"Maam, pinapabalik po sainyo."Napatingin ako sa papel na pinatong niya sa mesa ko.
"Bakit pinapabalik?" Takang tanong ko.
"May mali daw po." Sabi ni Lady. Kinuha ko ang mga papel saka tiningnan isa-isa kung ano ang mali.
May nakalagay doon na note sa pinakahuling papel at sinabing REVISE. Napakunot ang noo ko dahil ano ang rason bakit ko ire-revise? Wala man lang nakalagay kung ano ang dapat baguhin o kung ano ba ang mali. Napailing ako at napabuntong hininga nalang.
"Ire-revise ko nalang to. Sabihan nalang kita pag natapos na para maipasa mo agad sa boss natin."
Tumango siya. "Sige po."
Wala akong nagawa kundi ang isulat ulit ang nakalagay sa page na yun at in-edit ang ibang sentences. Dinagdagan ko narin ng konti. Alam kong si John ang may gawa nito. Siya na kasi ang incharge sa mga reports. Hinati na ni tito ang mga tasks sa kanilang dalawa. Ilang araw na niyang ginagawa to sakin. Palagi nalang may mali sa mga reports ko. Alam kong nananadya siya. Parang pinapahirapan niya ako.
Tinapos ko ang files saka prinint ko na at tinawag agad si Lady para e-submit na niya yun sa taas.
"Okay na po ba ito, maam?"
Napailing ako. "Kahit ano namang ilagay ko jan, mali parin sa kanya."
Natawa si Lady sa sinabi ko, "Ang cute ninyo mag-away ni sir. Alam niyo, maam, palagay ko nagpapapansin pa yun sa inyo."
"Lady, break na kami. Siya pa nga ang nakipagbreak sakin." Malungkot na sabi ko. Nalulungkot kasi ako pag pinapaalala sakin na wala na kami. Isang linggo palang ang nakalipas at sariwa parin ang lahat.
Napatango siya. "Pasensya na, maam. Sige po, ipapasa ko na ito kay sir."
"Salamat."
Napatingin na ako sa laptop ko nung makaalis na si Lady. Pero imbis na balikan ang ginagawa ko kanina, hindi makapag focus ang isip ko sa trabaho. Iniisip ko kasi kung bakit ganun si John sakin? Hindi kaya tama si Lady na nagpapapansin siya sakin?
Hindi naman siguro. Hindi si John yung tipo na nagpapapansin sa taong galit siya. In-ON ko yung laptop ko at natigilan ako nung makita ang wallpaper. Ako at si John na nakangiti habang naka-akbay siya sa akin.
Ito yung picture namin nung bago palang kami. Nung nagdate kami sa karenderya saka naglibot-libot.
Napangiti ako ng may bahid ng lungkot. Hanggang alaala nalang lahat.
Hinayaan ko ang wallpaper. I don't want to forget all the good things we shared. Kahit papano at kahit nasasaktan ako, mahal na mahal ko parin naman siya. Ito ang picture na to ang nagpapaalala sakin na minahal niya ako. Na hindi nasayang ang unang pag ibig ko kasi minahal ako ng lalaking una kong minahal.
Nagpatuloy na ako sa pagta-type. Inabala ko ang sarili ko sa trabaho. Tumigil lang ako nung uwian na. Pinatay ko na ang laptop ko saka tumayo na. Kinuha ko ang bag at lumabas ng office. Dumaan muna ako sa restroom bago tuluyang bumaba. Nasa loob ako ng isang cubicle nung marinig kong may nag uusap. Nung una hindi ko pinansin pero biglang napantig ang tenga ko at nakinig bigla sa usapan nila nung marinig ko ang pangalan ni John.
"Single na daw ulit si Sir John. Ang balita, naghiwalay na daw sila nung head ng operation department. Ano nga ang pangalan nun? Patricia ba?"
"Oo, yun nga ata. Akalain mo yun, tama ang chismis na hindi sila magtatagal. Sa gwapo at yaman ni sir, hindi yan makukuntento sa isang simpleng babae lang. Hindi pa maganda manamit. Walang ka appeal-appeal. Ewan ko nga bakit nagustuhan yun ni Sir John. Baka naghahanap lang yun ng thrill sa buhay kaya pinatulan siya."

YOU ARE READING
Playful John (Barkada Series 2)
General FictionThe sequel of My Aloof Husband. John hates Patricia a lot because his parents give her too much attention. He also hates her because she never learned to look at him as a man. For her, he's playful, arrogant and a playboy while she's smart, hard-wo...