Chapter 55: Call a Friend

20K 514 59
                                        


Kausap ko ang isang employee nung mapansin ko si John.

"Sige. Salamat." Nakangiting paalam ko sa kausap ko saka umalis na siya. Bumaling ako sa direksyon ni John.

Napaangat ang isang kilay ko nung mapansin kong todo ngiti siya lalo na sa mga bumabati sa kanya. Mukhang maganda ang gising niya ngayon ah. Nung magtama ang mga mata namin ay lumawak ang ngiti niya.

"Mabuti naman at pumasok kana. Nung isang araw kapa magaling ah?" Bungad ko kay John nung malapit na siya sakin. Kakarating niya lang sa company.

Natawa siya sa sinabi ko na pinagtataka ko. Ang saya niya ata?

"May ginawa lang. Bakit na miss mo ko?"

Natigilan ako sa tanong niya. Mukhang binibiro niya lang ako pero bakit parang gusto kong sabihin ang totoo? Na miss ko naman talaga siya.

Napatikhim ako saka iniba ang usapan, "Kailangan na nating pag usapan ang bagong plano."

"Shoot." Sabi niya na ibig sabihin ay magsimula na akong magkwento.

"Dahil hindi na natin mababawi yung 20 million dahil mukhang wala ng pag asa na kausapin tayo ni Mr Salvador, naisip ko na maghanap nalang ng bagong investor. Yung kayang mag invest satin ng malaking pera." Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami.

"It won't be easy. Hindi lahat ng investors ay kayang itaya ng buo ang 20 million nila sa company." Napapailing na sabi ni John. Pinindot niya ang UP na elevator button saka tumigil sa harap ng elevator kaya tumigil na din ako sa tabi niya habang nakaharap sa kanya.

"Alam ko pero wala na tayong choice kundi subukan. Next week na ang board meeting. Kailangan nating makahanap ngayong week mismo ng investor na madali nating mapapayag at okay lang sa kanya na madaliin natin ang proseso."

Bored na tumingin sakin si John na parang hindi siya kumbinsido sa idea ko. "At sino naman ang taong papayag sa ganyan? Baka maghinala sila bakit nagmamadali tayo at malaman na may natalo tayong pera ng company tapos magba-back out sila pag nalaman ang totoong nangyari." Saka siya tumingin sa pinto ng elevator.

"Kaya nga maghahanap tayo ng taong pwedeng pakiusapan mo."

Napakunot ang noo niya saka bumaling sakin, "Pakikiusapan ko? Plano mo yan, diba? Eh di ikaw makiusap."

Napa crossed arms ako sa dibdib, "Bakit ako ba ang nakipag-yabangan at dinamay ang pera ng company?"

Napaingus siya saka napilitang bumaling ulit sakin, "Fine. Kasalanan ko. So sino nga? May nakita kana bang prospective investor? O mag hahanap kapalang?" Sabi niya saka sumakay ng elevator nung bumukas ito. Sumabay na din ako sa loob saka niya pinindot ang close at ang floor number.

"Meron na akong naisip na pwede nating pakiusapan. Yung kaibigan mong si Sander Chiu na may ari ng airlines."

Mabilis na humarap sakin si John, "Si Sander?? Bakit si Sander??"

"Eh sabi ni Ralph si Sander daw ang pwedeng makatulong satin—"

"Kinausap mo si Ralph??"

Napakunot ang noo ko dahil tumaas ang boses niya na parang mali ang ginawa ko. Napatango akong parang natigalgal sa gulat dahil sa paglakas ng boses niya.

"Bakit mo siya kinausap?!"

"Siya kasi sana ang tatanungin ko na mag invest satin. Pero si Sander ang ni recommenda niya. Mas malaki daw kasi ang companya ni Sander."

Napapailing si John, "Hindi yan ang ibig kong sabihin. Diba crush mo yun??"

"Ha?" Takang tanong ko.

Playful John (Barkada Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon