Kakalabas ko lang ng banyo nung makarinig ako ng katok sa pinto.Sino kaya yun? Matutulog na sana ako.
Binuksan ko ang pinto at nagulat ako kung sino ang nasa labas.
"Bakit?" Nakakunot noong tanong ko.
Imbis na sumagot ay pumasok lang siya sa kwarto. Nilagpasan niya ako at nilibot ng tingin ang buong kwarto ko bago siya humarap sa akin. Nailang ako bigla dahil unang beses na pumasok siya sa kwarto tapos kaming dalawa lang. Noon kasi never yan pumasok dito.
"Tatawagin mo na ba akong kuya?"
Mas lalong kumunot ang noo ko, "Anong ibig mong sabihin?"
Ayan na naman siya sa smirk niya. Alam na alam ko na agad na wala siyang magandang sasabihin. Mang iinis na naman yan.
"Tinuturing kana kasing anak nina mommy at daddy. Kulang nalang legal na ampunin ka nila. Pag nangyari yun, magkapatid na tayo. Kaya ngayon palang sasabihin ko na sayo. Ayoko na maging kapatid ka."
Hindi ko alam kung pano ako magre-react na sinabi niya. Kahit hindi naman totoo na aampunin ako nila tita dahil unang-una hindi ako magpapa ampon dahil mahal ko si nanay. Hindi ko sila kailanman iiwan. Pero nung sinabi niya na ayaw niyang maging bahagi ako ng pamilya nila ay masakit pakinggan. Noon palang alam ko ng hindi niya ako kailanman ituturing na pamilya o kahit kaibigan man lang. Hindi ko alam kung ano ang maling nagawa ko sa kanya bakit ayaw na ayaw niya sa akin. Naging sobrang maingat nga ako para hindi ko sila ma disappoint.
"Kung pumunta ka dito para lang iparamdam sa akin kung gaano mo ako ka ayaw, please lang, alam ko na yan. Hindi mo na kailangan e remind ako araw-araw."
Ngumisi siya sakin na nakapamulsa pa, "Mabuti nalang matalino ka. Salamat naman at hindi ako mahihirapan na iparamdam sayo yan. Pero ang totoo niyan kaya ako pumunta dito ay para sabihin sayong welcome back. Magiging makulay na ulit ang buhay ko lalo na at may aasarin na naman ako."
Napailing ako dahil ang childish parin niya. Hindi man lang siya nag mature ng kahit konti sa loob ng limang taon. Matagal na akong nagpipigil sa kanya. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong mag control sa kanya. Mahaba ang pasensya ko at hindi ako mabilis magalit. Minsan naman gusto ko na talaga siyang patulan.
"Wag kang mag alala, pagnaka ipon ako, maghahanap ako ng matitirahan. Alam ko namang yun ang gusto mong iparating. Hindi mo pa ako diretsuhin." Seryosong sagot ko.
Natawa siya sa sinabi ko.
"Alam mo ang palaban mo. Kaya gusto kitang inaasar kasi ang pikon mo minsan. Pero bakit ganun, iba ang sinasabi ng bibig mo kesa sa sinasabi ng mukha mo? Nagpipigil kalang ba na sampalin ako para hindi ka maging masama sa paningin nila?"
"Bakit naman kita sasampalin? May pinag aralan akong tao. Hindi naman ako ganun ka isip bata para patulan ang mga walang kwenta mong biro. Saka wag kang mag alala, baka dumating ang araw na patulan na kita."
"Hmm... Sinasabi ko na nga ba. Hindi ka naman talaga anghel. May tinatago karing kulo sa loob. Malalaman ko rin yan."
Napabuntong hininga ako ng malalim. "John, please. Tama na. Gusto ko ng matulog kesa ang makipag talo pa sayo."
Nonsense naman kasi ang mga sinasabi niya. Siguro naghahanap lang siya ng papansin sa kanya kaya mahilig siyang mang asar. Sa aming dalawa mukhang siya ang kulang sa attention. Hindi siguro nito na enjoy ang kabataan niya dati.
"Matutulog o umiiwas kalang? Kaya ka ba bumalik kasi handa kana at nakabuo kana ng plano kung pano mo makukuha ang yaman namin? Alam kong matalino kang tao at hindi impossible na gagawin mo yun. Sa oras na malaman ko ang plano mo, I will be the one to punish you. Remember that." May banta sa huli niyang sinabi.

YOU ARE READING
Playful John (Barkada Series 2)
General FictionThe sequel of My Aloof Husband. John hates Patricia a lot because his parents give her too much attention. He also hates her because she never learned to look at him as a man. For her, he's playful, arrogant and a playboy while she's smart, hard-wo...