin. Pero malaki kasi ang pasahod nila at maganda ang benefits dahil malaki ang companya nila. Kaya pumayag ako alang-alang sa kapatid ko. Gusto ko kasi ako mismo ang magpapa aral sa kanya dahil nakakahiya na iasa pa sa iba ngayong kaya ko namang mag trabaho.
"Wag kayong mag alala, nay, pagnakapag ipon ako sa Manila, dun na tayo lahat titira para naman hindi na tayo magkakahiwalay pa."
Niyakap ako ni nanay ng may lungkot sa mga mata. Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko lang dahil ayokong malungkot siya lalo sa pag alis ko. Mami-miss ko kasi sila ng sobra.
"Mag ingat ka dun, ate. Salamat sa mga sakripisyo mo para samin." Niyakap din ako ng kapatid ko.
"Basta mag aral ka ng mabuti, okay ba Joseph? Pipili ka ng mabuting kaibigan sa school. Lalo na college kana dapat mag focus ka sa pag aaral. Naiintindihan mo ba ha, Joseph?"
"Opo, ate."
Tumango ako saka nag paalam na sa kanila, "Mahal na mahal ko kayo."
Ngayon na ang alis ko. Sumakay ako ng tricycle at dun lang lumabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Papunta na ako sa terminal at sumakay dun ng bus. Pinili ko nalang na matulog buong byahe para hindi ako masyadong malungkot sa pag alis ko. Sa totoo lang mabigat sa puso ko ang naging desisyon ko dahil ayoko sila iwanan. Hindi pa ganun kalakas si nanay dahil sa sakit niyang hindi naman maipaliwanag ng doctor samin. Kaya kahit mahirap, magtatrabaho ako sa malayo para mapag aral ang kapatid ko sa college.
Dumating ako ng bahay ng mga Francisco nung hapon na. Sila kasi ang gustong dito ako tumira. Kahit papano nabawasan ang hiya ko sa kanila dahil naging close ko naman sila kahit sa tagal kong wala dito. Lagi kasi nila kaming kinakamusta at minsan dinadalaw kami. Sabi nga ni nanay baka sabik ang mag asawa sa anak na babae kaya gustong-gusto nila akong nandidito sa bahay nila. Welcome na welcome daw ako lagi dito. Pero hindi ko alam kung welcome din ako dito pagdating sa anak nila.
Tumigil ako pagkapasok ng gate at tiningnan ang kabuuan ng bahay nila. Wala paring pinagbago, maganda parin ito kahit limang taon na ang nagdaan. May konting nagbago sa garden dahil mas lalo itong gumanda. Ang tagal ko ring hindi nakabalik dito kaya nakakapanibago ulit sa pakiramdam.
"Patricia!"
Bumaba ang tingin ko sa babaeng tumawag sa akin na nasa hamba ng pintuan. Nakangiti itong sinalubong ako.
Nagulat ako nung bigla ako nitong niyakap. Sandali lang yun saka ako pinakawalan, "Hija, salamat at ligtas kang nakarating. Sabi kasi sayo ipapasundo na kita sa inyo eh."
"Okay lang po ako, tita. Saka masaya din naman mag commute. May nakakausap akong ibang tao at nakakapag isip narin."
Nakangiti lang siya at saglit akong tinitigan, "Ang ganda-ganda mo na lalo. Hindi na ako magtataka kung may magkagusto sayo dito sa Manila at isang araw may bumibisita na sayo dito sa bahay. Welcome sakin kung sino man ang lalake na yun. Basta matino ha?"

VOUS LISEZ
Playful John (Barkada Series 2)
Fiction généraleThe sequel of My Aloof Husband. John hates Patricia a lot because his parents give her too much attention. He also hates her because she never learned to look at him as a man. For her, he's playful, arrogant and a playboy while she's smart, hard-wo...